Callista Ferrer
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Linggo ngayon kaya niyaya kong magsimba si Celine.
And speaking of her,pababa na ito ng hagdan.
"Ateeeee!! Tara lets na." tili nito.
Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng boses nito.
Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep ay marami ang nakatingin sa amin pero hindi na namin pinansin ang mga ito dahil sanay na kami sa mga tao dito.
Pumwesto kami sa harapan ng jeep para hindi na kami makipagsiksikan sa loob nito.
Nag-uumpisa na ang misa ng makarating kami sa simbahan.Pumila na kami ni Celine dahil tanggapan na ng ostia.Pero sa kamalas malasan ay nag kasabay pa kami ng matapobreng si Lauren.
May kasama itong matandang babae na halatang mayaman.
Umirap ako ng mag-tama ang mga mata namin ni Lauren.Ngumisi lang ito at pumila rin sa kabilang linya.Argh! Bakit ba lagi nalang kaming nagkakasalubong ng babaeng ito?
***
"Ate doon tayo dumaan sa may hagdan mas maraming jeep doon." saad ni Celine nung lumabas kami ng simbahan.
Nakasalubong namin si Maggie na pupunta sa kotse nya. "Nagsimba ka pala, bakit hindi kita nakita kanina?" tanong ko.
"May kinuha siguro ako sa kotse kanina.Pero kasama ko si Lauren at si Mom."
Siguro yung nakita kong magandang ginang kanina ang tinutukoy nitong nanay.
"Ah kaya pala wala ka kanina. Mommy mo ba yung kasama ni Lauren?" umiling ito.
"Mommy nya yun. Kasama ko si Mommy nung may kinuha ako sa kotse.""Aah!"
"Gusto nyo bang sumama sa amin? Kakain kami sa labas." paanyaya nito.
Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Celine. "Opo ate maggie sasama kami diba at-" siniko ko ito bago pa matapos ang sasabihin.
"Salamat nalang Maggie, may gagawin pa kasi kami.Diba Celine?" pinanlakihan ko ito ng mata, magsasalita pa sana ito pero inapakan ko agad ang paaa nito.
"Aray!"
"Please sumama na kayo.It’s my treat.” pangungumbinsi ni Maggie.
Kumapit si Celine sa braso nito na akala mo batang binigyan ng lobo.
"Please sumama kana." saad ni Maggie.
"Okay sige pero dapat sa susunod ako naman ang manlilibre sayo ha."
Ngumiti ito.
"Antayin nyo ko dito. Magpapaalam lang ako kina mommy." saad nito saka tumakbo patungo sa gilid ng simbahan.
Pagbalik nito ay may kasama ng asungot. Este si Lauren. Nag iba tuloy bigla ang mood ko ng makita ko ito.
***
Pumasok kami sa isang Italian restaurant. Tumitingin ako sa menu na pwedeng orderin ng magsalita si Lauren.
"Baka di mo alam basahin yang nasa menu." hindi sya nakatingin sa akin pero alam kong ako para sa akin ang sinabi nito.
"Hey sinong kausap mo?" tanong ni Maggie.
Tumingin ako sa katabi kong asungot na palihim na tumatawa. Sasabog na talaga ako sa inis sa babaeng ito. Buti nalang at lumapit na ang waitress at kinuha ang orders namin.
Hindi ko alam kung ano ang inorder ko pero mukha naman syang masarap.
Narinig ko na tumatawa si Lauren dahil nahirapan akong bigkasin ang nasa menu.
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomanceMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...