A Flash Fiction Story

5 2 1
                                    


"Taraaa na!" Sabi ng mga kaklase ko habang pababa na ng building ng isang public market dito sa Bayan ng Florencio.


"Saan tayo pupunta?" Sabi ko. "Shunga ka ba? Siyempre kayna Diane tayo" Ani Riane "Oo nga tsaka Alam mo monthsarry ngayon nila Sheena at Julio kaya doon tayo muna kayna Diane" Sabi naman ni Gretchen.


Ohkay. So habang kami ay naglalakad, kanya kanyang partners yung mga kaklase ko. Mapa-Bababe man o Lalaki o magjowa. Ako? Wala. Walang may nagaatubiling tumabi sakin. Kaya't minadali ko ang lakad ko.


Wala pa rin. Hanggang sa huminang-humina ang lakad ko at nagpahuli na lang sa mga kaklase ko.


Ang saya naman nila. Ang saya siguro mabundol ng isang 6 wheeler truck ng di nila napapansin.


Habang tumatawid, huli na ng napagtanto kong naramdaman ang semento. Tila isang panaginip ang nararamdaman ko.


Tumingin ako sa langit at ngumiti. Naririnig ko ang mga hiyaw ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa kanila bawat isa habang ngumingiti.


Salamat dahil napansin niyo rin ako. At tiniklop ko na ang mga mata ko.

COMPILATION OF SHORT STORIESWhere stories live. Discover now