NEAL'S POV
Nandito na nga kami ngayun sa Canfelaria Resort. Dahan dahan lang ang pagpaaptakbo ni Julius sa kotse niya para daw mas ligtas ako, kaya naman hapon na kaming nakarating dito.
Pagdating na pagdating namin ay pumili na agad kami ng cottage na gagamitin namin. Napili ni Julius ying mamahalin na kala mo bahay na talaga. Ang ganda rin ng cottage na to, kulay blue ito. Parang pamilyar nga sakin tong lugar na to. Or baka naman sa sobrang ganda ng lugar ay gumagawa ng sariling mundo ang utak ko.
6 pm na nga pala ngayun kaya naghahanda na si Julius ng gabihan. Sabi ko tutulong ako kaso ayaw akong pagawain nitong si Julius. Nag aalala daw siya na baka kung anong aksidente pa ang mangyari saken sa kusina kaya naman di na ako nakipagtalo.
Humiga nalang ako sa kama ng cottage at naghintay, boring talga kaya naman tumayo ako at lumabas ng cottage at nagpahangin sa bungad nito. Hindi pa rin ako tinatawag ni Julius kaya baka namn di pa siya tapos. Nag earphones nalng ako at nakinig ng music.
//Playing: Suffer by Charlie Puth//
Habang nakikinig ay napayiko ako.
Bigla nalng may nagsalita sa harapan ko hqbang nakayuko ako.
"Eyyy, are you alone? Can I join you?" Tanong niya. Hindi ko sinagot ang una niyang tanong pero nagsalita ako at tumingin sakanya. Nakita ko ang isang moreno at matchong lalaki.
"Sure. Nagpapahangin lang naman ako." Sabi ko at umiwas ng tingin.
"Liam Andrei Xi Canfelaria. Ikaw?" Pagpapakilala niya sakin. Sabay lahad ng kamay niya na tinanggap ko naman.
"Neal Reyes." Sabi ko sabay bawi ng kamy ko kasi naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero sandali lang Canfelaria apelyedo niya?
"If I heard it right, your surname is Canfelaria." Tanong ko sakanya.
Ngumiti ito sakin. Nakita ko lalo ang pagka hot niya. Hayyst siguro nga bakla talga ako dati at attracted ako sa mga lalaking ganyan ang itsura. Bigla kong naalala si Julius kaya namn diko naiwasan na uminit nanaman ang mukha ko. Nakakahiya nakita yata nitong mokong na kausap ko.
"Ang cute mo." Sabi niya. Nagulat ako kaya napatingin ako sakanya.
"Yes, Im the son of the owner of this resort" sabi niya, so tama nga ang hinala ko. I've met a heir just now.
"Kaya pala." Pabulong kong sabi.
"Ano?" Nagtataka niyang tanong. Kaya naamn natawa ako.
"Bakit ka tumatawa?" Patuloy niya pa.
"Wala naman. " Sabi ko at napangiti uli.
"Ang cute mo talaga. May boyf- " naputol ang tanong niya nang biglang may lumapat na kamao sa mukha niya. Nakita ko si Julius na galit na galit ang mukha. Hintak niya ako papasok.
Bago kami tuluyang makapasok ay sumigaw siya kay Liam.
"Gago ka, kung maghahanap ka nang lalandiin siguraduhin mong yung walang syota gago ka. " Sabi niya sabay tuluyang pumasok at pabagsak na sinara ang pinto.
Nagulat ako sa paglagabog at bigla nalnga kong umiyak at kala mo'y bata na yumakap kay Julius.
"B-babe sorry. Wala kaming ginagawang masama. Nagkakilala lang kami sa labas. Please don't be mad. Wala tal-" sabi ko at naputol na nga dahil tuluyan na akong umiyak sa matigas niyang dibdib.
Inilyo niya ako, hinawakan ang dalawang balikat ko bago nagsalita.
"Babe. Wag ka nang umiyak please. You don't have to be sorry. Ako ang naging unethical kanina. Sorry kasi nagselos ako at di ko napigilan. Please don't cry , hindi ako galit sayo, hinding hindi yun mangyayare. Mahal na mahal kita. Yung gaging lalaking yun ang may kasalanan nito." Sabi niya sakin kaya naman natigil ang pagpatak ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
RomansaIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...