“Bakit ba kasi bigla kayong nawala? Edi sana nakita niyo yung mga paputok!,” pagmamaktol ni August. Kasalanan ko ba na hinila ako ni Theo papuntang rooftop?
“Si Theo kasi bigla akong hinila,” sagot ko naman. Tinignan namin lahat si Theo na patay malisya lang na humiga sa sofa sa kwarto ni Vivien.
“Hayaan na nga natin! Ang mahalaga iinom tayo ngayon,” masiglang tugon ni August at inilabas ang isang bote ng alak.
“A-alak?! Tarantado ka, August! Isusumbong kita!” sigaw ko naman at tumayo ako ngunit hinawakan ni Samuel ang kamay ko at masamang tumingin sa akin.
“Yan! Buti nga sa'yo,” patawa-tawa namang sabi ni August. Inirapan ko lang siya at umupo na ulit.
Menor de edad palang kami! Bawal pa uminom.
“Kaso...”
“Bakit?” tanong ni Samuel.
“Wala tayong pulutan,” alanganing sagot ni August. Napahawak na lang sa noo si Samuel samantalang si Vivien naman ay tumatawa.
“Ako na kukuha,” pagprepresinta ko. Wala naman akong balak uminom pero dahil matakaw ako, baka ako pa makaubos ng pulutan nila. Pagbibigyan ko sila ngayon kasi bagong taon naman.
“Ayaw! Baka magsumbong ka pa,” mabilis na tugon ni August. Tignan mo itong isang ito! Sila na nga kukuhanan e.
“Sige. Ayaw niyo e,” tugon ko at nahiga sa kama ni Viviene. Ang lambot talaga! Ayaw nila ako pakuhanin, edi huwag. Hindi naman sila makakainom. Tamad yang apat na yan e kaya walang magkukusa na kukuha ng pulutan kung hindi ako lang! Ang nag-iisang masipag sa magkakaiban. HAHA!
“Tsk! Sige na nga!” bigla namang sabi ni August. Tumawa ako. Sabi ko na nga ba e, mga tamad kaya sa huli ako pa rin kukuha. Buti na lang masaya ang umpisa ng 1995 kung hindi baka kanina pa ako sumigaw at sinumbong ang mga ito.
Lumabas na ako sa kwarto ni Vivien at masayang bumaba ng hagdan. Rinig ko naman ang tawanan ng mga magulang namin. Buti nga narito si papa e. Akala ko nasa station na naman siya ngayong bagong taon. Last year kasi sa station siya nagbagong taon.
Dumiretso na ako sa kusina para kumuha ng mga pagkain. Syempre dahil likas na mayaman sila Vivien, may tray pa ang mga ito. Ang astig nga e kasi kahit marami ang kuhanin mong pagkain, madali na pang siyang buhatin.
Habang naglalagay ng mga pulutan ay narinig ko naman ang mga magulang namin na nagkwekwentuhan. Halata namang mga nag-iinuman ang mga ito.
“Ang galing talaga magchess ni Augustine. Manang-mana sa nanay.” Tugon ng mama ni Samuel. Tumawa naman si tita Marinel na halatang proud kay August. Sus, kung alam lang nila na sakit din sa ulo ni tita Marinel iyang si August dahil bulakbol din katulad ko. HAHAHA!
“Kumusta naman si Theo? Napakatalinong bata pala.” Ani namam ni tita Isabella.
Aba, oo naman! Sobrang talino niya talaga sa lahat ng subject namin. Proud talaga ako 'no!
“Ayos lang naman. Inaabot na ng madaling araw kapag nag-aaral. Masyadong masipag katulad ng papa niya.” Sagot naman ni tita Madelyn.
Sana ganoon din ako kasipag.
“Sobrang galing naman pala ng mga anak natin, nakakatuwa.” Tugon ni tita Jessielyn.
“Totoo yan.” Pagsang-ayon naman ni papa. Kaya mahal ko si papa e. Support siya sa akin.
“Hay nako! Iyong anak kong si Cecilia, sakit sa ulo!” Paninira ni mama sa kasiyahan nila.
Heto namang si mama, kung makasira sa pagkatao ko, wagas!
BINABASA MO ANG
Back in 1995
Teen FictionCecilia Jacqueline - isang 41 years old na babae. Nang bumalik siya sa kaniyang dating tinitirahan ay biglang bumalik ang lahat ng alaala noong taong 1995. Noong mga panahon na pinaglalaruan siya ng buhay. Noong taon na una niyang maramdaman lahat...