JanSport Love Story (One Shot)

249 15 3
                                    

2nd story. Hope you like it! :)

Please vote. Comment. Be my fan! Hehehe! :)))))

Dedicated to Ate Ella. Hii po! :) 

-------

"Hay salamat! Eto na! Mabibili ko na ang dream bag ko."

[Hahaha! Loka loka ka talaga. Sige goodluck! Ingat ka Bes.]

"Sige Bes, bye!"

Yung feeling na halos 1 year ka nag ipon, tapos mabibili mo na talaga yung gustong gusto mo. Nakita ko kasi yan isang beses sa mall, JanSport na yellow. Favorite color ko pa! Eh, kaso ang mahal.. Hindi naman kasi mayaman. At siyempre, may mga bagay din na kailangan ko. Kaya, mahirap talaga mag ipon.

"Good afternoon Ma'am!" Sabi ng saleslady saakin.

"Uhm, good afternoon din. Nasaan po ang mga JanSport bags?"

"Akyat po kayo sa second floor, kumanan po kayo tapos makikita niyo ang bags section."

"Sige, salamat ha!"

Eto naa! Eto na talaga! Malapit na. OA ba? Sorry naman, gustong gusto ko kasi talaga yun, e.

Nakita ko na yung bag, ay, last na ata toh eh. wala na kasing ibang nakasabit na yellow. Kukunin ko na sana, kaso, biglang kinuha din nung isang lalaki.

Aba't epal toh ah! Bastusan lang?

"Excuse me, kukunin ko na po dapat yang bag, e. Kaso kinuha mo agad. Pwede bang ako nalang ang bumili niyan?" Sabi ko sa lalaki.

"E ako nauna nakakuha, e. Sorry miss. Madami pa namang ibang bag diyan. Eto nalang oh" sabay dampot nung lalaki sa neon green bag.

"E dapat kasi kukunin ko na eh. Akin nalang. Sayo nalang tong neon green bag. Akin nalang yung yellow. Please?" Sabi ko

"E ako unang nakahawak, e. Sige miss, una na ako." Sabi nung lalaki.

Hinabol ko siya at sinabing "Sige na please? Dream bag ko kasi talaga yan, e. tagal ako nag ipon para diyan."

Hindi niya ako pinansin, dire-direcho lang siya sa lakad niya hanggang makarating siya sa counter.

"Uy, sige na akin nalang yan."

"Please lang naman! Uyyyyy!"

"Halos isang taon ko kasi yan pinag ipunan eh. Sige na akin nalang. Madami pa namang ibang bag diyan, e."

"Nakakainis ka naman! Ugh!"

Yan na lamang ang mga nasabi ko sa lalaki. Hanggang sa nabayaran na niya yung bag. Hinabol ko padin siya, e nakakaloka, sobrang daming tao! Di ko na siya nakita.

Wala na, wala na yung dream bag ko. Dahil sa lalaking yun! Nakakainis talaga siya! Ako naman kasi dapat mauuna, e! Hay nako! Hindi naman din kasi ako pwede bumili sa ibang mall, malayo na. Isang mall lang kasi dito sa place namin. Buti nalang medyo malaki kaya nakakabili ako ng mga gamit na kailangan sa school. Naiinis talaga ako sa lalaking yun! Sayang, gwapo sana. Epal naman. Tss.

Kakain nalang ako. Bwiset. Nakaka wala talaga sa mood.

Pumasok ako ng mcdo. At pumila na. Ang haba ano bayan. Nakatayo lang ako at nagtetext. Di ko tinitignan yung paligid ko. Pakealam ko sakanila? Badtrip ako, e!

Hanggang sa ako na pala yung next, nagorder ako ng french fries at coke float. Pagkatapos nun, naghanap na ako ng table.

May nakita na akong bakanteng table, papunta na sana ako kaso may naglapag ng tray niya doon sa table. Teka, inagawan nanaman ako?! Pag tingin ko doon sa may hawak na tray, ay peste. Yung lalaki kanina.

JanSport Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon