Chapter 41

1.4K 52 87
                                    


Cherry pov.



"Kung inaakala mo mapapaniwala mo ako sa mga sinasabi mo pwes, hindi ka magtatagumpay" ngisi pa nyang sabi



habang nakatutok pa din ang kamay nyang may baril sa ulo ng anak ko.



Pero kanina pa ako nagpipigil ng galit. gustong gusto ko pagbabarilin silang lahat. pero mas maganda kung pahihirapan ko muna sila kagaya ng ginawa nila sakin at sa anak ko. tingnan talaga natin kung makangisi ka pa sa gagawin ko sa anak mo.




"Hindi ko sinabing magtiwala ka dahil in the first place wala ka naman talaga tiwala sakin, feeling mo inagaw ko sayo si George. Feeling mo tinakwil kitang kaibigan. Feeling mo trinaydor kita at Feeling mo pinatay ng tatay ko ang magulang mo, tama na pag fe-feeling cherry  hindi mo ikakalakas yan" seryoso kong sabi sa kanya.




nakita ko naman si yuki na tumatawa ng palihim. kakaiba din talaga tong anak ko, isang baril lang sa kanya pwede na syang mamatay pero nakikinig pa sya samin na akala mo nag kwekwento kame ng story teller.



napakalmado nya para sa isang tao may nakatutok na baril sa ulo. hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng anak ko, pero magtitiwala ako. alam ko naman kayang kaya nya makatakas sa kanila pero ang pinagtataka ko bakit wala syang ginagawa.



Nakita ko na may isang gangster na dinudukduk ng baril si yuki bandang likod.



kaya napakunot ako at kumuha ng baril at binaril ang lalake na nasa likod ni yuki agad agad naman sya tumumba.



nagulat pa sila maycee sa ginawa ko. pero ano naman magagawa ko dun ayoko makita sinasaktan anak ko -.-




Ngumisi naman ako sa kanila na akala mo walang nangyare. Nakita ko ang ugat sa noo ni maycee na katunayan na nagagalit na sya sa ginawa ko.



"Wala ka talagang takot Cherry!!!" halos mapatid na ang ugat sa leeg nya sa sigaw nya sakin "Lumabas na kayo" sigaw pa din nya.



Maya maya lang maraming lumabas na gangster sa likod nila. nagulat pa ako ng makita ko na halos lahat ng pasilyo may lumalabas na gangster.



"Shit!! pinapalibutan tayo" narinig kong bulong ni george.



Unti unti kame nagdikit dikit habang ang mga gangster nakapalibot samin.




"Tsk. eto na yung malupit mong plano?!" nagulat ako ng magsalita si yuki kaya halos lahat kame napatingin sa kanya.




Nakita ko na umupo sya sa lapag at nag indian sit.




"Napapagod na kase ako eh" sabi nya habang ang dalawang kamay nya nasa batok at tinitingnan ang mga gangster. 



"Mag relax ka lang! dahil eto na ang huling pag re-relax mo" nakangisi ng isang babae na pangalan ay karen.



"Mag relax ka din. baka kase yun na din huling relax na gagawin mo ikaw din" presenteng sabi din ni yuki



Napapakunot talaga ako ng noo kung ano ang plano nya!  pag kame talaga nakatakas dito pagagalitan ko yan si yuki!!!!!>.<



Maya maya lang may iilang gangster na sumusugod na samin. Nagumpisa na din magsilaban ang black gang pati na din ang mga anak ko. Nakakatangina talagang mga mafia at gangster na yun nasaan na ba sila!!




Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon