KABANATA 34

1K 21 0
                                    


Luna's POV

"Thank you for coming. Ito ang pinakamahalagang pangyayari sa buhay ko. Pakakasalan ko na ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat." Rinig ko mula rito sa labas ang litanya ni Alistair. Ramdam ko kung gaano siya kasaya ngayon. Sadly, sandaling kasiyahan lang ang mararanasan niya ngayong gabi.

"Ngayon naman, ibibigay ko ang pagkakataon na ito para makapagsalita ang aking mapapangasawa na si Yara."

Mabuti na lamang at wala na akong nararamdaman pa kay Alistair dahil paniguradong makakasira sa lahat ng plano namin kung may feelings pa rin ako sa kaniya.

"Uhm, I don't know what to say. But, I'm happy to meet all of you. Thank you so much sa pagpunta sa special event na ito sa buhay namin ni Alistair. Matagal din kaming naghintay sa pagkakataon na ito. Marami kaming pinagdaanan and nalampasan namin lahat na magkasama."

"Cheers!" Sigaw ni Alistair and it's time.

Pinatay na nina Cale ang ilaw na ikinagulat nilang lahat. Binuksan ko naman ang malaking pintuan at saktong bumukas ang ilaw.

Lahat sila nakatingin sa akin at gulat na gulat. Lalo na si Alistair habang nalilito naman ang mukha ni Yara.

Nakaplain white gown ako habang nakalugay ang mahaba kong buhok.
Parehas na kaming nakawhite ni Yara. Si Yara lang kasi ang required na magcolor white rito dahil siya ang bida.

Pero hindi, ako ang bida rito ngayon.

"Luna?" Banggit ni Alistair.

"Oh hi, ex-husband." I smiled sweetly.

"Anong ginagawa mo dito?" Halata ang galit sa mukha ni Alistair.

"Why? Masama bang um-attend sa engagement party ng ex-husband ko? Oh, wait? Hindi nga pala tayo ikinasal. Sorry, my bad." Kunyaring natatawang sambit ko.

Kumuha ako ng wine sa table na kalapit ko at ininom ko kaagad.

"Alam mo, Alistair? Nakakasama ka naman ng loob. Hindi mo man lang ako nagawang imbitahan."

"Hulihin niyo siya!" Sigaw niya sa mga tauhan niya pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Sinong tinakot niya?

"Yara? Yara?!"

Napangisi ako dahil sa takot sa mukha ni Alistair ngayon. Sa sobrang focus niya sa akin, hindi niya namalayang nawala na sa tabi niya ang pinakamamahal niya.

Galit na galit siyang bumaba at nilapitan ako. Mahigpit niya din akong sinakal. Pero galit ko rin siyang tiningnan kahit nahihirapan ako sa ginagawa niya.

"Nasaan si Yara?!" Sigaw niya sa akin.

Malakas ko namang tinanggal ang kamay niya sa leeg ko at lumayo sa kaniya ng kaunti.

"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin noong nawala si Gavin?"

"H'wag mong sasaktan si Yara, Luna!"

"Pinatay mo ang anak natin, Alistair." Sambit ko at hindi binigyan ng pansin ang sinabi niya.

Pero galit lang ang nakikita ko sa mukha niya. Walang kahit anong guilt man lang sa ginawa niya kay Gavin.

"Kasalanan mo kung bakit namatay si Gavin. Hindi mo na lang pinili manahimik." Saad niya na lalong ikinakulo ng dugo ko.

Ngumisi ako, "At kasalanan mo rin kung mamamatay si Yara dahil hindi mo piniling magpakalayo na lang kasama siya."

Nanlaki ang mga mata niya at nagulat ako dahil lumuhod siya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwalang luluhod siya sa harapan ko para lang sa isang babae. Ganito niya ba kamahal si Yara?

The Vampire's Baby [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon