Prank Vs.Fake
Sa orihinal na pagsulat ni: LloydHorrorstories
Genre:Psychological Thriller Horror storyhindi magkandaugaga sa kakatawa ang tatlong magkakaibigan na puro babae na sina Angel, Rose at Anne na pawang nasa 18 years old ang edad , dahil sa kanilang nakatuwaang trip.
lagi silang gumagawa ng prank call sa bawat fast-food delivery, kunyari ay oorder sila ng ganito,ganyan pero sa huli pagkadating ng delivery boy sa lugar ay sisigawan at pagtatawanan na lang nila ito mula sa telepono at sabay sabing prank lang ang lahat.
gumawa din sila ng youtube channel at dun nila nilalagay lahat ng vlogs nila sa pagpaprank na umani naman libo-libong subscribers, maging ang mga followers nila ay nawiwili din sa prank na ginagawa nila dahil sa bawat prank call ay kunyari napakarami ng mga pagkain ang inoorder nila at pinapadeliver.
tapos sa huli hindi naman pala nila kukunin at laging mali yung address na kanilang binibigay, kahit kailan ay di nila pinapaalam sa mga ito kung saan talaga sila nakatira, walang tigil silang naghihiyawan at nagtatawanan dahil ang tingin nila sa mga biktima ay mga uto-uto at tanga, halos di na mabilang ang kanilang mga nabiktima sa naturang panloloko na ito.
sobrang nababadtrip naman ang bawat delivery boy na nabiktima nang prank na ito dahil minsan sila na yung nakakabayad sa mga pagkain dahil sa pag-aakalang sigurado ang pagpapatakeout sa kanila. sa bahay ni Rose naman sinasagawa ang pagpaprank, dun kasi lagi tumatamabay sina angel at anne, upang magbonding, magkwentuhan, at pag bagot na silang tatlo at wala nang magawa ay dun na nila nilalaan ang buong oras nila sa pagpaprank.
si Anne ang nakaisip ng ideyang ito dahil nang minsang nagpadeliver siya ay walang panukli yung delivery boy sa kanya, umalis muna ito sandali upang ipasukli ang pera ni Anne at nangako na babalik agad. pero kahit kailan ay di na ito bumalik pa sinubukan naman niyang tawagan ang fastfood na kung saan sia nagpadeliver pero di na daw ito nagduty pa, kaya mula noon naging sukdulan ang galit ni Anne sa mga delivery boy at ito ang nag-udyak upang gawin ang prank.
Kinagabihan
Anne: napakasaya tlaga manloko ng mga tanga nuh mga mars? hahhaah.
Rose: hahah siraulo! dahil nga jan kumikita na tayo sa youtube eh, akalain mo yun nanloloko na tyu nagkakapera pa tayo haha!angel: hahaha kaya nga nagpapasalamat ako sa inyong dalawa eh , atleast nababayaran ko na lagi ang tuition fee ko dahil malaki tlaga ang kinikita natin dito, tara simulan na natin ulit ang prank, kailangan ko kasi mabili yung bagong unit ng Oppo hehe.
Anne: wow may bago pala? sige tara mga mars! hahah.
Rose: sssshh oh siya heto may tatawagan na ako. haha
sabay pag-on ng record sa cellphone ay sinimulan na ng tatlong magkakaibigan ang panibagong prank nila kinagabihan, may nahanap kasi si Angel sa facebook na isang pizza galing sa isang fastfood na hindi kilala, mukhang bagong-bago nag establish ang fastfood na ito, kaya naisip nila na madali itong lokohin at iprank, makalipas ang ilang ay tinawagn na ni Rose ang kanilang bibiktimahin.
Rose: hi gooevening po, magpapadeliver po sana kami ng lang order ng Hawaiian pizza niyo po, dito sa may sta. maria lacaste drive yung address namin.
delivery man: sige po, papunta na po ako dyan.
Rose: pakibilisan lang po ah gutom na kasi kami ng family ko thanks po.
sa mga oras na yun ay sinimulan narin nila ang pagrerecord ng Vlog para sa panibagong prank nila.
Angel and Anne: Goodeve guys welcome back to our channel! prankistas! sistas!
Angel: sa ngayon po ay papunta na si victim number 27 sa pekeng address na binigay namin, at limang order ng pizza yung pinadeliver namin,hahahha