Luna's POV"Mom, have you seen Levi?"
Sinamaan ko ng tingin si Lacey. Hindi na naman niya tinatawag na kuya si Levi.
"Lacey, anong sabi ko sayo?"
"Fine, where's kuya Levi?"
"Nandoon sa garden kasama ang kuya Gavin mo tsaka si Thomas."
Mabilis naman siyang umalis pagkasabi ko.
Nakatanaw lang naman ako mula dito sa balcony. Pinapanood ko sina Gavin, Levi, Thomas, at Amelia tsaka si Lacey na kararating lang sa baba. Si Thomas at Amelia ay anak nina Cale at Aurelia. Si Amelia ang unang anak ni Aurelia sa namatay niyang asawa habang anak naman nila ni Cale si Thomas. At ang nadagdag sa amin ay si Lacey na anak namin ni Ash.
"What are you doing here?"
Napatingin ako kay Ash. Kagagaling niya lang sa meeting kasama ng mga member sa council na mga bampira. Siya na ngayon ang bagong hari at ako naman ang reyna.
"Pinapanood ko sila. Bilis nilang lumaki. Parang kailan lang."
Ngumiti naman sa akin si Ash at hinalikan ang noo ko.
"May bisita tayo."
"Sino?"
Hinawakan niya naman ang kamay ko at bumaba kami.
Nang makarating kami sa salas, nagulat ako sa sinasabing bisita ni Ash.
"Alistair? Yara?"
Oo, sila ang bisita. Ilang taon ko rin silang hindi nakita.
"Luna.." bati nila. Nakangiti sila pareho.
Ngumiti rin naman ako pabalik. "Mabuti naman at pumasyal kayo?"
"Oo, kasama rin namin si Shawn." Turo ni Yara sa teenager na sa tingin ko'y kasing-age nina Thomas at Lacey.
Ngumiti lang naman ng tipid sa akin si Shawn. Mukhang tahimik na bata kabaligtaran ni Thomas na namana ang kakulitan ni Cale.
Sa nakalipas na ilang taon, nagkapatawaran na rin naman kami kaya masaya na kaming lahat ngayon.
"Hellooooo mga pipol! Ay bampira pala." Sigaw ni Cale habang papalapit sa amin at kaakbay si Aurelia na ngayon ay bampira na rin. Pero hindi siya pure vampire, nasa dugo niya pa rin ang pagiging witch kagaya ko. Pero hanggang ngayon, tinuturuan pa rin ako ni Aurelia kung paano ko magagamit ang pagiging witch ko. Medyo nahihirapan nga lang ako.
Nagulat naman sila nang makita sina Alistair at Yara.
"Oh, hi?" Awkward na bati ni Cale sa kanila. Kahit naman papaano ay naging magkapatid din sila ni Alistair.
"Hello..bro." bati naman ni Alistair pabalik.
Para namang kuminang ang mata ni Cale at kaagad niyakap si Alistair. Sobrang close rin naman nila noong mga bata pa sila kaya paniguradong namiss nila ang isa't-isa sa kabila ng mga nangyari.
"Osiya, maghahanda na muna ako ng makakain natin." Sambit ko sa kanila.
"Tulungan na kita/Tulungan na kita." Magkasabay na saad ni Aurelia at Yara na ikinatawa na lang namin.
Sama-sama na lang kaming tatlo na pumunta sa kusina.
Kumakain na rin naman kasi kami ng mga human food. At first, nahihirapan sila na mag-adjust pero nasanay na rin naman. Pero siyempre hindi pa rin nawawala ang pag-inom ng dugo na galing naman sa mga animals. Habang ako naman, galing sa asawa ko. Wala naman akong magagawa, dugo niya lang talaga ang gusto ko.
"So, may balak ba kayong sundan si Shawn?" Tanong ko kay Yara.
Ngumiti naman siya na parang nahihiya.
"Naku, Yara. H'wag kang mahiya. Normal na lang 'yan."
"Sabi ni Alistair, next year daw."
Tumango-tango naman kami.
"How about you, Luna? May balak kayong sundan si Lacey? Malaki na siya ah." Tanong ni Aurelia.
"Siguro, next year din. Pero last na 'yon. Nag-usap na kami ni Ash na okay na kami sa apat. Kayo ba?"
"Lima ang gusto namin ni Cale. So, go lang nang go." Natatawang sambit niya na ikinatawa rin namin.
Inayos na namin ang mga sandwich at dinala sa may garden. Magkakasama na sina Cale, Alistair at Ash kasama rin ang mga anak namin na nagkukuwentuhan. Mukhang nakaka-adjust na si Shawn.
"Kumain na muna kayo." Tawag ko sa kanila.
Nilapitan ako ni Ash and we both smiled.
Hinalikan niya ang noo ko at tumingin kami sa kanila. Busog pa naman rin ako.
"Are you okay?"
I smiled at him, "Sinong hindi magiging okay? Napakasaya mamuhay na walang problema."
"I love you, Luna."
"I love you too, Ash."
"Yucks.."
Sinamaan ko ng tingin si Cale.
"Nakain kami dito ha, respeto naman." Dugtong niya pa.
Napatawa naman kami. Lumapit na kami sa kanila at nakikain kahit busog pa ako.
"Gan'yan yan sina mommy, tito Cale. Kulang na lang magreklamo na rin ang mga langgam sa kanila e." Litanya pa ni Lacey. Manang-mana sa tito Cale niya sa pagkadaldal.
Nag-apir naman sila dahil pareho sila ng ugali. Napailing na lang kami.
"Gavin?" Tawag ko kay Gavin dahil nakatulala siya habanag nakatingin sa malayo. Nagkakaingayan kami dito pero tahimik siya.
Nilapitan ko naman siya kaya napatingin siya sa akin.
"Gavin? What's wrong?"
"Nothing, mom. I'm just happy. Sobrang peaceful."
I smiled. Hinalikan ko naman siya sa noo. Sobrang laki na ni Gavin. Samantalang buhat ko pa siya noon.
Napangiwi naman siya. "Mom, hindi na ako baby."
Sumimangot naman ako. "Eh ano naman? Baby pa rin kita!"
Lumayo naman siya ng kaunti sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Love, binatang-binata na si Gavin. Hayaan mo na siya. Ayaw na niya ng mga ganyang bagay." Natatawang sambit ni Ash habang nakayakap sa likod ko.
I sighed, "Okay, fine."
Bumalik na lang ako kina Cale at kita kong nag-uusap na si Ash at Gavin. Sobrang bilis ng panahon. Darating ang araw na si Gavin na ang papalit kay Ash sa trono. Alam kong malaking responsibilidad 'yon. Pero tinanong ko si Gavin kung gusto niya ba ang bagay na 'yon, pero handang-handa naman daw siya sa responsibilidad na nakaatang sa kaniya.
Sobrang dami ring pinagdaanan ni Gavin simula pagkabata niya at hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko siya. Hindi ko rin pinagsisisihan na hindi ko sinunod ang gusto nina mama na gawin ko kay Gavin.
Mahal na mahal ko si Gavin, siya ang dahilan kung bakit ako lumaban. At ngayon, nadagdagan pa ang lakas ko dahil kay Levi and Lacey pati na si Ash.
Sobrang hirap at sakit man ng pinagdaanan naming lahat, pero worth it lahat ng 'yon dahil kami pa rin ang magkakasamang masaya ngayon.
Hindi pa rito natatapos ang lahat pero alam kong may mas matibay na kaming pundasyon na hindi madaling masira o mawasak.
THE END.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Baby [COMPLETED]
VampireNormal na buhay, payapa at masayang mga plano sa hinaharap. 'Yan lang ang inaasahan ni Luna. Hanggang sa nabago ang lahat. Pangyayaring nagpabago sa buong buhay niya. Pangyayaring bumuwag sa matagal na niyang pinapangarap. Vampire Story. Started : S...