Part 19

979 72 5
                                    


Iminulat ni Apollo ang mga mata. Gaano ba kahaba ang oras na itinulog niya? Bigla siyang napabalikwas nang di niya maramdaman si Camille sa tabi niya. Nakaramdam siya ng matinding kaba. Lumabas siya ng kuwarto. Bumaba. Agad na nagtanong sa nadaanang katulong sa salas.

"Umalis na po 'yung babae Sir e. Pinabigay lang po itong note." Inabot nito ang papel sa kanya.

Kinuha niya 'yon at nagtatakang binasa ang nakasulat. 

Go to my room. Nandoon ang gift ko sa'yo. Di ko kayang buhatin papunta sa kuwarto mo.

Nagmamadaling umakyat siyang muli at pinasok ang kuwarto na ginamit ng peke niyang kinakapatid sa loob ng isang linggo. The last time he entered it was on her second day. Kung saan may pinagkakaabalahan itong pukpukin na malaking bloke ng bato sa loob.

Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang sa loob. He was stunned on what he saw. A beautiful white statue that looking on his direction. They have the same face. Same built and same gesture. Siya ang estatwang 'yon. Nandoon iyon sa pinakasulok ng kuwarto. Nilapitan niya ang estatwa. He felt strange. Strange but moved. 

Naglaro sa kanyang balintataw kung papaanong ang malambot at maliit na kamay ng dalaga ay pinaghirapang buuin ang imahe sa kanyang harapan. Sa ilalim no'n ay nakaukit ang salitang "Seek" na nahihinuha niyang pamagat ng art sculpture. May isa pang note na nakadikit doon at nakasulat ang mga salitang "I hope you find what you're looking for."

May kung anong kumislap sa mga mata ng binata. Pumatak ang kanyang mga luha sa sahig. Ang puso niya ay parang niyanig. At nahawi ang lahat ng pangamba sa kanyang isip. Isang sobre ang nakita niyang nakasiksik sa estatwa. He took it then read the letter inside.

"On the very first day I met you, tinawag mo ang pangalan ng kinakapatid mo. Late reaction ang response ko dahil di ko 'yon pangalan. Halatang problemado ka, pagod, at matamlay. Pero I still find you handsome. Sabi mo huwag kitang bigyan ng sakit ng ulo. Di ako nakapag-react dahil hindi ko alam ang dapat sabihin bilang kinakapatid. On the second day, you saw me making a sculpture. Alam kong narinig mo na sinambit ko ang pangalan mo. At alam mo na rin siguro kung sino ang inspirasyon ko sa estatwang 'yon. Rie Faye is a painter and I'm a sculpture artist. Pink ang favorite color niya at iyon ang kulay na pinaka-ayoko. Hindi ka naghinala at di ko nagawang itanggi. Third day, dinalaw ko ang puntod ng mga magulang ko na siyang kaisa-isang dahilan ng pagbabalik ko ng Pilipinas. Nagalit ka dahil late akong umuwi. I was actually happy cause there is someone like you who would get worry for me. Pero di ko maiwasang biruin ka. Ang cute mo kasi. On the fourth day, naasar ka sa akin, di ba? I maybe talking on Rie Faye's place about love pero iyon talaga ang pananaw ko. Tinanong mo kung anong malaking problema ko. At sinabi kong opurtunidad at hindi problema para sa akin ang ma-in-love. Fifth day, isinama mo ako sa resort. Magpo-propose ka sa girlfriend mo. Di ko alam pero labag sa kalooban ko ang gagawin mo. Nang mga panahong 'yon unti-unti na akong nahuhulog sa'yo. Sinabi ko sa'yo ang naranasan kong pagkalaglag sa barko. Inalo mo ako. At doon ako lalong naging aware sa nararamdaman ko. Sixth day. You caught your girlfriend cheating on you. Iyon ang pinakamasakit na tagpo para sa akin. Ang makitang nasasaktan ka dahil sa ibang babae. I tried to comfort you as your godsister, kahit ang totoo... gustung-gusto kitang aluin bilang babae. Bilang babaeng magmamahal sa'yo ng tunay at hindi ka sasaktan. Dala ng kalasingan at pagiging brokenhearted, hinalikan mo ako. That was my first kiss. Kahit di mo natandaan, okay lang. Ginusto ko pa ring manatili sa tabi mo. Last Day. Nabuko mo ang pagpapanggap ko. Nagalit ka. Pakiramdam mo niloko kita. Na lahat ng ipinakita at sinabi ko, scripted. Aminado akong mali ang ginawa ko pero wala akong masamang intensiyon. At hindi totoong pagpapanggap ang lahat. Dahil kung mula sa simula, umaarte lang ako. Napakagaling ko naman na writer para makabuo ng isang kuwentong tulad ng sa atin Apollo. My one week with you happened before my very eyes. Hindi ko alam kung anong eksaktong araw nag-iba ang tingin ko sa'yo. It is just one week but I felt that those were the greatest days of my life. Sa loob ng Isang linggo,umibig ako, nasaktan at nakapanakit ng di sinasadya. Walang makakapagsulat ng love story natin dahil tayo mismo ang gumawa no'n. Gusto kong sabihin sa'yo na naging totoo ako sa'yo, Apollo. Dahil ang bawat araw na kasama kita ang pinakaimportanteng yugto sa buhay ko. I love you... my one week godbrother. Camille Salonga sincerely loved Phoebus Apollo Ibañez from the bottom of her heart. Thanks for giving me my "opportunity."

Umalog ang mga balikat ni Apollo matapos niyang basahin iyon. Pumatak ang mga luha niya sa papel na hawak. Gusto niyang sumigaw at humiyaw. Pakiramdam ay sasabog ang kanyang dibdib sa mga emosyong kumawala sa sistema niya. Pero ang tanging nangingibabaw sa puso niya ng mga oras na 'yon ay matinding saya. Mahal siya ng dalaga. Mahal siya ni Camille Salonga!

Tumakbo siya papunta sa kanyang silid. Agad na kinuha ang cellphone niya sa bedside. Tinawagan niya ang babae. Subalit unattended. 

Shit! Ilang beses niyang sinubukan subalit bigo siyang makontak ang dalaga. Ibang number naman ang sinubukan niya.

"Hello. Faye?"

"Anong kailangan mo Kuya Apollo?" pabalang agad ang tono nito.

"Alam mo ba kung saan nagpunta si Camille?"

Parang kontrabida na tumawa ito sa kabilang linya. "O ba't mo tinatanong ngayon?"

"Sagutin mo na lang, puwede?"

Umismid ito. "Malay ko sa'yo. Kung alam ko 'man, bakit ko naman sasabihin sa'yo? You pushed her aside. You treated her so badly. Ang sama—"

"Please, kailangan ko siyang makita at makausap."

"Bakit? Anong sasabihin mo sa kanya? Aakusahan mo naman siya? Sasabihang manloloko—"

"Sasabihin kong mahal ko siya at di ko kayang mabuhay ng wala siya."

Napasinghap ito.

"Like you I found my true love. A girl that worth sacrificing more than everything I've got. Tulungan mo akong huwag mawala sa akin ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Nakikiusap ako sa'yo Faye. I don't want to go back the way I am before. Alam ko na kung anong gusto ko at ang tanging kailangan ko."

"Kuya Apollo..."

"Hindi mo ba siya gusto para sa akin? O hindi ka ba boto sa akin para sa kanya?"

Mataginting na humalakhak ito. Umiiyak o tumatawa? Hindi niya matukoy kung anong nangyayari sa kinakapatid niya. "Kung hindi si Camille ang makakatuluyan mo, asahan mong hinding-hindi ako dadalo sa kasal mo."

Napangiti siya. "Then I think I also have no choice but to accept your boyfriend."

****

- Amethyst -

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon