Dalaw (One Shot Story)

12 2 1
                                    

"Ma?"


Karga-karga niya ang one-year-old niyang kapatid habang sinusundan ang ina niyang may bitbit na malaking bag hanggang sa labas ng gate ng bahay nila.



"Madelle, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Hindi ko na kayang pakisamahan ang papa n'yo."



Hindi siya makakilos sa mga salitang narinig niya mula sa kaniyang ina. Pilit niyang nilakasan ang loob pero sa kaloob-looban niya ay nagwawala na ang puso niya. Gusto niyang pigilan ang pag-alis nito.



"Babalikan mo naman kami 'di ba?" Umaasang tanong niya rito kahit alam niyang buo na ang pasya nito.



Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito hanggang sa may humintong tricycle sa tapat nila. Lumingon pa ito sa kaniya at sa karga-karga niyang kapatid.



Mukhang nakaramdam ang kaniyang bunsong kapatid sa napipintong pag-abandona ng ina sa kanila. Parang pinagtatadyakan ang puso niya nang makita ang mga mata nitong hilam ng luha. Pilit na pinatatahan niya ito habang tinatanaw ang papalayong tricycle na lulan ang kaniyang ina.



Mabigat ang loob na muli siyang pumasok sa loob ng bahay. Nadaanan niya ang kaniyang ate na nakaupo sa lumang sofa. Nakatitig ito sa kawalan. Naglakad siya palapit dito at umupo sa tabi nito.



"Saan daw pupunta si mama, Delle?"



"Maghahanap daw siya ng trabaho, te.."



She divered her gazed towards the television. Ayaw niyang tingnan ang walang kamalay-walay na kapatid. Hindi niya kayang makita na pati ito ay masaktan dahil sa katotohanan ng pag-abandona ng sariling ina sa kanilang tatlong magkakapatid.



Napalingon siya muli sa kaniyang kapatid at nakita niya ang matamis na ngiti sa labi nito.



"Masaya ka ba na wala na si mama dito?"



"Oo! Hindi na siya masasaktan na makita akong bulag. Ayaw kong sisihin niya ang kaniyang sarili dahil sa kondisyon ko."



Hindi na niya mapigilan ang pag-alpasan ng mga luha niya. Wala siyang intensyon na iparinig sa kapatid ang pag-iyak niya.



"NASAAN ANG LINTEK NINYONG INA?!"



Napaigik siya sa sobrang lakas ng boses ng kaniyang ama.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DalawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon