Chapter Eleven

992 19 0
                                    

Calli Ferrer



Hindi ako pumasok sa coffee shop ngayong araw. Nilalagnat ang kapatid ko at ako ang nag-aalaga. Hindi kasi pwedeng umabsent si Mama sa flower shop.

Katatapos ko lang maglinis ng bahay dahil tulog pa ang mga kapatid ko.Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa sofa ay may kumatok sa pinto kaya tumayo ako para pagbuksan ito.

Hindi ako makapaniwala na si Lauren ang nasa labas.

"Mi-Ms.L? Pasok po kayo."

Nag-aalangan itong ngumiti bago iabot ang isang supot ng plastic.

"I heard that your sister had fever so I bought that."

"Pano mo naman nalaman na may sakit ang kapatid ko?"

"Pumunta ako sa coffee shop kasi magpapasama sana ako sayo sa Batangas kaso absent ka kaya dumiretso na ako dito."

"Pasensya na ha. Nilagnat kasi si Che-che eh.Pero pwede naman kitang samahan
mamayang tanghali kapag nandito na si Mama."

Ngumiti ito kaya hinawakan ko ang dibdib ko dahil nararamdaman ko nanaman ang kakaibang tibok nito.

Totoo nga talaga ang sinasabi ng kasamahan ko sa trabaho na si Erika na kapag nginitian ka ni Lauren ay wala kang ibang mararamdaman kundi ang kilig at biglaang pag-bilis ng tibok ng puso.

Naputol ang pag-iisip ko ng humiyaw si Celine. Pababa ito ng hagdan na parang hinahabol ng multo.

"Hi Ate Lauren. Mabuti naman po at dumalaw kayo." saad nito.

Kahit hinahapo ay nagawa parin nitong makipag-kwentuhan kay Lauren. Tsk! Sinisilaban nanaman siguro ang pwet nito.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang lantarang pag-papantasya nito kay Lauren.

"Hi Ate Calli!" bungad ng kaibigan ni Celine.

"Oh Louise, nandyan ka pala. Halika pumasok ka."

Biglang lumapit si Celine at niyaya si Louise sa taas kaya naiwan kami ni Lauren sa salas.

"Gusto mo bang manood muna ng movie?" tanong ko para sana maibsan ang pagiging tahimik nito.

Tumango lang ito pero.

"Anong gusto mong panoorin? Mahilig kaba sa Romance? Comedy o sa horror?" tanong ko habang pumipili ng mga dvd's.

Hindi ito sumasagot kaya lumingon ako sa inuupuan nito. Tsk! Kanina pa ako nagsasalita pero wala na pala ito doon. Sumilip ako sa bintana at nakita ko syang nakasandal sa sasakyan habang may kausap sa cellphone.

Nagmamadali akong bumalik sa sala dahil pabalik na ulit ito sa loob.

"Calli I have to go." saad nito. Nasa mukha nito ang pagkabalisa at lungkot.

Masaya naman ito nung dumating kanina, baka may problema.

"Ah! Sige Ms.L!"

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang pagharurot ng sasakyan nito.

Pinpanhik ko ang  itaas ng marinig ko ang malakas na kalabog mula sa kwarto namin. Pinihit ko ang door knob pero sarado naka-lock ito.

"Celine anong nangyari dyan?" sigaw ko.

"Wala ate. Ma-may nahulog lang."

Hindi ko na binigyan pa ng pansin.

***

Naihilamos ko ang palad ko ng maramdaman kong may sumusundot sa tagiliran ko. "Ano ba! Natutulog yung tao eh."

"Ate! Kanina pa naghihintay sa labas si Ate Lauren."

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon