Chapter 18

35 1 0
                                    

Zarina POV

   Maaga ako ngayon papasok sa Armandoe Corp. Bilang bagong secretary pansamantala ng CEO ay kailangan kong sanayin ang sarili sa paggising ng maaga.

Habang nakasakay ng bus ay malalim akong napabuntong hininga.

'This would be a hell with a devil.'

Ngayong araw na ako magsisimula ng walang alalay ni Beverly na syang secretary talaga ng CEO.Malapit na itong manganak dahil nag labor na umano ito.

  Pagkadating sa elevator ay sumingit ako sa loob.Ayokong malate dahil umuusok ang ilong ng 'Boss' ko.Nagmumukha talaga syang angry bird kapag nagagalit.Namumula kasi sya .Naalala ko tuloy ang hitsura nya kapag nagagalit way back in our college days.

  'Let go of the past.Mukhang di nya namn ako naalala.'Sa isip ko at may konting sakit akong nadarama.

Pagkapasok ko sa opisina nya ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.Dapat daw ganoon ang gawin kahit walang sagot mula sa loob. Inayos ko muna ang damit ko at humugot ng malalim na hininga bago buksan ang pinto.

  "You know how much I hated tardiness."Kaagad na narinig kong bungad nya .Nakaupo ito sa swivel chair nya habang nakasandal at madilim na nakatitig sa akin.Bahagya akong nagulat at medyo kinakabahan.Pinagpapawisan na yata ang mga kamay ko.

  "Ano po kasi--"

"And I don't accept excuses.You should be  resposible enough."dugtong nito.

  Oo nga pala.He's a typical strict businessman .Bossy.Authoritative.Domineering.No ifs no buts.In short, wala kang karapatang kumuntra o tumanggi.

  "Y-yes sir!"sabi ko na lang.

  "I haven't giving a command yet."Anito na parang naguguluhan sa reaksyon ko.

"Ah..yes sir.I mean, I won't be late next time."Sabi ko na lang.

"Such lame excuses.Alam mo bang marami ang nabibiktima sa salitang 'next time'.Why don't you just give your best as a first impression?Para hindi masira ang tiwala ng tao sayo."Walang emosyon nyang wika.

Napamaang ako sa tinuran nya.Ke aga-aga nagsisintir na.Masyado syang metikuluso.Napayuko ako.

  'Would I even last a day with this person?'

  "Get me a coffee.Black.No sugar."Kapagkuwan ay utos nito.Pag -angat ko ng tingin sa kanya ay may binabasa na syang folder.Nang hindi pa ako gumalaw ay muli syang nag-angat ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Do I need to repeat myself miss Alarcon?"Ngayon ay matiim na itong nakatitig.Hindi ko mabasa ang isip nya.Tila habang nagkakaharap kami ng matagal ay para akong hinahatulan.Ni hindi ako makapagsalita ng maayos.

  "Copy sir."Bigla kong sabi.

  "I said coffee."ulit nito.

"Yes sir.Copy."Muli kong sabi at nakitang syang nakakunot-noo.Ahh..bakit?Coffee sabi nya diba?So I said copy.

'Ahh.akala nya ba tinagalog ko ang 'coffee'?'Natatawa ako sa isip saka mabilis na lumabas.

  'Bopols namn ni 'sir'.Natawa na talaga ako sa naisip.Copy at kape?Hindi namn magkatunog ah!

~~~

  Abala ako sa pag-scan ng mga pipirmahang papelis ng boss ko ng bigla nya akong tinawag.Pagkalapit ko ay umuusok na ang ilong nito.

  'So, what mistake I have done again mister angry bird?'ngali-ngali kong itanong sa harap nya.

   "I thought you're good at encoding?"Anitong halata sa boses ang pinipigilang inis o galit.

  "I've never said --"

"Diba ikaw ang nag-iencode nung first day mo sa kompanya?"Putol nito sa sasabihin ko.

I remember that.Posible bang ngayon na nya pipirmahan ang mga yun at may nakitang mali.Hindi rin namn ako ang nag scan sa pagbabasa nun kundi si Beverly.

  "Yes s-sir."Nakayuko kung sagot dito. Napapikit ako ng marinig ang mahina nitong pagmura kapagkuway malalim na bumuntong-hininga.

  "These are very crucial miss Alarcon.Sa kamay mo ay dapat maayos na ang lahat bago makarating sa akin.Ngayon, iencode mo ulit yan ng walang mali at ipasa sa akin before lunch.Dahil kailangan ko yan sa meeting mamayang hapon.It's already 11:30 am and 1pm ang meeting with the board."Mahabang wika nito at ibinagsak sa mesa nya sa harapan ko ang folder bago nya pinihit patalikod ang swivel chair nito.May kung anu itong hinahanap sa drawer nito sa likod.

"Make haste now.Stop wasting time at baka di ka pa maka pananghalian mamaya."dugtong nito kaya naman nagmadali kong kinuha ang folder at pinasadahan ulit yun.

  'Grabe sya!Isang letra  lang ang namispelled ko.'Naiinis na sambit ko. Sa halip kasi na 'Chance' ang naitype ko ay 'Change' ang naroon.Ang talas ng mga mata nya grabe.

  ~~~~

  Kasalukuyan kaming nasa meeting ngayon at hindi ako magkandaugaga sa pagsusulat sa mga sinasabi nya.Pwede bang irecord na lang?

Nakakangalay ng mga daliri.Buti mabilis akong magsulat.Bwesit namn! Sa wakas ay natapos din ang meeting.

"Have you take down all the important details miss Alracon?"baling nya sa akin.Muntik na akong mapairap sa inis.

  'Lahat po na sinasabi nyo ay importante kaya walang nasayang na salita mula sa bibig nyo.'Sarkastikong sabat ko sa isip.Tumango ako.

"Hindi mo namn dapat isulat ang iba na sa tingin mo ay walang connect."anito at nagsimula ng maglakad palabas ng conference room.Nakasunod lang ako bitbit ang mga gamit.

"Lahat po na sinabi nyo ay connected sir."Tipid kong turan. Hindi na ito nagsalita pa sa halip ay binalingan ako.

  "You can eat your lunch now.It's already 3pm."anito at tinalikuran na ako

. 'Oo nga pala.Hindi ako nakapananghalian.Natapos ko kasi mag-encode ay 12 noon na.Kapag kumain pa ako sa canteen ay malilate ako sa meeting.Napapahid ako ng pawis sa relieve .

'Salamat namn.'

A/N: There goes the clash..mwehehe.Lakas ng loob makasagot sa boss.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now