Chapter 1
Agad akong napabangon nang sunod sunod na sigaw at katok ni Mama ang narinig ko.
"Eliana! Nandito na ang mga kaibigan mo habang ikaw ay tulog mantika pa rin!" sigaw ni Mama.
"Maliligo na po!" nagmmadaling sigaw ko at agad na nagtatatakbo papunta ng banyo.
Pagtapos maligo ay agad kong kinuha ang uniporme ko at agad iyon na isinuot. Kinuha ko na rin ang mga gamit at I.D ko na nakasabit pa sa may itaas ng aparador ko. Nagsapatos na ako at hindi na naiayos ng tama ang medyas na suot dahil sa sobrang pagmamadali.
"Sa wakas gising na prinsesa," pang aasar ni Vien sa akin kaya nang tuluyan akong makalapit ay kinurot ko siya.
"Tara na nga," yaya ko sa kanila.
"Nagsikain na ba kayo? At ikaw bata ka maaga ka natulog kagabi kaya hindi ba kumakalam 'yang sikmura mo?"
"Marami po akong kinain kagabi, Ma," palusot ko dahil alam ko na malelate kami kapag kumain pa kami ng umagahan.
"Tigil tigilan mo 'kong bata ka," galit pa rin na sabi niya kaya agad kong tiningnan si Vien at kinausap sa pamamagitan ng mga mata pero ang bruha ay nagpapanggap lamang na walang nakikita kaya nang tumalikod si Mama ay kinalabit ko si Louie.
"Back-up," bulong ko sa kanya at agad naman niya iyon na nakuha.
"Tita, sa labas nalang po kami kakain para hindi ka na rin po maabala para magluto,"
"Napapadalas ang pagkain niyo sa labas, aba, eh, mas masustansya pa nga ang mga gulay na inihahanda ko,"
"Last na 'to Tita, promise." pagpapacute ni Louie kay Mama kaya wala na itong nagawa kundi ang payagan na kami na umalis.
"Huy! Manlilibre ka?" biglang tanong ni Vien kay Louie habang papalabas kami ng bahay.
"Luh sino may sabi?" takang tanong ni Louie kaya agad ay sumigaw si Vien na pagkalakas lakas.
"Tita! Inuto lang po kayo nila Louie hindi naman daw po talaga kami kaka–" bago pa niya tuluyang masabi ang panghuli ay agad ko ng tinakpan ang bibig niya.
"Umayos ka, sasapakin talaga kita," bulong ko habang akay akay siya papalapit sa sasakyan.
Nang makapasok na kami sa sasakyan ay doon ko lamang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Ang hirap pag may kaibigan kang manlalaglag sa'yo.
"Ano?!" hamon ko sa kanya ng makita na galit na galit ang tingin niya sa akin.
"Eto naman aga aga galit agad," paglalambing niya sakin at agad akong niyakap kaya naman nang makayakap na siya sa akin ay hinila ko ang buhok niya sa may bandang likuran.
"Masakit na, ah!" reklamo niya.
"Share mo lang?" walang ganang tanong ko.
As usual, maingay nanaman ang naging biyahe namin papunta ng eskwelahan dahil sa kadaldalan nito ni Vien.
"Tapos alam niyo ba ang sweet niya binigyan niya 'ko ng bulaklak at ng tsokolate," kilig na kilig na sabi niya at sa mga oras na 'to hindi ko sinira ng moment niya dahil kitang kita ko sa mga mata niya na masayang masaya talaga siya.
"Sweet na sa'yo yon? Ako nga pinagsisibak ko pa ng kahoy si Alessa, eh," mayabang na sabi ni Louie habang ang mga mata ay nasa daan.
"Sino niloko mo? Ni hindi ka nga siguro marunong magluto ng pancit canton,"
"Luh ano connect?"
"Wala, bakit kailangan ba sa lahat ng sasabihin mo konektado sa sasabihin ko?" sabay irap niya at masasabi ko na si Vien ang nanalo sa asaran nilang dalawa.
YOU ARE READING
Falling like the stars
RomanceIsa akong simpleng babae na mayroon na dalawang kaibigan. Masaya ako na kasama sila, ewan ko lang sila. Marami nang sumubok na mangutya sa akin pero hindi ako nagpadala dahil bukos sa sarili ko mayroon akong mga tao sa paligid ko na mas kilala kung...