KABANATA 12

1.6K 52 4
                                    


Luna's POV

"Umalis ka na, Alistair." saad ko sa kaniya dahil hatinggabi na pero andito pa rin siya sa apartment. Habang si Cale ay tahimik lang nakaupo sa sofa.

"Bakit ba kanina mo pa ako pinapaalis?"

"Dahil bahay ko 'to?"

Bakit ba nagtatanong pa siya? Halata naman ang sagot. Kanina ko pa siya tinatanong kung bakit siya andito pero hindi niya naman sinasagot. Baka ako naman ang mabaliw dahil sa lalaking ito.

"Hey, Mr stranger. Pinapaalis ka na ni mommy." sabat naman ni Gavin pero kinakain niya naman ang chocolate na dala-dala ni Alistair. Jusq, hindi ko alam kung kinakampihan niya ba ako o hindi.

Ang nakapagtataka lang ay kulay itim ngayon ang mata ni Gavin. Basta kanina, nagulat na lang kami ni Cale dahil naging itim ang mata niya hanggang ngayon. Hindi naman 'yon alam ni Gavin. Hindi pa siya humaharap sa salamin. Oo, may repleksyon si Gavin. Si Cale din meron.

"Gavin, binigyan kita ng chocolate."

"I don't care. Mommy wants you to get out of our house. You should respect that." tuloy-tuloy na sabi ni Gavin at nguya nang nguya.

Tumawa si Alistair at ginulo ang buhok ni Gavin.

"You're adorable. Where's your daddy?" tanong ni Alistair kaya napalunok ako. Ewan ko. Kahit naman hindi ko kilala ang ama ni Gavin. Kinakabahan talaga ako kapag siya ang pinag-uusapan.

"I don't know. I only have my mommy. But you see? Gwapo ako. Malamang na ganoon din ang aking daddy kaya wala kang pag-asa sa mommy ko."

Napanganga ako sa sinabi ni Gavin. Bakit ba angdaldal ngayon nito? Jusq! Hindi ko pa rin siya napagsasabihan about doon sa ginawa niya kay Jerry. Malamang na puno na ng pagtataka ang isang 'yon.

"Really? But I don't like your mom." ngising sagot naman ni Alistair na nakapagpainit ng ulo ko. Walanghiyang 'to ah. Eh bakit pala siya nandito? Tsk, wala din naman akong gusto sa kaniya!

"Then, get out. I also don't like you for my mom." walang emosyon na saad ni Gavin. Dahil sa itim niyang mata, parang sobrang dami niyang iniisip pero parang wala din. Ewan basta. Misteryosong tingnan kapag itim ang mata niya.

Ibinaba ni Gavin sa mini table ang chocolate na hawak niya at kinuha ang panyo na nasa hita ko saka pinunasan ang kamay niya.

"Mr stranger. Ang ayaw ko sa lahat ay hindi nirerespeto ang mommy ko. Kung ayaw mong itapon kita sa labas, magkusa ka na lang lumabas." seryoso pa ring saad ni Gavin. Uh-oh. Hindi maganda 'to. Hindi malabong gawin nga ni Gavin 'yon dahil sa ginawa niya kay Jerry.

Tumayo na ako at hinila ang braso ni Alistair patayo. Tumayo naman siya kaagad pero hindi siya makikitaan ng takot sa sinabi ni Gavin bagkus may sumupil pang paghanga sa mata nito.

Itinulak ko na siya palabas ng pinto. Humarap siya sa akin at ngumisi.

"I like your son."

"Thank you. And he don't like you."

Tumawa lang si Alistair at napapailing na naglakad paalis. Ano bang trip ng lalaking 'yon? Jusq, hatinggabi na siya umalis rito sa apartment.

Bumalik ako sa sala at nakitang kinakain na ulit ni Gavin ang chocolate. Sus, nagkunyari pang ayaw na doon pero kinakain na ulit ngayon. Haynako kang bata ka.

Tiningnan ko naman si Cale. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Seryoso lang siya.

"Cale? Ayos ka lang?"

Tumunghay naman siya at ngumiti.
"Yes, Moona. Gaano mo na katagal kakilala 'yong si Alistair?"

"Kilala siya sa school. Hindi kami close. Nagkausap lang kami sa abandonadong building sa school tapos hayan feeling close na siya sa akin."

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon