Kabanata 5

49 25 1
                                    

"Ate Lienea!"

"Kuya Claiden, nasaan kayo?"

"Ate, sunduin mo ako rito!"

"Ate, nakikiusap ako sa'yo!"

"Kuya? Kuya pati ba naman ikaw?"

"Ba't n'yo ako pinabayaan?"

Tumatangis...
Si Misha ba 'yon?

"Misha nasaan ka?!" pasigaw kong tanong at naluluha na rin.

Wala akong makita. Madilim. Pakapa-kapa akong lumakad sa daan. Pilit kong sinusundan ang boses ngunit mabilis itong naglaho.

Umikot ang paligid. Mabilis na mabilis. Pagdilat ko ng aking mata ay nasa isa akong t-tribo? Ibang lugar kumpara sa kanina.

"Ate Lienea!" narinig kong may tumawag sa akin kaya't hinanap ko ito. Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ko ito.

"Claiden!" patakbo akong lumapit dito saka ito niyakap nang mahigpit. Umiiyak.

"Ano bang nangyari? Bakit wala kayo ni Misha sa kweba? Claiden!" sunod-sunod na tanong ko rito.

"May kumuha sa amin, ate. Pinilit kong lumaban. Nilakasan ko ang loob ko ngunit marami sila, ate. Marami sila," pagkukuwento nito sa akin habang patuloy na umiiyak.

"Nasaan si Misha? Bakit hindi kayo magkasama?" takang tanong ko rito. Iniwas niya ang kanyang tingin, wariy nahihiya sa nangyari.

"Magkahiwalay kami ate. Dito ako dinala samantalang si M-Misha, hindi ko alam kung nasaan sya," mahabang salaysay ni Claiden. Niyakap ko itong muli saka hinagod ang kan'yang likod.

"Hahanapin ni ate si Misha, wag ka na umiyak muli," sabi ko rito. Sa puntong iyon ay naglaho ang lahat. Naglaho ang tribo, ang mga bampira, at maging si Claiden.

Iminulat ko ang aking mga mata. Panaginip. Panaginip na halos makatotohanan.

"Kailangan ko silang hanapin!" sigaw ko pagkadilat na pagkadilat ng aking mga mata.

Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Kailangan kong maghanda, kailangan ko silang mahanap. Para sa tiya, at para sa pamilyang ito," dagdag ko pa.

Kumuha ako ng mga damit ko, gayundin ng sa dalawa. Nagbaon ako ng tubig maging ng dugo. Hindi magiging sapat ang dugong ito kaya't minabuti kong mangaso. Bitbit ang aking mga gamit ay pinakiramdaman kong mabuti ang paligid.

"Sa ilog. Umiinom?" bulong ko sa aking sarili. Naririnig ko na may umiinom. Dali-dali akong tumakbo. Nagpalipat-lipat ng mga puno mula sa matataas hanggang sa mabababa. Naririnig ko pa rin itong umiinom. Nang makita ko na ang ilog ay tama nga ako. Isang usa sa ilog. Dali-dali kong tinalunan ang usa.

"Huwag ka nang tumakbo," bulong ko rito saka ginilitan ito sa leeg. Sinalo ko ang dugo nito gamit ang sisidlan at inilagay sa aking bitbit-bitbit na bag.

"Tapos ang laban," nakangiti kong saad. Tatalon na sana ako pabalik sa puno'ng pinagbabaan ko nang bigla kong makita ang mga bakas ng dugo.

Patak-Dugo...

Dugo ni tiya! Dali-dali ko itong nilapitan. Hindi ko na napigilan pa ang maluha. Wala na ang katawan niya. Ni hindi ko alam kung saan ito dinala, o kung ginawa na ba s'yang alipin, kung buhay pa ba s'ya.

"Patawad..." humahagulgol kong saad.

"Sinubukan ko tiya, sinubukan ko," dagdag ko pa.

"Hahanapin ko sila. Hindi kita bibiguin," patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.

"Gabayan mo ako," huli kong sabi saka tuluyang tumayo. Kailangan ko pa mangaso ng dalawa. Paniguradong nanghihina na sila.

"Sa palayan," mga kaluskos ang aking nadirinig. Hindi bakas ng paa, sigurado akong isa itong usa. Nagmamadali akong tumakbo, nilampasan ko ang kagubatan at iniwan ang ilog.

Patak DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon