Ika-dalawampu't anim na kabanata

161 7 2
                                    

-------------

          Marami ng nagtatanong sa akin kung bakit at papaano ako naging isang boss pero kahit baliktarin nyo pa ako ng ilang ulit hindi ko sasabihin kung paano nila ginagawa iyon. Sa buong katotohanan kasi, kahit ako hindi ko rin alam. 

Kung magkakaroon ng pagkakataong matulungan namin sya hindi ako mag-aaksaya ng kahit isang segundo dahil iisa lang ang mundong ginagalawan natin at labis na itong dumidilim.

-----------

Wendyl's PoV

Maraming pangyayari na hindi ko maintindihan, mga kaganapan na pasulyap ko lang nakikita. Ilang mga Veco guardians ang nakikita ko sa school kaninang umaga at ngayong gabi parang nagkakagulo sila.

"Ro, nakita mo ba si Al?" tanong ko sa babaeng pinakamamahal ko.

"Huh? Tanong mo kay Rhianna."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko na may lamang gamit pang mafia. Ewan ko kung bakit pa ako nag-abalang ipunin ang mga dati kong gamit pero may nagsasabi sa isip ko na kakailanganin ko ito. "Oh san ka pupunta?" tanong nya.

"Hahanap ako ng matinong kausap." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi pero alam kong may mga maling nangyayari kahit si Rhianna ay hindi na rin masyadong lumalapit kay Al at ilan sa mga babae sa classroon na ang nilalapitan nya.

Wala na ring mga tsismis tungkol sa aming apat pero may mga bulong-bulungan tungkol sa pagpatay sa isa sa mga guro dito sa paaralan. Mapa ano man iyon, wala akong kinalaman at alam kong ganoon din si Al.

Pero... wala nga ba? 

"Excalius Sword." Nawala ako sa iniisip ko ng tawagin nya ako. "May pupuntahan tayo madali ka." Seryoso sya ngayon. The usual sadistic bastard who wants to kill for the sake of others so may problema nga.

Dinala nya ako sa isang eskinita at tulad ng dati naming ginagawa magtitipon kaming tatlo doon. Dumating si Jhon Reigh makalipas ng ilang minuto nakatingin sya sa akin na parang hindi nya ako makilala. May problema ba sa mukha ko?

"Boss, anong nangyari dyan kay Excalius?" tanong ni Reigh kay Al.

"Bakit? ano bang meron sa akin? Bakit ganyan kayong makatigin?" tanong ko kaagad.

"Hayaan mo na yan Acedia ang ipinunta natin dito ang gawin natin. Ang lalaking yan ay ang lalaking taga school." Agad akong sumabat sa pagsasalita nya.

"Ano? Totoo yung balita? Pero di ba si Hayme Patricio lang ang lalaki sa school?" Gulat na tanong ko na medyo napalakas kaya binatukan ako ni Al at natawa si Reigh sa akin.

"Ingay mo! Hindi mo ba natatandaang binugbog natin si HP? Dahil doon hindi na sya pumasok at hindi alam ng mga girls na naghahanda na ito para sa kasal nila ni Necean kahit hindi alam ni Necean ang balak gawin ni HP." Halatang inis sya at dito pa talaga kami nagtsismisan.

"So, ibig mong sabihin, makakawala na si Ro sa kasalang nakatakda para sa kanila nung halimaw na yun? YES!" pagpupunyagi ko pero binatukan ulit ako ni Al. "Aray! Ibalik mo na nga yung cute na Al ayaw ko na sayo." Pabebe kong pagrereklamo pero wa-epek naman sa kanya.

"Kita mo na Nether Lufactrus, yan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi na sya dapat tumatabi pa sa isang Ciltia." parang frustrated si Reigh at ikinagulat ko iyon. Pilit kong itinago ang aking emosyon dahil na rin sa ngayon lang ginawa ni Reigh ng seryoso ang ganyang bagay ang tawagin si Boss sa kanyang code name. Kahit ako hindi ko magawa sa kanya yan ng seryoso ibig sabihin may problema talaga.

Napahilamos na lang ang kamay ni Al sa mukha nya at lumapit sa duguang bangkay. "Huwag natin yang pagtalunan dito. Ang lalaking ito ay pinatay ni Yohan." Doon muling sumakit ang ulo ko.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon