Chapter 7: The Lost Grand Princess

216 9 0
                                    

Chapter 7: The Lost Grand Princess

Shine’s POV

Nagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.

“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.

2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.

Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya ko sa aking isipan sa aking paglalakad.

.

.

.

“Maayos na ang kalagayan ni Mrs. Alondra pagkatapos ng surgery, nasa ICU siya ngayon kaya inililipat ang iba niyang gamit doon. Ngunit hindi kami sigurado kung aabutin siya ng anim na linggo bago makarecover, pero nakamonitor naman ang lahat sa kanya.” Napahinga ako ng maluwag ng marinig ang balitang iyon mula kay Dr. Sylvia.

“Ito ang nakuha naming blood clot mula sa artery niya at sa right lung niya.” Isang larawan na hugis veins ang inilapag niya sa table, kinuha ko naman iyon at hinawakan.

“Shine sa ngayon kung pwede lang na huwag mo munang banggitin kay Dia ang tungkol dito.” Hindi ko maiiwas ang tingin ko kay Dr. Sylvia dahil sa sinabi niya, naglakas loob akong bumuntong hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili bago ibuka ang aking bibig.

“Bakit po ba ayaw niyong malalam ni Dia ang sitwasyon ngayon ni Tita Alondra?” Tanong ko sa kausap ko na habang hawak ang papel na nasa harap niya lang kanina.

Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mga mata pero hinintay kong sagutin niya ang tanong ko, palipat lipat ang kanyang mga tingin sa hawak niyang papel maging sa akin. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima hanggang sampung segundo bago niya bitawan ang hawak niya at tumayo sa kanyang kinauupuan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na wari koy magsasalita na siya, ngunit may iniabot lang siya sa akin na isang envelope.

Napakunot ang noo ko dahil doon, hinihintay niyang kunin ko ang iniaabot niya tiningnan ko lang siya bago kunin ang envelope na hawak niya.
Dahan dahan ko iyong binuksan at tiningnan ang nasa loob nito, pagkabukas ko isang papel na may mahabang liham ang bumungad sa aking paningin. Sinimulan kong basahin ang liham, makalipas ang ilang minuto natapos ko din iyon at gulat na gulat sa nabasa ko lalong lalo na sa bandang hulihan ng liham. Binalikan ko iyon at binasa muli, baka kasi namamalik mata lang ako sa nabasa ko ngunit hindi, nakasulat mismo sa papel na hawak ko ang mga salitang hindi ko akalain na mababasa ko doon.

“Sinulat iyan ni Mrs. Alondra dalawang linggo na ang nakakaraan, noong una ayaw niya pang sabihin sa akin ang dahilan pero kinalaunan nag open na din siya.” Pansin ko ang lungkot sa mukha ni Dr. Sylvia, alam kong nasasaktan din siya sa gustong mangyari ni Tita Alondra, sa loob ng maraming buwan hindi niya sinukuan ang kalagayan ni Tita Alondra tapos susuko siya sa lahat lahat ng nangyari. Bigla akong may naramdaman na luha sa aking pisngi na umagos mula sa kanang mata ko, hindi ko mapigilan ang hindi maging emosyonal sa mga sandaling ito.

“Bago ko simulan ang surgery kanina nakita ko ito sa kanyang gown, kaya itinabi ko hanggang sa matapos ang operation sa kanya.” Isang mas maliit na envelope ang iniabot sa akin ni Dr. Sylvia, agad ko namang binuksan iyon, at doon nakita ko ang isang lumang larawan na may nakalakip na susi.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon