Zarina POV
Matapos ang camp namin nung nakaraan araw ay sinasadya kong di kamelii magkakapang- abot ni Acer.Kapag naman tumatawag siya ay naghahanap ako ng paraan para ipaalam na busy ako kahit ang totoo ay sinasadya ko naman talaga. Bahala siya.Magsama sila ng Shaina na iyon!
Kahit sa mga kaibigan namin ay nagdadahilan din ako.Gusto ko munang mapag-isa.Nakakawalang-gana.
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench ngayon sa may garden.Tatlong araw na kaming di nagkikita ni Acer.Inaamin kong namimiss ko na sya.Naiinis lang ako talaga.Napabuntong-hininga ako.
"Ang lalim nun ah!"Gulat na napalingon ako sa nagsalita.
'Hayy naku namn..'muli kong ibinalik ang tingin sa garden.Mabuti pa dito nakakarelax.Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko .
"I missed you.I always do."rinig kong sambit nya.Nagulat ako dun kaya nilingon ko sya na may natatanong na mga mata.
"I know it's useless now .Confessing how I feel bringing the past."Humugot ito ng malalim na hininga.
"I know it's my fault.But I didn't mean to hurt you." Bahagya akong natawa sa tinuran nya.Ano nga namn ang saysay ng pag-amin nito ngayon? I'm completely got over him.
"Bakit mo yan sinasabi ngayon Jake?"malamig na tanong ko sa kanya.I saw how gloomy his eyes.Napailing ako .
"Hindi ka pa ba nakapag move on?Past is past at di na dapat balikan.Let's just be friends now.Mas mainam yun para sa ating dalawa."mahaba kong wika.Nakakabanas.Nakakawalang gana kumausap ng mga tao ngayon.
'All I want is to be alone.For now.'
"I thought so.But please don't ignore me.Promise, masaya na ako sa pagiging kaibigan mo na lang." Nilingon ko sya.Somehow I feel him.Nasasaktan sya.Hindi pa pala sya nakapag move on sa kasalanang sya namn ang may gawa.Pero hindi ako ganun kasama para hindi sya patawarin.Ayokong lumiit ang mundo ko dahil lang sa may iniiwasan akong tao. Katulad ngayon.Iniiwasan ko si Acer kaya ang mga lugar na gusto kong puntahan ay hindi ko magawang puntahan dahil alam kong makikita ko sya doon.Lumiit ang mundo ko.Nasa garden lang ako lagi nakatambay.
"Salamat.Nanghihinayang ako sobra."Mapait itong ngumiti.Kapagkuwan ay napatingala sa langit at muling bumaling sa akin.
"Can I hug you for the last time?A very tight hug?"Malamlam ang mga nitong nakatitig sa akin at nasa mukha ang pagsusumamo.Marahan akong tumango at para bang gumaan ang dibdib ko nang mahigpit nya akong yakapin. Nang kumalas sya ay hinawakan ng dalawa nyang kamay ang pisnge ko
"I'm very grateful today.Mag-iingat ka lagi Zarina.I'll be a good friend if you need one."huling sabi nito at hinalikan ako sa noo bago tumayo at walang lingon na naglakad palayo .
'Thank you Jake.You made me strong...'Sinundan ko sya ng tanaw habang papalayo.
Acer POV
Sa nasaksihan kong pagyayakapan nina Zarina at Jake ay para akong tinadyakan sa sikmura.Parang sinaksak ang puso ko.
'Akala ko ba wala na sila?Bakit ngayon magkayakap sila at hinalikan pa sya ni Jake sa noo?'Hindi ko alam ang nararamdaman ko.Samot-saring emosyon na ang lumulukob sa akin.Selos.Sakit.Hinayang.Galit at pangamba.
Selos dahil may nararamdaman ako sa kanya.Sakit dahil palagay ko ni niloloko nya ako.Galit sa sarili ko at sa lahat.Nag-iinit ang ulo ko sa nakikita.Akala ko malinaw na sa kanya ang nararamdaman ko.I'm not a vocal type.I express through action pero bakit? Nanghihinayang ako dahil hindi ko nasabi ang nararamdaman ko.Wala kaming opisyal na relasyon .At pangamba dahil ngayon ay nagkabalikan na sila.Nang ex nya.Ano ang panama ko sa pinagsamahan nila.He changed her according to Genesis.
Eh, ako?Walang akong nagawa sa kanya. Napahakbang ako paatras bago pa man nila ako makita.Nagpupuyos ang kalooban.Parang tinapakan ang pagkalalaki ko.Wala pang nakagawa sa akin nang ganun.
Hindi pa ako nasaktan at niloko ng harap-harapan.Am I not worth for her? Napatawa ako sa isip.Wala dapat akong karapatang magselos.Pero kung gusto mo ang isang tao kahit walang kayo ay para kang pinapatay.Bakit hindi na lang diretsuhing sabihin para wala nang umasa at masaktan.Ayoko yata ng ganitong pakiramdam.Nakakapanghina.At ang lalaki ay hindi dapat nakakaramdam ng panghihina.
'Zarina..kaya pala hindi ka nagpapakita.At ito pa ang masasaksihan ko sa sobrang pagkasabik ko sayo.' Nangingilid ang mga luha sa mata ko. Napatiim bagang ako sa isiping naiiyak ako dahil lang sa babae.
'Tsk.Such a gay thing.'Hindi ako iiyak.
YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...