"Good morning Teddy! " Pagmulat ko pa lang sa umaga si Teddy na naman katabi ko. Ang cute nya talaga.
Omgggg! Mag-papasko ko...
"Teddy! Mag-papasko na!" Niyakap ko si Teddy tapos Bumangon na ako sa kama ko.
Excited talaga ako. Kasi makakasama ko na sila mommy at daddy. Nung matapos akong mag hugas ng mukha at magsepilyo. Syempre bumaba ako ng hagdan. Naabutan ko si mommy nakangiti na sya agad. Si daddy naman nagkakape.
"Good Morning Princess!" Kiniss ko si mommy sa cheeks.
"Good Morning mommy! Daddy! So what's the plan? Malapit na mag-pasko." Excited na talaga ako.
"Ahh baby, may pupuntahan lang kami ng daddy mong meeting. Last na talaga un baby. Sa company kasi un. Promise princess later mag-dinner tayo ng sabay sabay."
"Sge po mommy." Ngumiti na lang ako. Kasi lagi na lang silang busy hays.
"Princess, kumusta naman ang Christmas party nyo sa school?" Tanong ni daddy.
"Okay naman po." Ngumiti ako. Pero ang totoo wala naman akong kaibigan. Hindi ko alam kong bakit. May kanya kanyang mundo mga kaklase ko.
Ayon natapos ang almusal na tahimik. Mga ilang minuto umalis na sila mommy. Yeah, mag-isa ako ngayon sa bahay. Kasi day off ng mga yaya namin. Nag-iwan naman si mommy ng pera at food.
Hapon na. Ang tagal naman nila. Sinubukan kong tawagan si daddy pero hnd sumasagot. Tapos si mommy naman.
"Baby?" Si mommy.
"Mom. Ang tagal nyo po." Sabi ko.
"Princess I am very very sorry. May flight kami ng papa mo sa ibang bansa. Emergency meeting. My princess nagluto si mommy ng spaghetti dyan. Kapag kulang sa iyo, mag-pa- deliver ka ng foods. I love you baby. Sige bye na. Kailangan na ako sa office"
Tapos call ended na.
Hays.. Oo sanay na ako.. Puro na lang promise.. nakakapagod na... Bakit ba kasi mayaman pa kami... Bakit ba laging may emergency meeting.. Kahit holiday bakit puro meeting.. Bakit minsan ko lang sila makasama.. Bakit hnd Nila ako mabigyan ng oras?
Nag-hintay pa ako hanggang gabi... Pero wla umasa lang ako.. Puro mga pangako...
"Goodnight Teddy, Salamat ha. Kaso kahit bagay ka lang, Kahit hnd ka nagsasalita atleast andyan ka. Buti ka pa hindi nangangako. Buti ka pa andyan lang."
Pinatay ko na ang ilaw at ipinikit ang aking mata. Sa edad kong ito bata pa lang ako, natuto na akong mag-isa. Sana balang araw may taong tumupad ng pangako sa akin . Hindi yung salita lang.
••••
@finestbabeee
Vote
Follow
Comment😊
YOU ARE READING
One Shots ; @finestbabeee
General FictionOne-shots contain stories and poems that I've created a long time ago. I hope you would like it! May the lessons from this one-shot remain within you.