Luna's POV"Sobra-sobra naman yata ito?"
Masyadong madaming pagkain ang dinala sa amin dito sa kwarto. Matapos kasi noong nangyari kagabi, dinala nila kami dito sa malaking kwarto at ngayon nga ay nag-serve sila ng maraming pagkain.
"Utos po ng mahal na hari na dalahan daw po kayo ng pagkain."
"Hindi naman namin mauubos ito."
Hindi nagsalita ang babae at naglagay ng kulay pulang inumin sa baso na sa tingin ko ay para kay Gavin.
Bakit ba ganito na lang nila kami tratuhin? Bakit ginagawa ito ng hari? Napatulala ako sa isiping magkapareho ng kulay ng mata si Gavin at ang hari. Niyakap niya pa kagabi si Gavin. At isa rin siyang bampira. Sht, hindi kaya siya ang..
"Mom, what are you thinking? Let's eat. Don't worry mom, kakausapin ko ang hari na 'yon para makaalis na tayo dito."
Napakurap-kurap ako at tumango. Hindi ba dapat ay ako ang kumausap sa hari? Nagmumukha tuloy na parang ako ang bata sa aming dalawa ni Gavin.
Nagsimula na kaming kumain at nang matapos, dumating na ulit 'yong mga babae kanina at kinuha ang pinagkainan namin.
"Nasaan ang hari? Kailangan ko siyang makausap." Saad ni Gavin.
Kaagad namang tumungo ang isa sa kanila at hindi tinitingnan si Gavin.
"May importante pa pong ginagawa ang hari. Sa ngayon po, pinapasabi niyang pwede kayong lumabas at alamin ang bawat parte nitong palasyo."
Kumunot ang noo ko sa trato niya kay Gavin. Tsaka bakit siya gumagamit ng 'po' kay Gavin na parang si Gavin pa ang mas matanda sa kaniya?
"I need to talk to him. We need to go."
"Mapag-uusapan po 'yan ngunit sa ngayon, hindi po kayo pwedeng umalis."
"Tss, fine."
Umalis na ang mga babae at tumayo naman ako para lumabas ng kwarto. Sabi naman nila, alamin namin ang bawat parte nitong palasyo.
"Let's go, Gavin. Titingnan natin kung anong meron sa lugar na ito."
"Mauna ka na, mommy."
Tiningnan ko siya pero nakahiga na siya sa kama kaya hindi na lang ako umangal at lumabas na.
Tiningnan ko ang paligid at mahabang pasilyo ang meron dito. Sobrang tahimik din ng paligid. Tsaka hindi masyadong nasisikatan ng araw itong loob. Kaya medyo madilim.
Nasa third floor nga pala kami. Andaming kwarto dito. Andaming pasikot-sikot. Sana lang hindi ako maligaw.
Bumaba ako sa may second floor. Dito ko gustong gumala.
"Fuck this!"
Napatigil ako sa isang kwarto dahil sa murang narinig ko doon. Pamilyar ang boses niya. Hindi naman sigurong masamang sumilip diba? Nakaawang naman ang pintuan.
"Your words, Alistair Zaccaeus."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita si Alistair. Nakatayo siya habang nakaharap sa hari na nakaupo ngayon at nagbabasa ng kung ano.
"Why did you do that?! May usapan tayo diba?! Ginagawa ko lahat para hanapin ang lintek na babaeng 'yon!" Sigaw niya.
"Wala ka ng magagawa. She's dead. Sinabihan na kita noon pa, itigil mo na ang kahibangan mo sa babaeng 'yan." kalmado namang tugon ng hari.
"W-What? S-She's dead?"
"Yeah."
Kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha ni Alistair at unti-unti niyang pag-upo sa sahig na parang nanghihina. Sino bang pinag-uusapan nila? Babae? Sinong babae?
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...