Chapter 2

8 1 0
                                    

#SIC C-02

Tumayo ako nang sa wakas ay hihipan na ni Rain ang mahiwaga niyang cake.

Muntik ko nang maubos ang dalawang bote pero buhay pa naman ako, medyo sumasakit na nga lang ang ulo. Humingi ako ng bottled water dun sa waiter bago ako tumayo at pumunta sa gitna ng deck.

"Happy birthday, Rain!" sabay-sabay naming sigaw. Sinabayan pa kami ni Rain sa pagkanta ng happy birthday. Pumalakpak siya nang natapos kaming kumanta at pumikit habang nakadungaw sa cake. Maraming nagfi-film sa kanya at naghiyawan kaming lahat nang hinipan na niya ang cake.

Mas lalong pinalakas ang music at napatingala kami nang biglang umilaw ang kalangitan.

"Woah," bulong ko sa sarili. We all looked up when fireworks started to light up the sky. Agad na itinutok ng mga tao ang camera nila habang nakatunganga kami sa langit.

Halos dalawang minuto kaming nakatingala at sabay-sabay kaming pumalakpak nang tuluyan nang natapos ang fireworks. Sandali kong minasahe ang leeg ko na parang nangangawit na sa kakatingala. Muli ring nagpatuloy ang malalakas na tugtog at ang mga laro kaya halos hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari dahil sa haba ng oras ko doon.

Lagpas hatinggabi na nang nakauwi ako sa sarili kong condo. Kaka-bili ko lang nito para may matuluyan rin ako tuwing napaparito ako sa Cebu. Dumadalas na rin naman kasi ang pagpunta ko rito para magmaniubra ng mga barko namin.

Pagod kong inikot ang door knob at marahang binuksan ang pintuan. Nang nakita ko ang sofa ay awtomatiko akong tumakbo roon at marahas na ibinagsak ang sarili dito para sa wakas ay matulog.

Nakakabinging ingay ng putanginang alarm ang nagpagising sa'kin kinaumagahan. Inis kong sinabunutan ang sarili bago hirap na inabot ang cellphone. Bahagyang kumunot ang noo ko nang nakita ang pangalan ni Apollo.

[Yow fuck, did you pass out?] pambungad niya matapos kong sinagot ang walang kwenta niyang tawag.

[Gago, ano?] naguguluhan kong tanong. Unti-unti akong bumangon at sumandal sa likod ng sofa habang kinukusot ang mga mata.

[Arus, where the heck are you?] tanong niya.

[Nasa condo, sa'n pa ba dapat?]

[Why the hell are you still there?!] I scowled when his voice raised. Narinig ko ang pagsinghap niya at ang pagtanong sa kanya ni Brave sa background ng 'Is that Arus?'

[Ba't ka ba nagagalit? Wala naman akong kailangang puntahan nga--PUTANGINA YUNG DONATIONS!] Agad na nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko iyon. Gago, ngayon na nga pala 'yon!

[Yeah, and you're 10 minutes away from getting late,] aniya at diretsong pinatay ang tawag.

Mabilis akong bumangon para makaligo. Ito na yata ang pinakamabilis kong pagligo sa sobrang taranta. Binibilisan ko ang bawat pag-butones ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang orasan. Nakalimutan ko na nga ang mga dapat kong dalhin at tanging sarili ko nalang ang dinala ko palabas ng condo. Kung may contest man sa pinaka-late na tao, talo na ako. Malamang ay male-late rin ako sa contest.

Mabilis kong ini-park ang kotse sa labas ng paaral at ensaktong 10 minutes late ako nang nakarating doon. I could already feel Rain's eyes darting at me kaya agad kong tinakbo ang distansya namin at tumigil lang sa tabi niya.

"Arus, late ka," aniya na parang hindi ko rin alam 'yon.

"Oo, may yacht birthday yata kagabi?" tinaasan ko siya ng kilay. "Madaling araw na yata akong naka-uwi? Ininvite yata ako ng may birthday kaya naparami ang nainom ko?"

She rolled her eyes and crossed her arms over her chest. "So? We're there rin yata sa yacht? Past midnight na rin yata kami umuwi?"

Napakamot ako sa likod ng ulo ko at bumuntong-hininga. "Sabi ko nga hindi ko sinasadyang ma- off ang alarm ko at matulog ulit."

Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon