Zarina POV
Nag-overtime kami ngayon ng dalawang oras.Alas diyes na kami natapos dahil may minamadali siyang proposal.Sa tuwing natataranta siya ay kinakabahan ako.Baka ako ang mapagbuntunan niya ng init ng ulo.
"Sir, pwede po bang mauna na akong umuwi?"paalam ko sa kanya.May binabasa pa siyang file sa computer niya.Nakasuot siya ng eyeglass.
'He look so hot wearing that eyeglass.'Naipilig ko ang ulo sa naisip.Eh sa totoong ang gwapo niya tingnan eh!
Kahit ang seryoso niya sa harap ng computer ay lalo lamang nakadagdag iyon sa karisma niya.
'The hot domineering boss'.Lihim akong napahagikhik.
"I'm done.Sabay na tayo."biglang sabi niya at kaagad pinatay ang computer.Naguluhan akong napasunod sa kanya ng magpatiuna pa siya sa paglalakad. Pagkalabas namin ng building ay hinarap niya ako.
"It's getting late.I'll drive you home."seryosong tanong niya at nagpunta sa parking para kunin ang sasakyan niya.Hindi man lang ako nakatanggi.
'Nakakahiya po.Akward pa naman.'
Habang nasa byahe ay tahimik kaming dalawa.Seryoso lamang syang nakatutok sa unahan habang nagmamaneho.
"Where do you live?"napalingon ako sa tanong niya.Hehe!
Ayokong malaman niya kung saan ako nakatira."Sa Mindanao avenue."maikli kong tugon.Sa isang apartment ako nakatira mag-isa.Nasa probinsya ang mga magulang ko ngayon.
"Ihinto mo lang diyan sa tabi.Lalakarin ko na lang papunta sa kanto.Malapit lang namn,"sabi ko ng mamataan ang kanto papunta sa amin.Huminto naman siya at binuksan ko na ang pinto ng kotse niya.
"S-salamat sa paghatid sir."Nahihiya kong sabi sa kanya.Bago ko pa man naisara ang pinto ng kotse niya ay tinawag niya ang pangalan ko.
"Zarina."
Marahan ko siyang nilingon.Bigla akong kinabahan.Nahihiya akong titigan siya dahil sa matiim niyang mga titig.pero pinilit ko ang sarili kong gawin yun."Gabi na sir.Don't worry I won't be late tommorow."Sabi ko at sinarado na ang pinto ng kotse niya.Diretso akong naglakad sa kanto at hindi na siya nilingon.
'At bakit niya ako tinawag sa pangalan ko?'Nagtataka kong tanong sa isip.
Nang makahiga ako ay nahirapan tuloy akong makatulog.Patay na.Mali-late ako nito bukas!
~~~~
Nag-alarm ako kaya nakapikit akong bumangon papuntang banyo.
'Oh no.My eyebags.'
Naglagay ako ng kaunting concealer.Buti may naiwan ang kaibigan kong si Genesis sa bahay nung pumunta ito para bisitahin ako.Mabuti na lang at hindi ako malilate dahil sa alarm.
Nakayuko pa rin ako habang papunta sa office ng boss ko.Medyo halata pa kasi ang eyebags ko.Grrr!Pagkapasok ko sa loob matapos kong kumatok ay wala akong nakitang gwapo esteh tao.
Malapit ng magseven. Two minutes na lang at ang boss ko na ang mali-late.Napangisi ako.Tardiness huh...Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Tiningnan ko ang relo ko at one minute na lang bago mag seven.Okay.
Muntik na siyang malate.Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako sa loob.Kapagkuway dumiretso na sa mesa niya.
"I'll make you a coffee sir.Black.No sugar."presenta ko at matamis na ngumiti.Napatingin siya sa akin at blangko akong tinitigan.
'At least di mainit ang ulo niya.'Tumalikod na ako kahit di pa siya sumang-ayon.
Pagkabalik ko sa opisina niya bitbit ang kape sa isang tasa ay may kausap siya sa cellphone niya.Mukha siyang nababanas at nangangalit ang panga.
"I'm busy today Shaina."dinig kong sabi niya.Napahinto ako ng marinig ang pangalang binanggit niya.
'Sinong Shaina yun?'Dahan-dahan akong lumapit at marahang inilagay ang kape sa harapan niya.Nakatagilid ang upuan niya sa gawi ko. Pagkakita sa kape niya ay humarap siya tangan ang cellphone sa kabilang tainga.
"Okay! Ikaw ang bahala.You might get bored."aniya sa kabilang linya at nakinig sa mga sinasabi nito.
"Hindi ka pa rin nagbabago.Ang kulit mo talaga.Okay! Just come over."aniya at tinapos na ang tawag.Kinuha na niya ang kape at sinimsim.Tumalikod na ako.
'Naging sila ba ni Shaina?'Tanong ko sa isip.Bakit bigla akong tumamlay.At plano pa niyang papuntahin sa opisina niya. Itinuon ko na lang ang isip sa trabaho.
Magtatanghalian na at hindi pa kami kumakain.Ang mesa ko ay nasa loob ng opisina ni Acer malapit sa pinto.
Maya-maya ay tinawag niya ako at tiningnan ang relo.
"Mag-order ka na lang ng pagkain natin sa labas.Good for two."utos niya at iniabot ang isang credit card.Nag-alangan akong tanggapin yun.
"Wala akong cash dito."aniya ng di ko tinanggap ang iniabot niya.Kinuha ko na lang yun at kaagad lumabas.
Pagkalabas ko ng elevator ay nabangga ako ng isang babaeng nagmamadali.Dahil may kasabayan ako sa elevator kaya hindi ko nakita ang mukha.Napahawak ako sa nasaktan kong braso.
"Hindi man lang nag sorry."inis kong sabi.Nilingon ko ang elevator para makita ang mukha ng babae at napatda ako.
Si Shaina na kilala ko nung college ang nakabangga sa akin.Busy ito sa pagkalikot sa bag nito.Napakaseksi nito sa suot na floral off-shoulder dress paired with red cigarette heel.Lumabas ang pagkaputi nito at nagmumukha itong barbie.
Bago sumara ang elevator ay nakita kong kinuha nito sa bag nito ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Yeah babe! I'm already here at Armandoe."dinig kong sabi nito kasabay ng pagsara ng pinto ng elevator.
Natulala ako.Parang may bikig sa lalamunan ko at nakakapanghina.Bakit ako naaapektuhan?
It's been three years.Pero bakit ganoon pa rin ang nararamdaman kong kirot?Sinadya kong tagalan sa pagbalik sa opisina.Baka pagdating dun ay kung ano ang maabutan ko.
Maya-maya ay naisipan ko ng bumalik.Isang oras din ako sa labas.Pagkadating sa fifth floor ay bantulot pa akong kumatok .
'What if madisturbo ko sila at magalit na naman siya?'Bahala na.Gutom na ako at hindi ko na kasalanan.Hindi na ako kumatok dahil may bitbit akong pagkain.
Pagkapasok ko ay nagulat ako sa nasaksihan at natuod sa kinatatayuan ko.Nanlalaki ang mga mata ni Zarina sa nakita.
Naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa ni Acer si Shaina habang nakayakap ang nga braso nito sa leeg ni Acer.
Sa nakikita ko ay masasabing may relasyon nga ang dalawa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso.Hindi ki kayang tingnan lang ang dalawa sa ganoong posisyon.

YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...