4. Friends?

113 3 0
                                    

Chapter Four

***
-Alexis' point of view

Nakangiti pa rin ako habang naglalaro sa phone ko. Hindi pa rin kasi ako makamove-on sa fact na may trabaho na akoooooo. Hahahaha, hindi na talaga ako makapaghintay na ipagmayabang 'to sa mga ugok mamaya. Bwahahaha! "Hi babe." I heared a familiar voice. Napatingala ako at mas lalong lumawak yung ngiti ko. "Uy, andito ka na pala." Sabi ko sa'kanya tapos nagfist bump kami. "Ibang-iba ka talaga sa lahat ng babae na nakilala ko." Sabi niya habang nakapalumbaba sa mesa at nakatingin sa'kin.

Alam mo yung tingin na nakakalusaw? Oo, yun yung tingin na binibigay niya sa'kin ngayon. "Bakit? Ang typical ko lang naman ah?" Tanong ko pabalik sa'kanya at tinabi muna yung phone ko. He shrugged. "Ewan ko. Wala ka kasing masyadong arte. Laid back ka lang. Chill kumbaga. Tapos turing mo sa'kin, parang tropa-tropa lang. Haay, kaya mas lalo akong nahuhulog sa'yo, Alex ko eh." Sabi niya. Nag-blush naman ako. Grabe kasi magpakilig talaga kahit kailan. Hindi ko pa naman alam kung paano magrerespond sa mga ganyan :(

"Alex?" He called out. Fck, ampogi lang ng boses niyaaaa. "Hmm?" I hummed habang nakataas yung dalawa kong kilay. Ayokong magsalita, baka magstutter lang ako eh. Nakakahiya naman yun. "Date tayo bukas?" Nagyaya siya. Date? Shet, first time ko yata aattend ng date ah. Hindi si Matt yung una kong manliligaw pero siya lang yung nagaya sa'kin na magdate. Siguro yun din yung dahilan kung bakit naturn off ako sa mga manliligaw ko.

"D-Date?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Wala na, nagstutter na ako. Haay, kahiyaaaaaa! Tumango si Matt habang nakangiti. "Oo, date. Usually ginagawa yun ng mga mag-on na, pero, gusto ko lang gawin 'to habang nanliligaw pa lang ako sa'yo hanggang sa sagutin mo na ako." He looked down, blushing. Napangiti naman ako. Ang cute-cute niya kaseeee! Okay, hindi ko na talaga mapigilan. Kinurot ko yung magkabilang pisngi niya. "A-Araay!" He yelped. Nakangiti lang ako habang kinukurot yung pisngi niya. Then, I finally let go. "Hahahaha! Ang cute mo!" Sabi ko tapos pinirat yung ilong niya. He glared at me.

"Bakit mo ginawa yun? Pulang-pula na tuloy yung ilong ko pati yung pisngi ko!" He pouted. Natawa lang ako lalo kasi ang cute-cute niya talaga. Tapos, nung narealize niyang nakakatawa rin naman pala, tumawa na lang rin siya. Matapos ang tawanan session namin, at nagcool down na kami, nagusap na ulit kami. "Huy, hindi mo pa nasasagot yung tanong ko." Sabi niya. Anong tanong? Alalahanin mo, Alex! Ano yun? Aaaah, yung date namin. Aba, siyempre naman! Gusto ko ring maranasan yung magdate 'no.

Pero sa halip na sumagot ako, finist bump ko lang siya. He gave me a confused look. "Ibig sabihin niyan, 'oo' yung sagot ko." Sabi ko habang nakangiti sa'kanya. Nung narinig niya yung sinabi ko, napangiti siya."Sunduin kita bukas ha? Mga 9:00 am." Sabi niya. "Sige." Sabi ko tapos nagfist bump ulit kami. "Uwi na ko ha?" Pagpapaalam ko sa'kanya. He pouted. "Agad-agad?" Sabi niya. Kukurutin ko pa sana siya ulit kaso pinigilan niya ako. "Hep-hep. Tama na, ang sakit eh. Osige, kita na lang bukas. Bye bye." He said. Natawa lang ako nung pinigilan niya ako. I nodded. "Bye bye." This time, nag-apir naman kami. Tapos nun, tuluyan na akong umalis sa coffee shop.

Nung nasa bahay na ako, binuksan ko yung pinto at sumigaw ng, "I'm homeeeeee!" Pero, walang sumagot pabalik. I sighed. Ano ba yan, hindi ko tuloy maipagmamalaki sa'kanila na may trabaho na ako. Pero okay lang yan, mamaya naman siguro nandito na sila kaya maipagmamayabang ko na sa mga mukha nila. Hinubad ko yung flats ko tapos nilagay dun sa shoe rack. Tapos, dumiretso muna ako sa kitchen. Uminom ako ng tubig at umakyat na sa taas. Papasok na ako sa kwarto ko ng biglang may narinig akong humahagulgol sa katabing kwarto.

Napatingin naman ako dun. Teka, kwarto 'to ni Jade ah? Bakit nanaman siya umiiyak? Anong nangyari? Ang tagal na rin since narinig ko nanaman siyang humagulgol ah. Kumatok ako sa kwarto niya. "Jade? Umiiyak ka ba?" Tanong ko. Oo, halata ng umiiyak na nga siya pero, naninigurado lang naman. Hindi siya sumagot, instead, mas lalo pang lumakas yung hagulgol niya. Hay, ang drama talaga nitong babae na 'to kahit kailan. Hindi naman kasi siya nagsasabi ng mga problema niya. Kumatok nanaman ako. "Hoy Jade! Ano nanaman bang kadramahan yan ha?" Sigaw ko.

The Assistant » Niall Horan (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon