CHAPTER 4: Campo
SOLAR'S POV
"Boss mukhang may tama sayo ung Mr. Bathrobe na yun ah?" Saad ni Jessie habang nasa tabi ko. Palabas na kami ng hotel at pabalik na sa campo. Kailangan naming ituloy ang mga naudlot dahil sa batang nabored.
"Wala akong pakielam sa kanya. Sana nga hindi ko na makita ang pakmumukha ng lalaking un." Nag dirediretso lang ako ng lakad hanggang makarating sa patrol. Isa-isa namang sumakay ung iba.
"Ma'am alam mo ba hinahanap ka nung lalaki kanina tapos nung nakita kayong magkasama ni Jessie biglang umasim ung mukha." Natatawang sabi ni Ken. Tinignan ko lang siya ng masama dahilan kung bakit nanahimik siya.
"Tama na ang kalokohan."
"Eh ma'am hindi naman po kalokohan ang pag-ibig," Singit ni Lance. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Paanong hindi kalokohan yan? Dahil sa pesteng pag-ibig na yan na-"
"Solar tama na." Putol ni Jessie sabay tingin ng masama sa mga kasama namin. "Wag niyo ng babanggitin ang topic na yan kung hindi malilintikan kayo saakin." Tumango naman silang lahat.
"Isa pa wala akong panahon sa pag-ibig dahil mas mahal ko ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Pag lilingkuran ko ang bansa naten sa abo't ng makakaya ko." Dagdag ko na lalo nilang ikinatahimik.
Saloob ng isang oras na biyahe pabalik sa campo wala ng nag salita kahit na isa saaming lahat. Mula sa aking kinauupuan natatanaw ko na ang campo.
Pag katapos ng ilang minuto at huminto na ang patrol sa harap ng campo. Una akong bumaba na sinundan naman ni Jessie. Agad ko ding hinila binuhat si Pogo, ang aso ko, sa patrol.
"Ang bigat mo na ngayon, Pogo," Nahihirapang saad ko. Nag-alok ng tulong si Jessie pero tinanggihan ko kasi saglit lang naman. Agad ko ding binaba sa buhanginan si Pogo.
Habang nag lalakad papasok may isang sundalong kumakaripas ng takbo and sumalubong saamin. Huminto siya sa tapat ko at halatang pagod dahil sa hingal niya.
"M-m-ma'am S-so-solar pi-"
"Huminga ka muna baka mamatay ka pa dahil lang sa sasabihin mo." Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos. Sumaludo siya kaya sumaludo ako pabalik.
"Pinapatawag po kayo sa opisina." Tumango lamang ako at pinahawak kay Jessie ang tali ni Pogo.
Agaran akong nag lakad papunta ng opisina. Mukhang importante dahil may mga taong hindi ko kilala ang nasa labas ng opisina at nakasuot ng mamahaling gamit.
"Padaan ako," Saad ko ngunit hindi sila umalis at lalo pang hinarangan ang pinto papasok. "Hindi ba kayo nakakaintindi ng tagalog, ha?!" Naiinis kong wika dahil ayokong pinag hihintay ang mga matataas ang posisyon saakin.
Nag tengang kawali sila kaya't pasugod na sana ako ng biglang sumiwang ang pintuan papasok sa opisina.
"Miss Solar andyan kana pala pagpasensyahan mo na ang mga taong ito," Kinausap niya ung dalawa at kusa naman silang umalis, "mga body guard sila kaya kahit anong sabihin mo ayaw kang papasukin medyo nasa bingit ng kamatayan ang amo nila." Bulong niya saakin na kinatango ko naman.
Pagkapasok sa loob may nakita pa akong dalawang lalaking halos kamukha nung mga nasa labas kanina at isang lalaking prenteng nakaupo sa visitor's chair.
Agad akong pinaupo ni sir sa upuang katapat ng desk niya. "Ayoko na pong mag paligoy ligoy," pa boom karakaraka. Gusto kong idagdag kaso nakakahiya naman sa bisita namin. "ano pong silbi ko sa meeting na ito?"
"Wag ka namang nag mamadali Solar," Suway ni sir, "hihingi lang ng pabor itong si Mr. De Guzman."
