First Day in Vigan (Prince)

4.6K 156 129
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction.


"I told you, bro. Dapat hindi ka na nag eskandalo. Yan tuloy trending ka sa buong mundo."

Pikon na pikon na pagkakasabi ni hance.

"How are you gonna redeem yourself, Prince?"

Kalmadong sinabi ni Knight.

I get it. I know what I did. Hindi ko naman sinasadyang sampalin yung ex-girlfriend ko sa concert namin eh. Nagulat rin naman ako sa sarili ko but I won't deny the fact na hindi ko pinagsisihan yung ginawa ko. Sino ba hindi magagalit? Sinama niya yung lalake niya sa concert ko.

"She deserve it tho." sambit ko.

"But we don't deserve this, Prince. Hindi ka independent artist pare. Grupo tayo! Sana man lang inisip mo yun bago mo sampalin si Coleen!"

Galit na galit na sinabi ni Nathaniel.


Nakatulala lang ako sa pinto habang patuloy nila ko pinagsasabihan. Alam ko naman mali pero tao lang naman ako, she deserve a good slap.

"Look guys.. Pwede naman natin sabihin sa Media na hindi naman yun bago kase totoo naman na badboy si prince. Diba?" Suggest ni Knight.

"Pwede rin natin sabihin na nagloko yung Coleen." Hance.

"Pero yung issue kase dito, Physical. Kahit ano pa na palusot ang gawin natin hindi pa rin matatakpan yung pagsampal niya sa babae. Baka nga kasuhan pa yang si prince eh." Jaz.

Nakinig lang ako sakanila hanggang sa nagkaron ako ng lakas ng loob para umalis sa backstage. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at ang huling narinig ko lang ay

"Hayaan niyo si Prince, kailangan niya muna mag pahinga."

Kilalang kilala talaga ako ni knight. He know exactly what I'm about to do.


Disappear.


Umuwi ako sa condo ko at nag impake ng gamit. Kinuha ko yung phone ko at nahiga muna sa kama. Mamimiss ko to. Ilang buwan nanaman kaya ako mawawala? Huminga ako ng malalim at nag scroll sa Google Map. Saan nanaman ba ako pupunta? Baguio? Parang gusto ko yun.

Dinala ko halos lahat ng hoodies ko at nagsimula ng maglakad palabas ng condo. Eto nanaman tayo, Prince. Tatakas nanaman tayo sa realidad.

Inayos ko na ang itsura ko, nag lagay ako ng black cap, at black face mask para hindi ako makilala. I will take the bus, hindi ako magpapahatid sa driver ko.


Habang nag aantay, napag desisyunan kong pumunta muna sa 7/11 para bumili ng drinks. Nag iisa nalang yun gatorade kaya nagmadali ako pumunta sa station ng drinks.

Nagulat ako nung inagaw sa kamay ko yung gatorade.

"Salamat." sabi nung babaeng kumuha ng gatorade ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at biglang natawa. Probinsyana to, hindi marunong pumorma. Naka bestida at naka salamin na sobrang kapal ang grado. Nakatali ang buhok at mukhang magsasaka dahil sa pagiging morena niya.

"Pumapatol ako sa babae." Diretso kong sinabi.

Inayos niya yung salamin niya kase nasa baba na ito ng kanyang ilong.

"Gusto mo ba mabaog?"

Inagaw ko ulit yung gatorade sa kamay niya at dire-diretsong naglakad papunta sa counter nang bigla ako napasigaw sa sakit ng pagkakasipa niya sa binti ko. Nabitawan ko yung gatorade kaya nagkaron siya ng pagkakataon para kunin sa sahig at tumakbo sa counter para mag bayad. Ngumiti lang siya sakin at nag madaling lumabas 7/11.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon