Kabanata Dalawa.

14 0 0
                                    


                 
                        MARCO

NAPAMULAT ako sa aking mata ng maramdaman ko ang liwanag na nakatama sa aking mukha.
Isang magandang umaga na naman para saakin Ito. Bumangon ako at inayos ang higaan bago lumabas ng aking silid. Naabutan ko si Inay sa kusina na nagluluto ng agahan para sa'min dalawa.
Lumaki ako na hindi nakasama at nakita ang aking Itay hindi ko alam kung bakit pero sabi ni Inay ay pumunta siya ng maynila at hanggang ngayon hindi na bumalik Kaya gusto ko sana mag ipon para makapunta sa maynila at hanapin si Itay do'n.

"Magandang Umaga po Inay." Bati ko sa kanya hindi niya ako napansin dahil naka talikod siya sa'kin pero ngayon nakaharap na at naka ngiti sa'kin.

"Gising kana pala anak, Magandang Umaga din sayo, halika mag agahan na tayo." Pinaupo niya ako sa upuan sa harap ng hindi kalakihang misa, pero ayos na rin dahil sa mga masasarap na pagkain ang nakahain.
"Maayos naman ba ang tulog mo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya bahagya naman akong  tumango at ngumiti.

"Oo nay kasi napanaginipan ko si Itay, tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko maaninag ang mukha niya, pero Sabi niya sakin, magpakatatag ako at ingatan daw po kita, tingin mo nay ano--nay ayos lang po ba kayo? Bakit kayo imiiyak?" Nabahala Kong tanong at tumayo ako at nilapitan siya, agad naman niya pinunasan ang luha kanina lang tumulo.

" A-ahh Wala lamang Ito anak, masaya lang ako, kumain kana uli baka mahuli ka pa sa klase mo." Nag aalala ako kasi bigla siya umiyak. Dahil ba sa sinabi ko?.

" Sigurado po ba kayo Inay?" Tumango naman siya at ngumiti.
Bumalik ako sa pagkakaupo at kumain na ulit.

"Inay alis na po ako." Nakita ko siya sa may garden sa maliit na kubo habang nakaupo, siguro gumagawa na naman siya ng halamang gamot. Tumayo siya at may hinugot sa maliit niyang pitaka.

"Anak baon mo." Agad naman ako umiling at hindi tinanggap ang pera.

" Nay, ayos lang po ako, 'wag niyo na 'ko masyado isipin, ang kalusugan niyo po baka pinapabayaan niyo." Sabay tingin sa kagagawa niya lang ng halamang gamot. Sabagay wala naman akong nakitang problema sa kalusugan ni Inay dahil ang lakas lakas niya pa nakaya niya nga ako buhayin mag Isa ng wala ang tulong ni Itay pero kahit ganon hindi naman ako galit.

"Ikaw talagang bata ka! Ang swerte ko talaga sayo."   Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalik halikan niya Ito kaya napangiti ako. "Ikaw lang ang tanging kayamanan na meron ako Kaya ayuko mapahamak ka." Ngumiti siya at tiningnan ang kanyang gawang halamang gamot.
"Kailangan ko makagawa ng limampung bote ng halamang gamot ngayong araw para sa nagkakasakit." Sabi niya. Hindi naman talaga binibinta ni Inay ang mga gamot na nagagawa niya, may mga tao lang talaga na binibigya siya kahit kunti man lang para sa kabutihang pinapakita niya. Imbis sa ospital sila didiritso sa gamot lang ni Inay sila umaasa at naniniwala para kasi daw mag magic dahil mabilis sila gumagaling pero si Inay napapangiti lang dahil sa kuminto ng mga tao.
Ang bait ng Inay ko noh? Kaya Mahal kami ng mga tao dito eh.

Nagpaalam na ako Kay Inay dahil malayo layo pa ang lalakarin ko papuntang skwelahan, napatingin ako sa kabuohan ng bahay namin. Hindi po siya kalakihan para lang po siyang kubo na may mga tanim na gulay at halamang gamot sa gilid nito tapos may munting kubo naman na pweding tambayan at silungan.
Kahit ganito ang pamumuhay namin kuntinto na ako makasama ko lang mga magulang ko.

Marco And His Destined. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon