"SABI KO NA NGA BA MAGKAKLASE TAYO, EH!" Inakbayan kami ni Carlo at Ian.
Nasa paaralan kami para magpaenroll. Buti nalang walang nag-isip na magtransfer sa amin sa ibang school.
Palinga-linga naman si Ian. "San na ba sila?"
"Advance mo namang mag-isip Carlo, papa-enroll pa nga lang tayo," saad ko.
Nagtitingin lang ako sa cellphone nung nagchat si Zarina na nandito na daw siya. Sakto namang pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siya kasama si Gio.
"Hi classmate!" Pakikipag-apir ni Ian kay Gio.
"Lah, si Gio lang binati," pagtatampo ni Zarina.
"May narinig kayo? Di natin naririnig yun di natin kaklase, diba?" Pag-aarte ni Ian kaya nakatanggap siya ng batok kay Rina.
Jay and Arianne were already here with us. Si Johanna na kang hinihintay namin.
Sininghot pa ni Jay si Gio, "hmm. Amoy palaro, amoy Davao eh."
The Palarong Pambansa was held at Davao, as well as the National PRISAA. Kaya magkasama pa rin sila ni Russwill. Pinapili nga raw si Russwill if Palaro or PRISAA. I asked him why para daw makasama si Gio sa Palaro since it was Gio's dream.
Wow, that's just sweet of him.
"Parang tanga Jay. HAHAHAHAHAHA! Nasa bag hinahanap niyo."
"Salamat Gio!" Tumatawang saad ni Carlo havang binubuksan ang bag ni Gio.
Ngayon lang kasi kami ulit nagkikita na kasama si Gio kasi busy nga siya sa training tapos bago lang din siya nakauwi.
Nang dumating na si Johanna, pumila na kami para makapagpa-enroll.
"Ha? Bakit HUMSS to?" Nagtatakang tanong ni Jay kay Arianne.
"Gusto ko sa HUMSS, bakit ba?" Pambabara naman ni Arianne.
"Tsk, kala ko pa naman magkaklase tayo," maarteng sab ini Ian.
"Halaaaa, ay grabe, mang-iiwan," pagtatampo naman ni Carlo.
Napairap na lang si Arianne sa pag-iinarte nila.
"Sige, gusto ko mag-psychology tapos STEM?" Basag ni Arianne sa kanilang lahat.
Tinalikuran lang sila nia Arianne at nagpunta sa treasurer para magbayad. Sumunod naman kami sa kanya. Habang nakapila biglang may nagtakip sa aking mata.
Kinakapa kapa ko siya at umiiwas naman siya. "Sino ka?"
"Russwill?" Tanong ko sabay tanggal niya sa kanyang kamay at inakbayan ako.
"Hi!" Kinindatan pa ako ng loko.
Nakipag-apir pa siya sa mga kaibigan ko. "Bat ka nandito?" Tanong sa kanya ni Carlo.
Tinaas niya ang bitbit niya na folder, "Papaenroll ako."
Ha? Wala naman siyang sinabi sa akin, ah?
"Pinagloloko mo naman kami, eh!" Sabi sa kanya ni Johanna.
"Just kidding HAHAHAHAHA! Galing ako sa school namin. Nagpaenroll din. Chinat ako ni Gio na nandito daw kayo kaya pumunta nalang din ako. Hindi kasi nang-iinform yung iba diyan, eh." Pagpaparinig niya sa akin.
Napagdesisyunan namin na kumain muna sa labas. Kaya ngayon sabay kaming umuwi lahat.
"Mika, thank you." He said when we were the only ones left in the cab. Since isa lang ang dadaanan papunta sa amin.
Taka ko siyang tinitigan sa kanyang sinabi? "Ha? Para saan?"
He smiled at me, "Sa lahat, sobrang thankful ko sa 'yo. I mean ang laki ng utang na loob ko sa 'yo."
"Ha? Hakdog."
Sobrang seryoso kasi. Di ako sanay na ganto si Gio.
Sinimangutan niya lamang ako. "Hays seryoso nga akong nagpasalamat di naman pala ma-appreciate." May pabulong-bulong pa ang loko, pero rinig ko naman.
"Welcome," sagot ko na lang baka magtampo pa.
Tumingala siya habang nag-iisip.
"I really don't mind kung sa PRISAA or Palaro masalihan ko as long as makasali ako sa nationals, but thank you for blabbering it with Russwill, he gave way."
We were already near his house but he told the driver na ako ang unang ihatid.
As we reached my house I said thank you to him.
Bago umalis ang cab, narinig ko pa siyang nagsalita.
"Kung sana..."
Kung sana ano? That night I was thinking of what it was about. Para sa kin ba yun? Anong kasunod?
I fought a debate to myself whether to chat him or not. But I did the latter.
Dominique Gio: Kung sana nahanapan lang kita ng lalaki sa Davao pero taken ka na kaya hindi ko na lang tinuloy paghahanap.
Kumagat naman ako sa rason niya.
When the classes started, we were still going out together but things were different since we have to adjust with our schedules because we are now on our Senior High School and Zarina and Arianne were on different strands.
We were all seatmates. Nasa gitna ako ni Gio at Johanna. Tapos sa likod namin nakapwesto sina Ian, Jay at Carlo.
But when the exams were near, I can feel that Johanna usually stares at me and Gio. Like she's studying me and my moves.
There was one time that she messaged me privately but she would just stop after chatting my name and say it's nothing.
I really noticed that Johanna was always observing me. Even when we went out during the semestral break.
But she didn't talk about it. I mean I waited for her to open it up with me but she didn't. When classes resumed, she rarely studied me with her looks. So I assumed that maybe she was wrong about her observations.
But during the third periodical exams, I saw how Gio and Zarina was somewhat off. He didn't go out with Zarina anymore. The squad haven't any time to jam with Arianne and Zarina because of the different schedule. That's why Jay, Carlo, Ian, Johanna, Gio and I are always together.
I know she knows and that's when I decided to talk to her.
Nagpasama ako sa kanya sa cafeteria kasi busy pa din naman yung iba kaya siya nalang inaya ko.
"I know you know something." I opened up the topic when we sat at a table with our foods.
I think she was surprised.
"Hindi ko naman simasadya, eh," I paused, close to crying, "What have I done!" I exclaimed and that's when my tears started to fall.
She pushed my drink towards me urging me to drink from it to calm myself. I was nervous because she was just silent as I was still crying silently.
Buti nalang konti lang tao ngayon sa caf kasi class hours pa, vacant lang namin.
Minutes later, Johanna broke the silence. Like she used those time of silence for thinking what to say.
"I think you like him already."
•••••
idk anymore :3
BINABASA MO ANG
Mischievous Flight of Love
Teen Fiction[ON-GOING] "Since when did I fall in love with you?" Tanong ni Mika, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang dalawa. "Pakiramdam ko, hindi talaga tayo pwede." Mahinang saad naman ni Gio na narinig naman ni Mika. Hindi ba talaga pwed...