Bond
Sabay-sabay kaming naghapunan kinagabihan at mabuti na lang ay nakalimutan na ni mommy ang tungkol sa sinabi ko. Nang matapos kumain ay umakyat na ako ulit sa kuwarto para tapusin ang home task na ibinigay ng prof namin.
Hindi ko pa nakakausap si daddy tungkol sa sinabi niya kanina. Gusto ko siyang kumbinsihin pa pero baka tuluyan lang siyang magalit sa akin.
Buong araw tuloy akong nakabusangot sa school kinabukasan. Hindi ko kasi alam kung papayag pa ba siya o hindi na. Ibang klase pa naman magtampo iyong si dad.
Papunta na ako sa parking lot nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Tita Amely. Agad kong tinungo iyon at bumaba naman si tita.
"Tita, bakit po kayo nandito?" tanong ko nang makalapit sa kaniya. She smiled at me revealing her perfect set of teeth.
"I am fetching you. Pupuntahan natin ang kompanyang pagtatrabahuan mo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Pero hindi pa po pumapayag si dad. Baka magalit siya," sabi ko.
She smiled and gently pushed me inside her car. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok. Pinagmasdan ko siyang pumasok mula sa driver seat. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nag-umpisang magmaneho.
"Nakausap ko na ang dad mo at inalog ko nang kaunti ang isip niya kaya pumayag na siya."
I looked at her with wide eyes. I can't help but to squeal in excitement and happiness. Muntik ko pang maalog ang braso niya pero na-realize kong nagmamaneho nga pala siya.
"Really? Oh my gosh! Salamat talaga tita. Mabuti na lang at ikaw ang tita ko."
"Aba, magiging ganiyan ka ba kaganda kung hindi mo ako tita?" biro niya at sabay kaming natawa.
Tita Amely is a cheerful person. I wonder why she still doesn't have a boyfriend. Kaya siguro ako ang pinagtutuunan niya ng pansin ay dahil wala pa siyang anak. Siguro sobrang mahal niya ang trabaho niya kaya ayaw niya pang magpamilya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa company na sinasabi niya. It was a high rise building with a word 'scarlett' on top front. My mouth formed an 'o' shape when I realized something.
"OMG! I knew this brand. Scarlett clothing brand is one of the best sellers company here in the Philippines," I muttered with so much excitement.
Ngumiti si Tita sa akin at iginiya na ako papasok. Dirediretso kami sa elevator at hindi ko mapigilang kabahan.
I looked at myself in the reflection. Thank God I chose to wear a dress today. Naisipan ko ring magsuot ng heels although matangkad naman na ako. Hindi naman kasi ako na-inform na pupunta kami rito ngayon.
Ang bilis ng mood changes ko grabe. Parang kanina lang malungkot ako tapos ngayon naman hindi ako maawat sa kangingiti.
Pagkalabas ng elevator ay bumungad sa amin ang buong palapag na mayroong nakalatag na carpet. May mga portraits ng mga ambassadors nila na naka-display sa bawat pader.
How I wish I could be one of them.
"Good afternoon, Mr. Lacuesta," Tita Amely greeted the man inside the office.
Humarap ito sa amin at ngumiti. Hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip. Kaharap ko na ang may-ari ng isang clothing brand dito sa Pilipinas. This is already a dream come true.
"Nice to see you again, Miss Amely. I guess, siya ang tinutukoy mong pamangkin?" he asked while looking at me.
"Yes. This is my niece, Amarantha Gail San Diego," Tita said then she gestured to me.
BINABASA MO ANG
Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓
RomansAmarantha San Diego wants to become a professional model that's why she does not want any distraction in her life. But when she meets Jordan Emerson, an actor who's hiding something from the media, she will do her best to ignore him for the sake of...