Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Kade’s POV
“Excuse me.” Nagising ako ng marinig iyon, minulat ko ang aking mata at napatingala ako ng ulo, nilingon ko ang pinanggalingan niyon.
Isang lalaking nakasuot ng puting coat habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa niyon, may nakasabit sa kanyang leeg na stethoscope habang may black and red ballpen na nakalagay sa kanang bulsa ng coat niya at napansin ko pa ang embroidery name niya. Dr. Rawn Santiago, iyon ang nakalagay sa coat niya.
“Pasensya na pero bawal dito tumambay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay samantalang steady pa rin ang postura niya. Hays itong doctor na ito mukhang walang pinag aralan, alam na ngang nagpapahinga ang tao papaalisin dito.
“Kasama ako ng pasyente sa loob.” Iyon na lang ang sinabi ko at pumikit upang bumalik sa pagtulog.
“Kailan pa nagkaroon ng bagong boyfriend si Dia?” Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinamaan siya ng tingin.
“Hindi niya ako boyfriend.”
“Kung ganun sino ka? At ngayon lang kita nakita dito.”
“Natural ngayon lang ako pumunta dito, tanga ka ba?” Tumalikod ako sa kanya at naglakad palabas ng hall na iyon, wala na akong pakialam kung nakatingin sa akin ang lalaking iyon.
.
.
.
Rawn’s POV
Wow ako pa talaga ang sinabihan niya ng tanga, ulaga ba ang lalaking yun? Teka sino ba siya? Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa office ko. Pagkarating ay itinapon ko sa sofa ang stethoscope na nasa leeg ko at umupo sa swivel chair.
“Parang high blood ka, ang aga naman.” Hindi ko na lang ibinaling ang atensyon ko ng marinig ang boses na iyon, sa halip ay binuksan ang laptop na nasa harap ko at ipinagpatuloy ang hindi ko pa natatapos na report.
“Pinabibigay nga pala ni Dr. Sylvia.” Tiningnan ko lang ang inilagay niyang folder sa table ko at ipinagpatuloy ang pagtatype.
“Teka, yan ba yung report mo para bukas?”
“Yes.”
“Akala ko ba tapos ka na dyan.” Hindi na lang ako nagsalita pa sa halip ay ipinagpatuloy ang pagtatype sa keyboard ng laptop na nasa harapan ko.
“Nakita ko din siya kanina na natutulog sa labas ng ICU, mukha naman siyang desenteng tao kaya hayaan mo na lang iyon, akala ko ako lang ang nakapansin.”
“Cecill hindi lahat ng nakasuit desenteng tao na.”
“So you mean hindi lahat ng nakalab coat ay doctor?” Napatigil ako sa pagtatype ng sabihin iyon ni Cecill, tiningnan ko lang siya ng sandali at muling nagtype sa keyboard. Napansin ko pa na napakibit balikat siya bago lumabas ng office.
.
.
.
Dia’s POV
Nakaupo ako sa tabi ni Mama habang hawak ang kamay niya ng magising ako sa sikat ng araw na tumatama sa bintana, papungay pungay pa ako ng idilat ko ang aking mga mata sa mga sandaling nakahiga si Mama sa kama at may ilang apparatus na nakakabit sa kanya.
“Magiging okay din po ang lahat Ma.” Nakangiti kong bulong sa kanya, hinalikan ko ang kamay niya ngunit napabaling ang atensyon ko sa papel na nasa tabi niya. Nabura sa labi ko ang ngiting iyon ng makita ang mga numero na nakatala sa papel na iyon na ibinigay sa akin ni Adelaine kagabi, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kagabi kaya humingi ako ng hard copy ng bill ni Mama, noong una ayaw niyang ibigay sa akin kaya nagtaka ako pero ibinigay niya din ng sabihin ko sa kanya na hindi ko ipapaalam kay Dr. Sylvia ang tungkol dito kaya nagawa kong makahingi ng hard copy ngunit hindi ko akalain na lampas 500,000 pesos pala ang total ng bill.
BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Mystery / ThrillerPaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...