Prologue

95 30 3
                                    

Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and actual incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead and actual events is purely coincidental.
Grammatical and spelling errors ahead.
Plagiarism is a crime and punishable by the law.


     Hindi ko mapigilang lumingon pabalik sa kahariang lilinasin ko, parang kahapon lang napakulay pa ng kahariang colixues, malayang nag liliparan at nag lalakad ang iba't ibang uri ng engkanto Mula sa mga diwata Hanggang sa mga maliit na fairies at dwende.

Pero Ngayon, tila ba'y nag babagang apoy na ang buong kahariang, rinig na rinig mo ang sigaw ng mga colitians sa bawa't sulok ng bayan.

Napatitig ako sa Bata na nasa bisig ko
"prinsesa, ako'y umaasa na balang araw, matapos kita dalhin sa kabilang Mundo ay babalik at babalik ka pa rin dito saating Mundo. Ako ay patawarin ninyo"
        

---------------
"Maestra, ang Reyna at prinsesa. Kailangan ka namin"

Napatigil ako sa pag lilikas ng mga itinatagong libro ng aming kaharian ng makasagap ng mensahe Mula sa hangin, galing ito Kay Luna, ang isa sa Kasama Kong limang huling mga maestra at maestro.

Ngayong asa digmaan kami, napakahalaga ng mga libro na ito saaming lahi. Hindi maaring maging abo ang lahat ng pinaghirapan ng bawa't henerasyon ng coltians wizard. Subalit, mukhang mas kailangan ako ni Luna.

Tinitigan ko ang tatlong mag-aaral na Kasama ko ngayon. Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay si Edward, ang anak ng yumaong punong guro.

Hindi kalaunan, napatitig din Silang tatlo sakin. Alam na nilang may gusto akong Sabihin.

"Edward, ikaw ang nangunguna sa klase maraming taon na ang nakakaraan. Ngayon ay dapat gamitin mo na ang lahat ng natutunan mo saaking leksyon. Tanda mo, Hindi nila maaring makuha ang mga libro na ito"

Tinunguan nila akong tatlo. Bago ako gumamit ng mahika upang mag laho, binigyan ko muna sila ng matamis na ngiti.

'mag iingat kayo, mukhang ito na ang huling oras na masisilayan ko kayo' nasambit ko saking isipan Bago tuluyang mag laho at mapunta sa royal tower kung saan naroroon si Luna.

Halos lumuwa ang mata ko sa nasaksihan, ang mahay na Reyna. Walang Malay m-matapos, mag Silang ng sanggol.

"Ang propesiya....
'sa gitna ng baha ng apoy, may bituwin na sisibol. Sa pagbagsak ng kaharian, may nakatadhanang bumalik upang isaayos ito' "

"Luna, ang prinsesa. S-sya ang.. itinakda"

Kitang kita ko kung pano bumalatay ang sakit sa kulay berdeng mata ng aking kaibigan, mukhang nakaraan nya pa ito napaghinuna subalit Ngayon lang napagtanto na tama sya.

"Siera, ilayo mo sya rito. Pag nalaman ng kalaban na ang mismong prinsesa ang itinakda, hindi sila mag dadalawang isip na kitilin ang Buhay ng sanggol na ito"

Isang tingin pa lang, alam ko na kung saan ang tinutukoy nito. Ang Mundo kung saan naninirahan ang mga mortal, ang Mundo ng mga tao....
---------------------

       Nahinto ako sa pagbabalik tanaw ng maabot ko na ang bakuna ng harmlock wood. Ito na lang ata ang parte ng kaharian nila na nananatiling ligtas at may kulay Ngayon, napprotektahan ito ng Isang barrier na ginawa ng napakadaming nagdaang wizard.

  "Ñe yos mîreyòs ile maestra siera, losyãire harmwood crieyas grisyé! Ĺeakio õeyas QÕELÎĄ. BUKSAN ANG LAGUSAN!" Pigil hininga kong sambit sa orasyon upang mabuksan ang barrier, nag simula na syang maglakad papasok kasabay ng unti unting pag Sara ng lagusan.
    

Nang makarating sa pinakamayabong puno sa gubat, agad Kong kinumpas ang kamay ko upang Makita ang sikretong lagusan. Pikit mata akong tumalon sa portal habang hawak Hawak ang prinsesa.

      Pagmulat ng kanyang mga mata, agad bumungad sakanya ang isang Lugar na may nag lalakihang mga kabahayan. Ngayon ay nakatayo sya sa Isang napakalaking bahay.

"Felenciano" pagbasa nya

    "Prinsesa, mukhang ito ang itinakda ni Tadhana para Sayo. Wag Kang mag alala, ramdam ko ang magaan na enerhiya sa tahanan na  ito." Agad akong nag palabas ng Isang basket gamit ang aking mahika, inilagay ko roon ang prinsesa.

"Ang burda sa telang suot mo at ang kwintas na ito, ito ang palatandaan na ikaw ang hinahanap nila balang araw" huling sambit nya Bago hagkan ang Bata at kumatok ng tatlong ulit sa tahanan na kinatatayuan.

Someone's pov:

Nahinto ang mag Asawang nakaupo sa sofa na nonood ng penikula sa biglaang pag katok sa labas ng bahay nila.

"Really, sa dis oras ng Gabi may kakatok pa?" Nag tatakang Sabi ng babae

"Hon, ako na ang titingin" Saad ng lalaki at agad na tumayo, sinundan naman sya ng Asawa.

Dahan dahang binuksan ng lalaki ng pintuan "Anong kaila-" naudlot ang kanyang sasabihin dahil sa naksihan.

Isang sanggol na mukhang kakapanganak pa lamang.

Agad nilapitan ng babae ang sanggol

"Axizenea Azireindia" pagbasa nito sa burda ng tela
_________________

A/N: Hello everyone! Year 2020 when i started to made my first story but unfortunately hindi ko ito natapos and now year 2024, naisipan ko ulit buhayin ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The colixues kingdom: The long lost powerful princess is pretending nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon