Chapter 2: Fortunate

302 15 0
                                    

Chapter 2: Fortunate

.

.

.

Dia's POV

Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa magkabila kong mata habnag nakatango ang aking ulo, hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga sandaling iyon, blanko ang utak ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room, ayaw kong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lamang. Si Mama ang iniisip ko, ang kalagayan niya ngayon sa loob ng emergency room.

"Dia?" 

Dahan dahan kong itinunghay ang aking ulo, mukha ni Shine ang sumalubong sa aking paningin ng tingnan ko ang pinangyarihan ng boses na iyon. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, napahagulhol ako sa iyak ng gawin niya iyon, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maging ang mga luhang walang humpay sa pag agos mula sa aking mata, ang sipon na kanina pa nagbabadya sa aking ilong ay hindi ko na din napigilan, ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang umiyak, ng umiyak.

"Safe si Tita kay Doc Sylvia, okay?" sambit ni Shine habang yakap yakap pa rin ako, kung dati mabilis niya akong mapakalma sa simpleng yakap niya at pag aalala, ngunit sa mga oras na ito walang epekto sa akin ang mga iyon ni Shine at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga nangyayari. 

Kung kanina sobrang dami kong iniisip dahil sa sunod sunod na kamalasan ngayon naman nablanko na lang bigla ang utak ko nang makarating ako dito sa hospital.

.

.

.



Shine's POV

Nakaupo lang kaming dalawa ni Dia sa bakanteng upuan habang hinihintay na makalabas mula sa emergency room ang Doctor ni Tita Alondra, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Dia magmula kanina. Naaawa ako sa kanya habang nakahawak siya sa kamay ko, kapatid na ang turing ko sa kanya magmula noon hanggang ngayon, siya ang best friend ko, na kapatid ko dahil wala akong kapatid at minsan kaaway ko din.

Sabay kaming lumaki ni Dia since 5 years old, kapitbahay namin sila noon pero nang lumipas ang mga taon lumipat kami ng bahay dahil nagresigned si Daddy sa trabaho niya at natanggap sa trabaho na hanggang ngayon ay mas mahal niya pa kaysa sa amin ni Nanay. Pero nang dahil sa trabaho niyang iyon nakatapos ako, at si Dia ang dahilan kung bakit natanggap si Daddy sa trabaho niya at siya din ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ako sa isang sikat na kompanya, siya ang nagpasok sa akin sa kompanyang iyon bilang stylist na ngayon ay isa ng manager ng isang department, pangarap naming pareho ang maging isang simpleng office girl pero hindi ko akalain na mas higit pa pala doon ang mararating ko kasama ang best friend ko kahit na tinanggal na siya sa trabaho niya bilang stylist, kaya siya ang dahilan sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay ko at ng pamilya ko. Kaya sa lahat ng desisyon niya sa buhay ay nakasuporta ako, hindi dahil sa utang na loob kundi dahil sa kabutihan niya, hindi lang sa akin at sa pamilya ko maging sa mga nasa paligid niya.

Masipag, matalino, mapagmahal, maganda, mabait kahit na minsan dragon kapag nagalit at higit sa lahat malakas si Dia, ngunit hindi ngayon. Nakikita ko sa kanya ang pag aalala niya sa Mama niya, maging ako ay nag aalala dahil naing parte na sila ng buhay ko noon hanggang ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang samahan si Dia at pakinggan ang kung anumang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Makalipas ang kalahating oras na paghihintay, napansin ko ang dahan dahang bumukas ang pinto ng emergency room. Agad kong ginising si Dia na nakasandal sa aking balikat na nakatulog kakaiyak.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon