Chapter 21

37 2 0
                                    

    Acer POV

    Hindi ko mapigilan ang sarili ko kanina kaya naman lumapit na ako at hinalikan siya.

   Nakakatawa dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niya sa akin.Ang sarap niya talagang halikan.

   Napasalat ako sa aking labi.Buong lakas kung inipon ang pagpipigil para lang hindi ako mawala sa sarili.Palagay ko'y ganun din siya.Ni hindi niya ako pinigilan.  

  Napapitlag ako ng maramdaman ang vibration sa phone ko na nakasuksok sa pantalon.Pasakay na ako sa kotse dahil pinauna ko na si Zarina.Kunot-noo kong tiningnan iyon at napilitang sagutin iyon ng makitang si Margaux ang caller.  

  "Yes?"walang gana kong bungad. 

   *How sweet of you,* sarkastikong sagot nito sa kabilang linya.

   "Thanks! What is it?"hindi nagbago ang paraan ng pakikipag-usap ko.Disturbo naman to.

    *I'll be in the country this week.I miss you so much Ace.Sunduin mo ako ah!*paglalambing nito.Wala naman akong nagawa kaya sumang- ayon na lang.  

  *Tawagan na lang kita kapag nasa airport na ako,*anito at pumayag na ako.Tinatamad akong kausapin siya.Masyado siyang clingy.Nakakairita.  

  Kinabukasan ay napangiti ako ng maabutan uli si Zarina na nauna sa akin.Hindi na nga siya nali-late at minsan magkakasunod pa kami sa pagpasok.Gusto ko siyang makasabay sa elevator ng kami lang. Binati ko siya at gumanti namn siya ng hindi nakatingin sa akin.Pinagmasdan ko muna siya.She looked tensed. 

  "Are you okay?"Nag-aalala kong tanong sa kanya.

   "Okay naman sir."tipid niya akong nginitian.Palagay ko iniiwasan niya ako.Dahil ba sa nangyari kagabi?  

"Zarina."Masuyo kong tawag sa kanya.Napalingon siya sa akin sa nagtatanong na mga mata. 

'Damn! Ang manhid mo naman,'sabi ko sa isip.

   "Kung masama ang pakiramdam mo magsabi ka lang.Baka magkamali ka na naman sa mga ginagawa mo."
Ano ba naman.Bakit yun ang naisatinig ko? 

  Tumango siya at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.Nafu-frustrate na ako.Gusto kong magkausap kami.  

"Zarina."muli kong tawag sa kanya.This time ay bigla siyang tumayo at naglakad palapit sa akin.Medyo nabigla ako sa ginawa niya.Seryoso ang mukha niya.

   "Ano po ba ang kailangan sir?"diniinan nito ang salitang iyon kaya bahagya akong napatawa.

  "I told you not to call me that when only --" 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?Trying to have a romance with me?"Prangka nitong tanong sa seryosong tinig.Saglit akong natigilan kapagkuwan ay napangiti.

   "You're briliant.What if I said yes?"Nakahalukipkip ko siyang tinitigan.Naaaliw ako sa pagbabago ng reaksyon sa mukha niya.Ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin siya sa akin .

  "Di porket ikaw ang boss ay lalabagin mo ang ipinagbabawal ng kompanya?" Aniya.

Nginisihan ko siya.Nakakatuwa siyang tingnan ngayon.Hay Zarina! My cute duck...

  "So what?Ako ang boss dito.At ako lang ang gumawa ng batas na yan.Hindi nga yan naisulat sa Rules and Regulations ng company.Those are for the responsible employees.At dahil employee din ako ng kompanya namin at responsable, walang sino man ang pwedeng questionin ako.

"Baliwala kong turan sa kanya.Nanahimik naman siya at parang nagpipigil ng inis.  

"Then stop it."untag niya.Muli akong napatingin sa kanya. 

  "What if I don't."sabi ko sa kanya at tumayo.Nilapitan ko siya na nananatiling nakatayo.Hinapit ko siya bigla sa bewang at marahang hinaplos ang malambot niyang pisnge.

Napakalambot ng katawan niya.Napapikit siya sa ginawa ko kaya pilyo akong napangiti.

  'You can't resist me I know.'sa isip ko.We still have mutual feelings and I can feel it. Inilapit ko ang bibig sa tenga niya.Naramdaman ko ang pagsinghap niya.

   'You're driving me crazy baby.'Parang gusto ko tuloy ulit siyang halikan. 

  "We have unfinished business Zarina.Don't you suppose?"pagkasabi nun ay binitawan ko siya na nakatulala at itinuon ko na ang atensyon sa mga pipirmahang proposal.

   Zarina POV

   Muli na akong bumalik sa mesa ko matapos marinig ang sinabi niya.

   'At anong unfinished business yun?'muli ko syang nilingon at ng makita na nakatingin siya habang nakangisi ay sinamaan ko siya ng tingin.

   "Ganyan ka ba makitungo sa boss mo?"ngingiti-ngiting sabi niya sa akin. 

  "Sorry po."sarkastiko kong sabi at napairap sa kawalan. 

'Bwesit sya!Pinaglalaruan niya ako.Baka inakala niyang gusto ko ang paghalik niya.'

'Di nga ba?'Oh heck!Nakakainis talaga.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now