"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahantay dito sa lobby, " nakabusangot agad na bungad sa akin ni Yandro pagkalabas ko ng ward."Sorry naman ha? 'Di ba pwedeng natagalan lang sa pasyente?" Mataray kong sagot. Dala na 'rin ng pagod.
Bigla namang nawala yung inis sa mukha niya at nagpacute.
"Dejoke laaaaang. Akala mo naman 'di ko kayang hintayin ang Shang kooo," sabay akbay sakin na halos sakalin na ako sa leeg.
"Araaay aray tae ka Yandro, bitawan mo nga akooooo"
Tumatawa lang sya ng malakas habang mas humihigpit ang kapit sakin.
"Ano baaa----"
Natigil ako sa pagsigaw nang dumaan ang isa sa mga supervisors namin.
Mabilisan namang bumitaw si Yandro at umayos kami ng tayo.
"Hello po, Dr. Angeles," sabay naming bati.
Tumango lang sya at ngumiti nang makahulugan.
"Why don't just get back together, you two? Haha you really look cute."
"PO?!" pagsigaw ko. Tinapik ako ni Yandro sa braso kaya napasorry ako.
Tumawa nang mahina si Yandro at sumagot "Ah, Doc. We're just good friends. I don't think I'm into sleepyheads like her anymore."
Natawa si Dra. habang ako eh minatahan si Yandro sabay kurot sa tagiliran.
"Whatever guys, go take your lunch breaks. " then she walked away from us.
Kinurot ko ulit si Yandro tapos sya eh napasigaw na sa sakit.
"ARAY KO SHANG! BIRO LANG NAMAN EH"
"Bwisit ka! Ikaw bumili ng lunch ko, gago ka." Inirapan ko siya at nauna nang naglakad. Humabol naman siya sakin na patawa-tawa.
Awit.
Isa rin tong gago na 'to eh. Niloko rin lang din ako neto. Ang lakas pa ng loob na sabihing dahil tulog mantika ako? Ayos naman 'non.
"Pst Hoy." tawag niya nang makabalik siya na may dalang dalawang kape.
Di ko parin siya pinansin pagkakuha ko ng kape sa kaniya.
"Hoooy," sabay kalabit
"Tsk ano ba?"
"Galit ka pa din? Eh nilibre na nga kita ng lunch diyan eh."
Tinarayan ko lang siya at 'di parin iniimikan. Alam kong halos 30 minutes lang lunch break namin kaya sinubukan ko parin na bilisan yung pagkain.
"Uyy, Shang bati na tayooo. May tulog ka naman kagabi ah? Bakit ba ang sungit mo? Aabutan ka na ba? Anong araw na ba ngayon?" natigil ako sa pagkain at tinignan lang s'ya nang masama.
Tumigil din sya at napalayo na lang nang konti.
"Sorry na nga kasi Shaaaang"
Natigil ako sa pagkain at tinignan siya...
Baka nga talaga aabutan na ako. Bakit nga ba ako naiinis...
Inirapan ko siya bago nag buntong hininga at tinuloy ulit ang pagkain.
"Oo na oo naaa. Tsk 'wag ka kasing magpapahiya nang ganon sa mga boss natin. Di naman kasi porket open tayo sa past eh manggagancho ka nalang ng kung ano ano. Eh palibhasa di naman nila alam rason ng paghihiwalay natin eh" sabay subo ko ng pagkain.
"Oh eto na nga eh, sorry naaa" ngumiti na sya ng sweet at inabot yung kamay ko.
"Fist bump na?"