Chapter 3: You're Hired

269 15 0
                                    

Chapter 3:  You're Hired

Dia's POV

Pinabalik ko na si Shine sa office niya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, ako na lang muna ang magbabantay kay Mama habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayong araw, magmula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali. May galit ba sa akin ang nasa itaas, sobra sobra na yata ang kamalasan na binibigay niya sa akin ngayong araw.

"Anak okay lang ako, bumalik ka na sa trabaho mo."

Nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya, ginantihan naman niya iyon at ngumiti din na parang walang nararamdamang sakit sa loob ng katawan niya ngayon, ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin sa opisina kanina at mas makakabuti iyon sa kalagayan niya ngayon, akala ko kukunin na siya sa akin kanina kaya ganoon na lang ang paghagulhol ko sa labas ng emergency room. Hindi ko pa nakakausap si Doctor Sylvia tungkol sa nangyari sa loob ng emergency room kanina, siguro busy pa ngayon sa iba niyang pasyente, mas mabuti kung samahan ko muna si Mama dito sa kuwarto niya.

.

.

.

"Dia, kailangan na siyang operahan as soon as possible."

Natigilan ako sa sinabi ni Doctor Sylvia, nakatayo ako sa tapat ng table niya sa mga sandaling iyon.

"Akala ko po ba next week pa ang schedule niya?" tanong ko sa kanya at nagbabakasakali na mabago ang schedule, para na rin makahanap ako ng trabaho na mas makakaipon ako ng malaking pera. Kulang pa ang pera kong naipon para sa surgery, at kailangan kong makahanap agad ng trabaho.

"Mas better kung aagapan agad natin ang operasyon."

Napatango ako at napaisip sa sinabi niya, tama siya dahil kung hihintayin pa namin ang susunod na linggo baka kung ano pa ang mangyari kay Mama. Bahala na, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pandagdag sa hospital bill ni Mama pero susubukan kong makahanap at makasiguro na ligtas si Mama.

"Tama po kayo, mas mabuti kung mas maaga upang hindi na magkaroon ng komplikasyon ang right lung ni Mama."

Dahan dahang gumihit sa aking labi ang ngiti na pilit kong ginagawa sa harap ni Doc Sylvia. Umalis na din ako pagkatapos makausap ang doctor ni Mama, tulog siya ng bumalik ako sa kuwarto niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, agad na pumatak sa aking kaliwang mata ang luha na hindi ko inaasahan. Si Mama na lang ang meron ako, at ayaw kong iwanan niya ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko dahil si Mama lang ang kinagisnan kong magulang na nagpalaki sa akin, kaya wala akong idea kung ano ang hitsura niya. Kahit minsan hindi naikwento sa akin ni Mama ang tungkol sa tatay ko, pero hindi na iyon mahalaga, kami lang ni Mama ang magkasama sa loob ng mahabang panahon kasama ang pamilya ni Shine, at hindi ko na kailangang alamin kung sinuman ang aking tatay.

Nakatingin lang ako kay Mama habang inaalala ang masasayang sandali na kasama ko siya, nagpatuloy lang sa pag agos ang aking luha sa mga oras na iyon.

.

.

.

"I'm sorry Miss but we don't have vacancies up to this moment."

Napatango na lang ako ng muling marinig iyon, ito ang panglimang company na nagsabi na may parehong sanaysay. Mukhang naextend ang kamalasan ng buhay ko, kung noong isang araw natanggal ako sa trabaho, kahapon holiday dahilan para maging sarado ang karamihan sa mga establishment tapos ngayon naman lahat naoccupied ang hiring nila.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon