Luna's POVHabang lumilipas ang araw, mas nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Gabi-gabi na lamang ay may pinapatay na witch ang mga bampira. Galit na galit na ang mga witches at alam kong darating ang oras na mapupuno na sila. Hindi na nakapagtataka kung may mangyayaring patayan sa pagitan ng dalawang lahi.
"Aurelia, ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya dahil tumatamlay na siya. Buntis pa man din siya pero may nangyayaring gulo ngayon.
She smiled at me. Pero alam kong hindi siya masaya.
"Luna, sa tingin mo ba maaayos pa ang gulong meron ang lahi namin?"
Napaiwas ako ng tingin. Gusto kong sabihin na oo, na maaayos pa lahat. Pero nakapanghihina ang nangyayari. Hindi na maganda. Lalong gumugulo.
"Ang anak ko, hindi ko pa naipanganganak pero puro hirap na kaagad ang nararanasan. Nalalapit na ang araw na ilalabas ko siya. Magulong pangyayari ang bubungad sa kaniya."
Tinanaw ko si Gavin mula sa hagdan. Nakaupo siya at naglalaro ng kotse na bigay ni Cale sa kaniya noon. Ibinalik ko ulit ang tingin kay Aurelia.
"Alam kong kakayanin mo at kakayanin ng anak mo. Aurelia, maging malakas ka. Gamitin mong lakas ang batang nasa sinapupunan mo."
"Sobrang emosyonal ko ngayon. Pero naisip ko rin ang paghihirap na nangyari sayo at sa anak mo. Maswerte pa nga ako dahil may asawang nakaalalay sa akin samantalang ikaw.."
I smiled at her. "Maswerte ako kay Gavin. Ipagpapasalamat ko pa sa ama niya na kung hindi dahil sa katarantaduhan niya, hindi ako magkakaroon ng anghel sa buhay ko."
Napatawa kami pareho at hinawakan ko ang kamay niya.
"Aurelia, be strong."
"Thank you, Luna."
Tumayo na siya at ngumiti sa akin. "Aalis na ako. Baka hinahanap na ako ni William."
"Osige, hapon na rin naman. Gavin, aalis na si tita mo."
Tumingin sa direksyon namin si Gavin at kumaway. "Bye, tita."
Umalis na si Aurelia at sakto namang nag-ring ang phone ko. Kaagad ko naman itong sinagot.
"How are you?"
"Cale?"
"Yes, Moona. Okay lang kayo diyan?"
"Kailan mo ba kami susunduin?"
He sighs, "Madami pa akong inaasikaso, Moona. Ayaw mo naman sigurong makitang wala na akong puso bago pa man ako makapasok sa teritoryo ng mga witches hindi ba?" tumatawa pa nitong saad.
"Tsk, h'wag ka ngang magbiro ng ganyan. Alam naman nilang mabuti kang bampira kaya bakit nila 'yon gagawin sayo?"
Hindi naman umimik si Cale kaya napakunot ang noo ko at tiningnan kung nasa linya pa siya pero nasa linya pa naman.
"Cale?"
"Hmm? Moona, kilalang-kilala mo na ba ako?"
Napaisip ako sa tanong niya saka sumagot. "Yong totoo? Hindi pa. Ni hindi ko nga kilala ang mga magulang mo. Hindi ko rin alam kung may mga kapatid ka o ikaw lang. Wala akong ideya.."
"Kung ganoon, h'wag mong ibibigay ng buo ang tiwala mo sa akin."
"Cale, magkaibigan tayo. Wala kang ginawang masama sa akin noon pa. Kaya ibibigay ko ng buo ang tiwala ko sayo."
Narinig ko na naman ang buntong-hininga niya.
"Okay ka lang ba, Cale? May problema ba?"
"I can't tell you."
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampiroNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...