"I hope you don't mind my favor, dear. I have been receiving death threats for the past years but I didn't pay attention to them because I receive a lot of death threats." Tumango lang ako upang sabihing nakikinig ako. "Recently, may mga death threats akong natatanggap hindi para saakin kundi para sa pamilya ko. I am a father of 3 children, one son and two daughters. At buhay pa ang asawa ko. Ayaw ko silang mapahamak kaya humingi ako ng tulong sa kumpare ko. Ikaw ang naisipan niyang irekomenda saakin bilang personal body guard sa buong bahay."
"Pasensya na po kayo Mr. De Guzman gustohin ko man po kayong tulungan ay medyo madami dami na po akong hawak na kaso." Ngumiti ako ay yumuko ng bahangya. "Pero sa oras po na makaluwag luwag ako sa oras agad ko pong sasabihan si sir at kung nag kataon pong wala pa kayong body guard sa bahay niyo agad po akong tutungo sa inyo." Tumayo na ako at umalis sa opisina bago pa sila maka hindi.
"Oh anong sabi ni sir?" Salubong ni Jessie.
"Inirekomenda niya akong mag bodyguard sa kumpare niyang nanganganib ang buhay pati na buong pamilya kaso himundi ako." Tumingin ako sakanya at lumungkot ang mga mata niya. "Alam mo naman ung-"
"Oo alam ko at tandang tanda ko pa. Memoryado ko pa at hanggang ngayon masakit pa din pero kinakaya ko sa loob ng araw-araw para sa kanya, sa kanila." May luhang tumakas sa mata niya na agad naman niyang pinunasan.
"Sorry pinaalala ko." Hindi ko siya yinakap katulad ng dati kong ginagawa kasi alam ko the moment that I hug him, he'd burst into tears. Ganun naman tayong mga tao diba? Kapag may pinag dadaanan ka at feel mong may dumadamay sayo bigla kang nagiging emosyonal.
"H-hindi ayos lang hindi mo naman sinasadya." Ngumiti lang ako at kinuha si Pogo sakanya. "Napakain ko na yan at nakadami siya kaya siguro tumitimbang." Natatawa niyang sabi. Si Pogo naman ay tumahol bilang pag tutol.
"Hindi daw siya tumitimbang, Jessie." Natatawa kong saad.
"Anong hindi?" Sarkastiko niyang sabi sabay tingin kay Pogo ng masama. Agad namang gumanti si Pogo ng tahol.
"Ilalakad ko na muna siya bago pa kayo mag wrestling dito." Hinila ko ung tali ni Pogo kaya't sumunod siya saakin paalis sa pwesto ni Jessie.
"Huwag mo ng masyadong isipin un, Solar. Medyo matagal tagal na din un at hindi mo kasalana ung nangyari, okay?" Ngumiti ako at tumango sa kanya.
Dalawang taon na din ang lumipas pero hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa nangyari nung araw na yon. Kung maibabalik ko lang ang oras itatama ko ang mga pagkakamali ko para hindi na nangyari un.
Mapaglaro nga si tadhana dahil sa special assignment na maging bodyguard nangyari un pero eto nanaman siya at gusto akong bigyan ng kaparehas na assignment.
Agad kong tinanggihan nung malaman kong pag bobodyguard ang kailangan ni Mr. De Guzman. I don't want history to repeat itself. Ayokong may mapahamak na naman akong tao or buong pamilya to be exact.
I know the pain at hanggang ngayon nakokonsensya pa din ako. It was my fault kaya nangyari un sakanya, sakanila. Ever since that day, nangako akong hindi ulit kukuha na special assignment kahit pa irekomenda ng mga nakakataas dahil hindi ko na kaya ung self blame if may mangyayari nanamang hindi maganda.
BINABASA MO ANG
In Charge (ON-HOLD)
RomanceSYNOPSIS: Isang babaeng minahal ang kanyang bayan ng lubos at piniling mag-sundalo upang ito'y pagsilbihan. Sabi nga ng mga tao, nasa hukay na ang kanyang isang paa dahil sa propesyong kanyang napili. A business man who loves and adores his own comp...