Celine’s POV
Ako si Celine Ferrer. Fourteen palang ako pero parang 21 na daw ako kung mag isip.
Isa akong bisexual. Hindi ko na matandaan kung kailan ako unang nagka-gusto sa babae pero nagkaroon na ako ng girlfriend noong grade six palang ako. Bisexual din ito katulad ko pero dahil nag migrate sila sa America ay napilitan kaming mag hiwalay.
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Louise. Isang taon lang ang tanda nito sa akin at grade ten na sa pasukan.
Walong buwan na ang relasyon naming dalawa pero walang nakakaalam dahil mga bata pa kami.
Masakit mang sabihin pero kanina lang ay nag hiwalay kami. Nahuli ko ito at ang bestfriend ko na naghahalikan sa likod ng bahay nito.
Doon din kami madalas na magkita dahil umiiwas kami sa mga taong makakakita sa amin.
Sobrang sama ng loob ko habang pauwi ng bahay. Sa tuwing naaalala ko ang nakita ko ay wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.
Nasa sala ako ng dumating si Ate Calli galing sa pinagtatrabahuan nitong coffee shop. Nagulat ito ng makita akong umiiyak. Niyakap ako nito na mas lalong nagpaiyak sa akin. Gusto kong magsabi ng problema pero nag dadalawang isip ako dahil baka hindi nito maintindihan dahil straight ito.
“Lin bakit ka umiiyak ha? Pinagalitan ka ba ni mama?"tanong nito.
Sinabi ko nalang na kaya ako umiiyak ay dahil sa nanukd ako ng movie na the notebook. Pero wala kaming dvd nun. Nadala siguro ito sa pag hampas sa braso ko kaya hindi na ito nag tanong pa.
Pilit kong nilalabanan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak kaya kumuha ako ng tubig sa kusina at kunwari’y umiinom. Akala ko ay magtatagal pa si Ate Calli sa salas pero mabuti nalang at umakyat agad ito sa kwarto kaya malaya kong nailabas ang lahat ng sama ng loob sa dibdib ko.
Dumating si Mama na mugto ang mga mata ko. Nagtanong ito kung ano ang nangyari, pero katulad ng sinabi ko kay ate calli ay ganun din ang sinabi ko dito. At katulad din ni ate ay mabilis din itong naniwala.
Nasa mesa na kaming lahat ng mapansin kong tahimik si Ate Calli. Gusto ko itong tanungin pero kinakausap ito ni Mama.
Ako ang nagprisintang gumawa ng mga gawaing bahay na bihira ko naman talagang gawin. Ayoko lang kasing ikulong ang sarili ko sa lungkot.
Pagkatapos kong mag hugas ng mga plato ay nag walis ako ng sahig kaya inaasar ako ng mga kapatid ko. Kesyo nilalagnat daw ako kaya ang sipag ko. Tinawanan ko nalang ang mga ito at dahil maganda ang pinapanuod ng bunso kong kapatid ay nakisali narin ako sa mga ito.
Naaaliw ako sa palabas kaya medyo nabawasan ang problema ko.
Nakatanggap ako ng text mula kay Louise. Nasa labas daw ito ng bahay at gusto akong maka-usap.
Nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko ito pero mas nanaig parin ang pagmamahal ko para dito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko pero hindi ko ito kayang tingnan.
“Babe mag-usap tayo please.” Hinawakan nito ang braso ko pero tinabig ko agad ito.
“Wag mo kong matawag na babe. Niloko mo ako Louise,nakalimutan na ba ha.” galit kong saad.
“Celine please.Nagkamali ka ng akala. Hindi ko sinasadya ang ngyari. Nagulat din ako ng halikan ako ni Agatha.”
Gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi nito pero naguguluhan ako.
"Umalis kana. Gabi na at baka hinahanap kana sa inyo.”
Hinawakan nito ang kamay ko. “No! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinapatawad.” pagsusumamo nito.
Kilala ko si Louise. Matigas ang ulo nito kaya alam kong gagawin niya ang kung ano ang sinasabi nito.
Sumilip sa bintana si Mama kaya dumistansya ako ng kaonti.
"Andyan ka pala Louise. Malamig na dyan sa labas, dito nalang kayo mag usap sa loob.” sigaw nito.
"Oo Ma.Saglit lang kami dito.”
Niyakap agad ako ni Louise matapos na isara ni Mama ang bintana. May pumatak na luha sa balikat ko na nagmula kay Louise kaya hindi na ako nakatiis pa.
Pinaharap ko ito. "Anong mangyayari kapag pinatawad kita?” tanong ko.
“I promise that I will be a better girlfriend. Tanggapin mo na ulit ako please.”
Nginitian ko ito indikasyon na pinapatawad ko na sya.Niyakap ako nito at mabilis akong hinalikan.
“Uuwi na ako ha. Si mommy kasi 30 minutes lang ang binigay na oras sa akin pero lumampas na. Bukas nalang ulit ha. Sorry talaga and I love you.” saad nito.
Pumasok na rin ako sa bahay ng masiguro kong nakaalis na ito. Didiretso na sana ako sa hagdan ng tawagin ako ni Ate Calli.
Bigla akong kinabahan dahil seryoso ako nitong pinagmamasdan.
Lagot! Nakita nya kaya?
“Sumama ka muna sa kwarto.” Mas lalo akong kinabahan dahil sa timbrè ng boses nito.
Napaka-seryoso nya naman ata ngayon.
“Bakit ate?” gusto ko sana itong biruin pero hinila na ako nito papasok sa kwarto. “Ate mali ang aka-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naihampas nito ang unan sa braso ko.
“Anong pinagsasabi mo dyan?” nagtataka nitong tanong.
Napakamot ako sa ulo at marahan itong tiningnan. “Wala ate. Ginaya ko lang yung line sa pelikula. Ikaw naman kasi e, para namang sobrang importante ng sasabihin mo at nagkulong pa tayo dito.”
Hindi ito nagsalita, bagkus ay kinuha nito ang papel na nasa ilalim ng unan. Nagtataka man ay kinuha ko ito.
Hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang luha at uhog ko. Kawawa naman itong sulat ng tatay ko.
Kumuha ako ng maruming damit at doon suminga. Maging si Ate Calli ay umiiyak na rin kaya pinunasan ko rin ito gamit ang hawak kong damit pero lumaki ang mata ko dahil may naiwang sipon sa mukha nito.
Sumigaw ito at hinampas ako ng unan.
“Kadiri ka Celine!!” sigaw nito.
Nag peace sign ako kaya tumigil na ito sa kakasigaw. Matapos nitong mag hilamos ng mukha ay nilapitan ulit ako nito.
“Celine nakikiusap ako sayo ng maayos ha. Wag na wag mong babanggitin kay Mama na nabasa natin tong sulat ni Papa.”
Tumango lang ako bilang tugon. Gusto kong seryosohin ang sinasabi nito pero hindi ko magawa dahil naaalala ko parin ang sipon na nasa mukha nito kanina. Hanggang sa hindi ko na nakayanan, tumawa ulit ako na lalong nakapagpa inis dito.
“Celine nakakainis kana.Tumigil ka na nga sa kakatawa.” saad nito habang nakapalumbaba sa kama.
“A-ate hin-hindi ko tala-” hindi ko kayang tapusin ang sasabihin ko dahil mas nangingibabaw ang tawa ko.
Kumuha ito ng unan na alam kong ibabato nito sa akin kaya tumakbo agad ako pababa ng hagdan.
Nakaka-tawa talaga si Ate!
___________________________________________
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomanceMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...