Chapter 8: Bill
Shine’s POV
Kadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.
“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.
“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalungkot at ang pinagdaanan ng luha niya.
“Natanggal na ang blood clot sa artery niya, ngunit aabutin ng 4 hanggang 6 na linggo bago siya makarecover.” Mahinhin kong sagot sa tanong niya, muli kong nasilayan ang luha sa mga mata niya ng sabihin ko iyon kaya napasimangot na lang dahil sa sinagot ko.
Alam kong nahihirapan din si Dia sa mga nangyayari, halos isang taon na dito si Tita Alondra sa hospital ngunit ngayon lamang siya naoperahan, alam ko ang mga paraan kung paano kumakayod si Dia na makaipon para sa bill ni Tita lalo na ngayon ay naoperahan na.
.
.
.
Nico’s POV
“Nakakahiya naman po, pero pag iisipan ko po.” Mahinhing sambit ni Alira na kausap ni Tita Vel, may business proposal na naman kasi si Tita Vel sa babaeng ito kaya nandito.
“Sige po kailangan ko ng bumalik sa studio.” Tumayo siya gayundin din si Tita Vel, nakipagbeso pa siya bago lisan ang room.
“Mag iingat ka, inform ko na lang ang handler mo about sa new business proposal.”
Pagkatapos ay umalis na din ang isa sa mga model na kinukuha ng Mondragon Company sa tuwing magkakaroon ng bagong labas na designs and never nawala sa listahan si Alira, ewan ko ba kay Tita Vel kung bakit yung babaeng iyon ang top list niya sa mga model niya.
“Nicolai ayaw mo ba talagang kunin na model si Alira?”
“Tita Vel hindi ko kukunin ang isa sa top model mo lalo na ngayon na may bago kang proposal.”
“Okay sabi mo yan. Pero maiba ako sa tingin mo ba napaniwala natin si Dia?”
“Nasa sa kanya na kung maniniwala siya o hindi, pero hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya naidadala sa Rallnedia.” Ibinaling ko ang atensyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sa mga sandaling kausap ko si Tita Vel.
“Yes.” Sambit ko sa kabilang linya ng masagot ang tawag mula kay Kade.
“Tita Vel kailangan ko na pong umalis.”
“Sige mag iingat ka.” Nakangiting tugon ni Tita Vel, tumayo naman ako at lumapit sa kanyaupang makipagbes bago lisan ang room na iyon habang nasa linya pa rin si Kade. Pagkalabas ko sa room ay muli kong kinausap si Kade sa cellphone na hawak.
“Sigurado po ba kayo na dito lang ako?” Tanong ni Kade sa kabilang linya, napatawa naman ako sa tanong niya. Si Kade ang klase ng tao na hindi basta basta sumusuway sa utos at hindi din basta basta sumusunod sa mga utos, kaya minsan may sarili siyang desisyon.
“Yes hanggang sa makauwi siya.” Sagot ko naman habang binabaybay ang daan patungo sa parking lot.
“Pero…
BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Mystère / ThrillerPaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...