Chapter 20

40 4 0
                                    

Author's POV

Namataan siya ni Acer at kaagad itong tumayo.Hinila nito si Shaina palabas.

   "Hintayin mo ako."sabi pa nito bago binuksan ang pinto habang hawak sa kabilang kamay ang kamay ni Shaina.Nagulat naman si Shaina nang makita siya.

  "Oh, hi! Is that you Zarina?"Paninigurong tanong nito na may matamis na ngiti sa mga labi.

   'Plastic.'sa isip niya.
Ngumiti lang siya at tumango dito at kaagad naman itong nagpahila kay Acer.

  "Ano ba Ace!"Dinig niya pang sabi ni Shaina habang natatawa.

   'May relasyon nga sila.Ang tibay naman nilang dalawa.'wala sa sariling napaupo siya sa visitors chair ng table ni Acer.

  'Nagpapahintay siya.Dito ba siya kakain samantalang kasama niya ang girlfriend nya?'
Halos di niya masabi na girlfriend ni Acer si Shaina.

   'Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya.Nagtatago lang pala .'Malungkot na nakatingin siya sa kawalan.

   Thirty minutes lang ang inihintay ni Zarina saka naman bumukas ang pinto ng opisina ni Acer.Iniluwa dun ang binata na nakakunot-noo at nasa mukha ang pagkainis.

  "I'm sorry for making you wait.Kain na tayo."kapagkuwan ay sabi nito at biglang lumambot ang anyo ng mukha.Naguguluhang sumunod siya at inihanda ang nakabalot na pagkain.May seperate na lamesa sa dulong bahagi ng opisina nito para sa lunch.May sink din doon.

   "Hindi ako sanay kumain mag-isa kaya pasensya na kung pinaghintay kita," anito ng makaupo na sila.Tipid na ngumiti lang siya.

  "Akala ko sabay kayong kakain ni Shaina."tanong niya nang nagsimula na silang kumain.Medyo naiilang sya sa presensya nito dahil muli silang nagkaharap at magkalapit.

   Kunot-noo itong napatingin sa kanya at kagyat na tinitigan sya.Naiilang tuloy sya.

  "Sabay silang kakain ng boyfriend niya."anito at muling ibinalik ang atensyon sa pagkain.

   'Huh?Hindi ba si Acer ang boyfriend niti?Sino ang tinatawag nitong babe?'
Bagamat naguguluhan ay lihim syang nagdiwang sa nalaman.Pero bakit ang sweet nila?

'Mukha silang may affair,' naisip nya.

Nang sumapit ang break time ay inutusan siya ni Acer na ihatid ang mga bagong files na galing sa iba't ibang branches ng Armandoe Botique.Dadalhin niya iyon sa financing department sa 2nd floor.

Habang pasakay ng elevator ay bigla siyang may nakabangga.Nahulog ang mga dala niyang papers. Pinulot nya iyon at tinulungan namn sya ng nakabangga nya.

"I'm sorry! Hindi ko sinasadya."hinging paumanhin nya at ng mapulot lahat ay binalingan nya ito.Bahagya pa syang natigilan.

'Ang gwapo nya.'anang isip niya.Nakangiti ito sa kanya at ibinigay ang mga nahulog nyang papers.

  "It's okay.Baguhan ka lng dito?"tanong nito na matamis pa ring nakangiti.Napakaaliwalas ng mukha nito.Mukhang laging nakangiti.Tumango sya sa tanong nito.

"Alam ko namng gwapo ako.Naiilang ako sa titig ng magandang binibini na tulad mo."wika nito.Bahagya syang napangiti sa kahanginan nito.
Nagpaalam na rin sya dito at sumakay na ng elevator.

Pagkabalik sa opisina ni Acer ay nagulat pa sya nang mamataan dun ang lalaking nakabunggo kanina.

  "Hi there pretty lady!"Kaagad na bati nito sa kanya.Kunot-noo namang nagpalipat-lipat ang tingin ng boss nya sa kanilang dalawa ng lalaki.

  "Sya pala ang bago mong secretary Ace?"anito at magiliw syang tinitigan.

"Hello po!"Tipid nyang bati din dito.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now