Unwanted Wife 15

10K 154 3
                                    

I woke up in an unfamiliar place. The ceiling and walls are painted with white. Nakasuot ako ng damit pang pasyente kaya agad kong napagtantong nasa ospital ako.

I was lying on my bed alone nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang babaeng nakasuot ng unipormeng pang nars.

"Nurse, ang baby ko?" Kinakabahan kong tanong nang maalala ang aksidenteng nangyari sa gabing iyon.

"She's fine." Marahan niyang sagot at nginitian ako. Nakahinga naman ako ng maluwag.

She's holding a tray with medicines on it at nilapag iyon sa mesang nasa tabi ng kama.

She checked my body at nang masigurong maayos lang ako ay lumabas siya saglit.

When she entered the room again, she's already holding a paper plate. Umupo siya sa tabi ko at pinakain ako. Ramdam ko agad ang gutom kaya naubos ko ang pagkain at hindi na umalma pa.

"How about my kuya?" Dagdag kong tanong nang hindi ko makita si kuya sa kwarto.

"Sinong kuya?" Balik tanong niya sa akin.

Naguguluhan naman akong napatitig sa kaniya.

"The man I'm with during the accident," I answered her despite the amusement. Kumunot ang noo niya at tinignan ang papel na dala niya kanina. Paulit-ulit niya iyong ginawa at ng wala siyang makita ay umiling siya sa akin.

"Mag-isa ka lang na isinugod dito, wala ng ibang casualties maliban sa driver ng nakabangga mong kotse."

Bakit? Paanong nangyari iyon?

I'm sure Lucios was the one driving for me that night. Tinawagan ko siya at nakausap ko pa nga siya sa mismong gabing iyon. How come?

"Ilang oras ba akong nakatulog dito?" Tanong sa ko sa kaniya.

Hindi muna niya ako sinagot at pinainom muna ako ng gamot.

"Hindi lang oras, hija." Sagot niya.

Nagtataka akong napatitig sa kaniya. Hindi lang oras, kung ganoon araw na ang inilagi ko dito sa hospital?

"Isang buwan ka ng namalagi rito. Ako ang naatasang mag bantay at mag alaga sayo." Gulat akong napatitig sa kaniya.

Kung isang buwan na ako nanatili rito, ibig sabihin—

"Nasaan ang baby ko?!" Takot kong tanong. Baka may nangyaring masama sa anak ko. Pero sabi naman niya kanina, maayos naman ang lagay nito. Ngunit hindi ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikita. "Pwede ko ba siyang makita?"

"Gustuhin ko man ngunit hindi pwede." Malungkot niyang saad.

"Bakit? Anong hindi pwede? May nangyari ba sa kaniya? Sabi mo ayos lang siya!" Nag-hihisterikal kong sambit. Ang anak ko! Kailangan ko siyang makita.

Baka—

Sana naman hindi totoo ang nasa isip ko.

"Wala na siya rito but she's fine." Ang anak ko? Wala rito?! Anong ibig niyang sabihin!?

My baby...

Anong ginawa nila?

"What do you mean?"

"Kinuha na siya rito ni Mr. Helius Dela Villa at ni-transfer sa isang high class hospital sa States na pagmamay ari nila. Sorry hija, we didn't wait for your consent but Mr. Dela Villa is really persistent to do it. He even told us to contact him if you're awake kaya pumayag na rin ang board, isa rin kasi ang pamilya nila sa may pinaka malaking share dito sa ospital kaya di malabong magawa nilang kunin ang baby ng walang permiso mo, pumayag man o hindi ang board." Pagpapaliwanag niya sa akin habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

Tears Of The Unwanted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon