Chapter 12: Her Highness

131 11 4
                                    

Chapter 12: Her Highness



Nico's POV

"Kade, cancel all my appointment this coming week."

"Even your appointment with Miss Alira Bernardo?"

"No, just reschedule it."

"Should I call her manager about this?"

"Yeah sure."




Naiwan ako mag-isa sa opisina ng lumabas si Kade sa terrace upang tawagan ang manager ni Alira, last appointment ko ang puntahan ang mga model para sa fashion show na magaganap ngayon.

Kahit abala ako dito sa opisina ay hindi mawala sa isip ko kung ano na ba ang status ng lesson ni Dia sa mga oras na ito maging ang kalagayan ni Mrs. Madrigal na naka confine ngayon sa hospital.

Binuksan ko ang laptop upang icheck ang nangyayari sa Blant Styl sa mga sandaling ito. Mula doon ay nakaupo si Dia sa tabi habang nakatingin sa screen ng projector, si Shaine naman nakatayo sa unahan na tila ba pinapaliwanag ang kung anong nasa screen. Sinubukan kong izoom in ang screen ng mapansin ang litrato.
History, which means last session na ng academics.

.

.

.

Doctor Sylvia's POV

Nakaupo ako sa swivel chair habang nakatingin sa x-ray results ni Mrs. Madrigal, tatlong chart na magkakaiba ang hitsura pero iisa ang resultang lumabas.

Ayon sa resultang lumabas, stable na ang lungs, heart at artery ng pasyente ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring response ang kanyang katawan sa mga medicine na nakakabit sa kanya, almost one week na ang nakakalipas but she's still unconscious. Siguro dahil may edad na siya kaya mabagal ang pagresponse ng katawan niya, still looking forward to make her daughter happy and hyper again.

Pansin ko kasing pagod palagi si Dia at malungkot ang mukha sa tuwing binibisita niya ang Nanay niya, alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya ganun din naman si Alondra na nakahiga pa rin sa kama habang may limang apparatus na nakakabit sa katawan niya.

"Doctor Sylvia pinapatawag niyo daw po ako?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, nakatayo sa bandang pinto si Adelaine na nakasuot ng uniform.

Sandali pa ay may kinuha ako sa table ko at iniabot sa kanya.

"This will be your schedule starting tomorrow." Tiningnan niya iyon pero agad na tumingin sa akin.

"Hindi na po ba bibisita si Dia dito?"

"Nope, bibisita pa rin siya pero mas kailangan niya lang magfocus sa trabaho niya ngayon." Iyon lang ang naisagot ko sa kanyang tanong, maging ako ay hindi mapakali sa desisyon na iwanan kay Adelaine ang pagbabantay kay Alondra pero pansamantala lang naman dahil kailangan ni Dia ng oras sa trabaho niya ngayon.

Maya maya pa ay pinirmahan na ni Adelaine ang papel na iyon, ibinigay naman niya sa akin ang isang copy bago umalis upang bumalik sa duty niya.

Nang makaalis siya ay binasa ko muli ang schedule ni Adelaine. Isa sa pinakabibilin ni Alondra ang mga ginagawa ko ngayon. Ayaw ko mang sundin ngunit iyon anv huli niyang sinabi bago ko gawin ang operasyon.



Flashback

Sa susunod na araw na magaganap ang operasyon kaya may kaba sa dibdib ko. Nasa emergency room kami ngayon kasama si Rawn at Cecill, bigla kasing natumba si Alondra kanina kaya dinala muna namin dito sa room.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon