Luna's POV"Paano ang mararamdaman niya?"
"Hindi ko alam."
"Kailan mo sasabihin?"
"Hindi ngayon."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Tiningnan ko kung saan nagmumula ang mga boses na naririnig ko. Sina Aurelia at Ash pala. Tungkol saan naman ang pinag-uusapan nila?
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Napatingin sila sa akin at lumapit kaagad.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Aurelia.
Tumango ako at ngumiti. Bumangon ako kaagad at pakiramdam ko ay napakagaan ng katawan ko. Parang punong-puno ako ng energy.
"Ang mata mo, Luna.." puna ni Aurelia.
"Bakit? Anong meron sa mata ko?"
"Kulay pula.."
"Here,"
Iniabot sa akin ni Ash ang isang baso na sa tingin ko'y may lamang dugo.
Pero napangiwi lang ako at umiling.
"Ayoko niyan, hindi maganda ang amoy." Tanggi ko.
Napakunot naman ang noo nila dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi mabango sa pang-amoy ko ang dugo na iniaabot niya.
"Kailangan mong uminom kung hindi, manghihina ka."
Bumuntong-hininga ako at kinuha ang baso saka inilapit sa bibig ko. Dahan-dahan ko itong ininom pero pakiramdam ko ay masusuka ako.
Kaagad kong ibinalik ang baso at mabilis na tumakbo sa cr. Hindi ko talaga kayang inumin.
Bumalik ako sa kanila at kita ko ang pagkalito sa mukha nila.
"I'll be back." Saad ni Ash at mabilis na umalis.
Naiwan naman kaming dalawa ni Aurelia. Napaupo naman ako sa kama nang maramdaman ang pagkahilo.
"Okay ka lang?"
"Nahihilo ako,"
"Kailangan mo ng dugo, Luna."
"Pero hindi ko kayang inumin 'yon. Hindi tinatanggap ng tiyan ko."
"Nakapagtataka, bampira ka na pero bakit ayaw mo ng dugo?"
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Cale at Ash.
Kumunot ang noo ko nang makitang may hawak na kutsilyo si Ash.
"Anong gagawin mo?" I asked.
Ibinigay niya ang kutsilyo kay Cale at nagulat ako nang hiwaan ni Cale ang palad niya at kitang-kita ang pag-agos ng dugo.
Nagtataka ko naman silang tiningnan kasi nakatingin din silang tatlo sa akin.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.
"Namumula ang mata mo, ibig sabihin kailangan mo ng dugo pero bakit ayaw mo?" Tanong ni Cale.
"Wala din akong idea." Sambit ko.
Kinuha ni Ash ang kutsilyo samantalang lumapit naman si Aurelia kay Cale. Hindi na niya kailangang gamutin si Cale dahil kusa namang gagaling ang sugat nito.
Nakatingin lang ako kina Cale at Aurelia nang biglang may naamoy akong napakabango na hindi ko maipaliwanag sa bango.
Tiningnan ko si Ash at nanlaki ang mata ko nang makitang may hiwa ang leeg niya. Napapikit ako at naramdaman ang paghaba ng ngipin ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampirosNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...