Chapter 1

15 1 0
                                    

Mikaela's Pov

"Hoy!! Elang gumising ka na diyan! Yung upa ng bahay bayaran mo na!," bulyaw ni Aling Tekla habang katok nang katok sa aking pintuan.

Nagiging alarm clock ko na sa umaga tong landlady namin. Araw-arawin ka ba naman sa paniningil. Walangjowa naman talaga oh! Literal na literal. Aish!

"Oo nandiyan na po," sagot ko. Napakamot nalang ako sa batok.

"Nasaan na?," bungad niya pagkabukas na pagkabukas ko palang sa pinto. Nakalahad pa ang palad.

"Ah eh Aling Tekla di ba kasasabi ko lang kahapon na hindi pa ako nakahanap ng trabaho."

"Baka namin kasi may nahiraman ka. Tsaka tatlong buwan na yung upa mo. Hindi pwedeng hindi kita sisingilin araw-araw kundi mapipilitan kitang paalisin rito."

"Wag naman Aling Tekla alam niyo naman may pandemic ngayon tsaka wala po akong ibang mapupuntahan. Gagawa nalang po ako ng paraan," pagpapaintindi ko sa kanya kahit siya hindi marunong umintindi.

"Siguraduhin mo lang. Babalik ako dito bukas," sabay alis niya.

"Ok po salamat," at nginitian ko siya ng hilaw na ngiti.

Hayyy! Makatulog na nga uli. Naudlot tuloy yung maganda kong panaginip.

Nang may biglang tumawag....

Kapatid ko pala ang tumawag. Nasa probinsiya ang pamilya ko at sinusuportahan ko sila. Buwan buwan ko silang pinapadalhan ng pera kaso natigil na ngalang ngayon dahil sa covid nato.

[ O ano? ]

[ Ate nagkasweldo ka na ba raw sabi ni mama. ]

Sana all may sweldo kahit walang trabaho.

[ Wala pa nga eh. Sabihin mo kay mama kunting tiis lang muna ha. Hindi lang tayo ang naghihirap ngayon buong mundo. ]

[ Sige ate sasabihin ko kay mama. Babush!! ]

[ Teka muna....]

Walangjowa pinatayan na ko.

Imbes na matulog ulit ay nagplano nalang akong lumabas. Malay natin mamaya makaapak pa ako ng tae este makapulot pala ng pera sa daan eh di jackpot yun pag nagkataon.

Nakaayos na ako, siyempre with face mask and face shield. Mahirap na baka dumoble pa problema ko kapag nahuli ako.
_________________

"Covid pass mo?," harang sa akin ng barangay tanod dito sa amin. Iniabot ko naman sa kanya.

"Di ba alam mo namang bawal lumabas!," sita niya.

"Bibili lang po ako ng bigas, wala na po kasi akong makain," palusot ko. Pero ang totoo ni singkong duling wala talaga ako. One day one eat na nga ginagawa ko. Malamang nag-suicide na mga bulate ko sa tiyan sa sobrang gutom.

"Sige bilisan mo!"

________________

Third Person's Pov

Bumuntong hininga si Mikaela.

"Kailan pa kaya matatapos ang pandemic nato. Sa totoo lang dami na nitong na-perwisyo," usap ni Mikaela sa sarili habang naglalakad nang walang patutunguhan.

Sa sobrang stress ay hindi na nito namalayan na nag-stop light na pala. Salita nang salita pa rin ito ng mag-isa. Kahit nagmumukha na itong tanga.

"Paano na ako nito siguradong babalik na naman si Aling Tekla bukas para singilin ako. Kahit wala akong pakialam sa mga kapitbahay kong mga tsismosa pero marunong din naman akong mahiya. Paano ko ba tatakasan ang landlady na yun? Kung pwede lang sanang mamatay nalang muna saglit," napatawa siya sa kanyang naiisip. "May ganun? Baliw na talaga ako."

At yun nga sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay tumawid pa rin ito kahit naka-stop light na at hindi napansin ang rumaragasang sasakyan na palapit sa kanya.

Hanggang sa....

"Aaaahhhh!!!!"

___________________

10/2/2020 Thanks!

Tragedy Leads to Love (Time Travel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon