Chapter 22

41 3 0
                                    

   Zarina POV 

    Araw na naman ng lunes at napaka busy ng lahat.Ganyan naman talaga kahit saang kompanya basta monday ay abala talaga ang lahat. 

   Nagmadali ako para makahabol sa elevator bago pa ito magsara.
Nang makasakay na ako ay may isa pang humabol kaya naman siksikan na sobra.Muntik ng mag -overload.

  Nang tingnan ko ang taong humabol ay nagulat pa ako.

"Good morning sir!"halos sabay-sabay na bati ng mga tao sa loob.

   "Good morning!" ganting bati niya sa maawtoridad na tono.Sobrang lapit talaga naming dalawa dahil puno sa elevator kaya amoy na amoy ko siya.Napakabango niya!

Pinikit ko pa ang mga mata ko at ng biglang huminto ang elevator sa second floor ay napasubsob ako sa kanya.

   "S-sorry sir."sabi ko na nahihiya.Para akong timang.Lumabas naman lahat ng tao dun at kami na lang ang natira na dalawa.

    Pagkasara ng elevator ay bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko maintindihan kung bakit parang hinahalukay ang tiyan ko sa nadarama.Humarap siya sa gawi ko at matiim na nakatitig.Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang titigan.Nakakahiya.Nakakaasiwa.

   Nang malapit na sa fifth floor ay humakbang siya palapit sa akin.Nataranta ako bigla. 

  'Anong gagawin niya?'mas tumindi pa ang kaba ko.

"Tumabi siya sakin kaya naman nagkadikit ang mga braso namin.Naka-corporate attire naman ako kaya hindi direkta sa balat ko pero ramdam ko pa rin ang mainit na sensasyong gumapang sa buo kong katawan.Para akong lumulutang.

    "How's your weekend?"tanong niya at nilingon ko siya.Nakatitig ako ngayon sa berde niyang mga mata.Ang sarap titigan.Ang ganda.Lalo siyang gumwapo sa paningin ko .

   "Mabuti naman."tipid kong sagot.Pakiramdam ko naiipit ang boses ko.Nai-intimidate at nako-conscious ako sa kanya and I don't like it.Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

   Nang bumukas ang elevator ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.Akala ko matutulad sa mga eksena sa pelikula ang mangyayari sa amin kanina.Yun bang maghahalikan sa loob ng elevator.

  'Tanga!Akala mo naman gagawin niya yun.Sino ka ba sa kanya?'
Aww! Sakit naman...

Pagkadating sa office niya ay kaagad ako nagtimpla ng kape niya.Pagkatapos ay hinatid ko na sa kanya.Naabutan ko siyang may kausap sa phone at parang naiirita.Magkasalubong ang kilay at parang natataranta habang nakikinig sa kabilang linya.

  "Sinabihan mo dapat ako ng maaga.Hindi yung pabigla-bigla ka."anito at napahawak sa sentido at napapikit pa.Pinipigilang huwag sigawan ang kausap.Tahimik lang ako habang maingat na nilapag sa mesa niya ang mainit na kape.

   "What?Now?No!No!Okay, okay!Hindi na ako papasok.Wait for me there."anito at pinatay na ang tawag.Nagmamadali itong magsuot ng coat na hinubad niya kanina at dinampot ang car keys.

   "Sir, aalis po kayo?Kape niyo po,"pigil ko sa kanya.Sinulyapan niya lang ang kape at binalingan ako habang naglalakad papunta sa pinto.Mukha nga siyang nagmamadali.

  "Inumin mo na.Hindi na muna ako papasok ngayon."anito at saglit na nagtitipa sa cellphone nito .

  "Cancel all my meetings today and reschedule it sa mga vacant time ko.Or isingit mo sa ibang maluwag na schedule.Ikaw na bahala dito.Kailangan ko nang umalis."Baling niya sa akin at dire-diretso nang lumabas ng pinto.Pagkaalis niya ay kinuha ko ang kape at ako na ang uminom.

  'San kaya siya pupunta at nagmamadali?' 

  Acer POV

   Habang nagmamaneho ay naisip ko si Zarina.Mukhang hindi maganda ang pagbabalik ni Margaux sa bansa.Napabuntong-hinga ako.Dumiretso na ako sa NAIA terminal 2.

   Nang makita siya ay mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa pisnge.Isang taon din siyang wala sa bansa.Hinatid ko muna siya sa bahay nila at muli kaming lumabas para kumain at mamasyal.Hindi man lng siya nagpahinga. 

"Kumusta ka sa New York?"tanong ko habang nakatingin sa kanya.Matamis niya rin akong nginitian.Ganun pa rin naman siya.Malambing at masyadong clingy.She is my childhood friend.Pabalik-balik siya sa abroad dahil doon nakatira ang mga magulang niya. Nang magmigrate kasi ang pamilya niya ay nag-paiwan siya sa lolo at lola niya.

   "Okay naman.Sobra nga kitang namiss eh! One year tayong di nagkasama."
Napangiti ako.Kahit papano ay namimiss ko din naman siya. 

   "Two months lang ako dito at babalik na naman.May offer kasi sa akin sa isang sikat na magazine sa New York.Magmomodel ako at mailalabas din sa Cosmopolitan magazine."masigla nitong sabi.Natutuwa naman ako sa nalaman.Sikat naman ang naturang magazine at halos mga celebrity ang naroroon.Local at  international .

"Kaya sulitin natin ang bakasyon ko dito.Bawal mo akong tanggihan."Anito at nakanguso na.Pano pa ako tatanggi eh nauna pa ang pagtatampo.

   "Sure.Alam mo namang di kita matiis," sabi ko na lng.

   "Thank you Ace! The best ka talaga. Dadalaw ako sayo sa office mo bukas ah!"dugtong pa niya.

  Napaisip ako.Ayoko naman sana siyang dumalaw dahil baka pag-uusapan pa kami at ayoko ng ganun.Seryoso ako kapag negosyo na dahil magiging akin na yun sa mga sumunod na taon. 

"Malapit na pala birthday mo.Hahaha! Tumatanda ka na."

   "Hey! Turning twenty four pa lang ako."sabat ko.Ang bata ko pa nga para maging CEO eh! Mature lang ako mag-isip.  

"Whatever!Hahaha!Samahan mo ako sa bar ah!Yayain natin sina Paulo."pumayag na lang ako.

Alas onse na nang ihatid ko si Margaux sa bahay nila.Kakaiba talaga siya malasing.Makakalimutin.Tulad ngayon di niya ako kilala.Napailing na lang ako nang alalayan siya sa kama niya. Nabigla ako ng hapitin niya ako sa batok at akmang hahalikan.Ang higpit pa naman ng pagkakahawak niya kaya tumgilid ako para sa pisnge niya ako mahalikan.  

"Hang...gwafoh mo namann...Shino kahh falah..?"anitong pinipilit pa ibuka ang mga mata.Napahinga ako ng malalim.Hindi siya pwedeng hayaang mag-isang uminom.Delikado .

  "It's Acer."sagot ko at pilit tinanggal ang mga kamay niya.Nagtagumpay naman ako. 

  "Ahh..shi Eysher..my childhod shweethart."natigilan ako sa tinuran niya. Oo malapit kaming magkababata at naging kami ng one year pero hindi nagtagumpay ang relasyon namin.Mas matimbang sa amin ang pagiging malapit na magkaibigan.Bakit pa niya inungkat ang tingkol dun?

   Nang makatulog na siya ay nagdesisyon na akong umuwi.Pinaasikaso ko siya sa mga katulong nila. 

Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Zarina.

   'Alam kong tulog na sya pero susubukan ko lng.'

Nagulat pa ako ng may sumagot sa kabilang linya.

   *Hello?*dinig kong medyo paos na boses nya.Mukhang nagising ko siya.  

*Hello?Sino to?*untag nito kaya napatikhim ako.Mukhang di niya tinitingnan ang caller.

"Sorry sa disturbo.It's Acer.Kumusta sa office?"yun lang ang naisipan kung itanong kahit ang totoo ay siya ang gusto kong kumustahin.

*O-okay naman..di ka pa natutulog?*

"Pauwi pa lang ako.Tulog ka na ulit.Bukas na lang tayo mag-usap.Good night Zarina."
I miss you...
Ibinaba ko na ang tawag dahil baka masabi ko pa.Namimiss ko naman talaga sya.

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now