Zarina POV
Maingay sa loob ng bar.Maraming tao sa dance floor at sa mga gilid ay naroon ang mga nag-iinuman.May naghahalikan pa.
'Yuck! Kadiri namn!'napangiwi ako sa mga nakikita.Dinala ako ni Kevin sa bar counter.
"Let's enjoy the night Zar.Margarita lang sayo ah para hindi ka malasing."wika ni Kevin nang makaupo na kami.Kaagad siyang um-order at beer naman sa kanya.
Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar.Hindi rin ako umiinom ng kahit anong inumin.Kahit light drinks.
"Dahan-dahan lang. Mamaya malasing ka iiwan talaga kita."saway ko sa kanya kaya napahalakhak siya.
Patingin-tingin ako sa paligid at taas-kilay na pinagmamasdan ang mga nagsasayaw sa gitna.
'Ang landi naman nila.'malisyosang sambit ko sa isip.
May mga lalaki at babaeng halos magkayakap na sa maharot na musika.May mga kapwa babae naman na parang nagwawala na at nagso-showdown.'Ano ba yan?'Napairap ako at napabaling ang tingin ko sa katabi ko ng bigla niya akong kalabitin.
"Bakit?Lasing ka na ba?"natatawa kong tanong sa kanya.
Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa akin.Hindi pa naman siya lasing pero naka-limang beer na siya.Tindi rin niya ano?Mag-iisang bucket na siya.
"Masaya ako ngayon dahil pinagbigyan mo ako."anito at hindi ko gaanong narinig kaya inilapit ko ang tenga sa kanya.
"Anong sabi mo?"tanong ko sa kanya.
"Sabi ko gusto kita Zarina."anito at hinawakan ako sa mga kamay.Mukhang natamaan na siya ng beer.
Medyo nabigla ako kahit alam ko namang dati na niya akong gusto.Ang akala ko ay nawala na ang pagkagusto niya sa akin simula pa nung college.
"Kevin lasing ka na.hahaha!"tinawanan ko pa siya para maisip niya na nagbibiro lang sya.
"Seryoso ako Zarina.Alam mo yan mula pa noon.Kahit nakainom ako alam ko ang sinasabi ko.I love you Zarina."Seryoso ang mukha nito sa pagkakasabi .
Nahila ko ang kamay ko at nilagok ang beer na nasa baso nya.Hindi kasi sya umiinom sa bote.Gulat na tiningnan niya ako.
"Umiinom ka ba?"tanong nito ng mapansing straight na ininom ko ang beer sa baso at sinaid iyon.Akala mo juice lang eh!
"Hindi.Pero dahil sa sinabi mo ay kailangan kong uminom."sabi ko at akmang kunin ang natitirang bote ng beer.Pinigilan nya ang kamay ko at kinausap ako.
"Zarina tumigil ka nga.Hindi kita pinipilit na suklian ako.Gusto ko lang malaman mo na seryoso ako at handa ko iyong patunayan sa mga magulang mo.Pwede na naman tayo ngayon diba?"
"Kevin...akala ko magkaibigan tayo? Pasensya na pero hanggang doon lang ang pagtingin ko sayo.Para na ngang kapatid ang tingin ko sayo.Ayokong mawala ka sa akin bilang matalik na kaibigan Kevin.Ayokong magbago ang lahat sa pagitan natin."
Mahabang paliwanag ko na nagpalungkot sa kanya.Binitawan niya ang mga kamay ko at Binuksan ang natitirang beer.Sunod-sunod nya iyong ininom at muli pa syang nag-order ng isang bucket ng beer at walang tigil na uminom.Naiinis ako sa ginagawa nya.
"Hindi kita pinipilit.Pero maghihintay ako.Hindi ako susuko Zarina."Anito at muling uminom.
Napayuko ako at napapikit.Ayokong mawala sya bilang matalik na kaibigan.Napakabuti nya at maalalahanin pero wala talaga akong pagtingin sa kanya.Ang hirap ng ganito.
'Ayaw kitang saktan Kevin.' sa isip ko.Nilingon ko sya at dahil abala sya sa iniinom ay um-order ako ng alak.
Nag-aalangan pa ang bartender kung bibigyan ako kaya sinabi ko na lang na light.Nilapag niya naman ang san mig na apple flavor.Nang ininom ko na ay napatitig ako sa bote.
'Juice ba to?'Para kasing lasang juice lang.Binalingan ko ang bartender.
"Juice yata to.Yung walang flavor nga."
Inilapag nya namn sa harap ko ang san mig light.Nang ininom ko yun ay napangiwi ako.Ang pait men!Maya-maya ay napansin kong nakayukyok na si Kevin.Malamang lasing na.
'Pano ba to?'hindi ko sya kayang buhatin dahil maging ako ay nahihilo na rin.Nakadalawang bote ako ng san mig at dahil first time kong makatikim nun ay mabilis akong tamaan.
Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid.Nahihilo talaga ako.Naiinitan na rin ako kaya hinubad ko ang blazer na suot ko.Nalantad naman ang makikinis kong balikat dahil sleeveless ang panloob ko.
Tumayo ako para magpunta sana sa cr dahil para na akong masusuka.Bumabaligtad ng sikmura ko.
'Ayoko ng uminom gadd!'
Muntik na akong mabangga kung hindi pa sila umiwas.Sapu-sapo ko ang ulo ko habang naglalakad sa isang hallway.
'San ba cr dito?'pilit kong binubuka ang mga mata dahil bumibigat iyon.
"Hi miss! San ka pupunta?"anang lalaki na nakasalubong ko mula sa isang pinto sa kahabaan ng hallway
. 'Ba't ang daming pinto dito?'
"Naliligaw ka yata?Halika samahan na kita ."anito at hinawakan ako sa braso ko at isinama sa pupuntahan nito.
Naalarma ako dahil hindi ko naman sya kilala.Nagpupumiglas na din ako.
"May kasama ako sa labas.Bitawan mo nga ako."sabi ko at pumipiksi. Pero ngumisi lang ang lalaki at pinasadahan pa ako ng tingin.
"Ang ganda mo naman.Ang sexy pa."anito at nanindig ang balahibo ko sa narinig.Masama na ang kutob ko kaya pilit akong nagwawala at nagsisigaw na rin.
Tinakpan nya ang bibig ko.At dahil wala na yata akong lakas ay hindi ko magawang kumawala hanggang sa malapit na kami sa isang pinto.
Bigla na lang napahandusay ang lalakinh may hawak sa akin at natumba din ako sa tabi.Nang pilit kong inaaninag ang nangyayari ay may nakita akong bulto na sinusuntok ang lalaki.Nawalan na ito ng malay at ngayo'y dahan-dahan naman akong nilapitan ng nagligtas sa akin.
Muli kong naramdaman ang pagkahilo ng binuhat niya ako.Hindi ko na magawang tingnan ang mukha nya sa sobrang hilo.
"Kevin?"tawag ko.
"Don't worry about him.Ipapahatid ko na lang sya.Are you okay?Nasaktan ka ba?"rinig kong tanong nya.
"Acer..."sambit ko at nang sumagot sya ay unti-unti ng nawala ang kamalayan ko.
YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...