09:20pm / IN
--
-kumakain si paime ng dumating ang ama ngunit dumeretso ito sa silid at pinasunod na lamang sya. Napailing na tumayo si paime at sumunod sa ama. tsk! Istorbo. Walang katok na pumasok sya sa silid nito at naupo sa harapan ng lamesa kung saan ito nakaupo.
"hanggang kailan ka makikitungo ng ganyan sa akin paime."- tumayo na ito at humarap sa labas ng bintana na may hawak ng kopita.
Hindi sumagot ang dalaga at seryoso lamang itong nakatingin sa matanda.
Nang magsalita ulit ito.
" alam kong nagkamali ako dahil hindi ko inalam ang lahat bago ko sinaktan ang iyong ina at ganun din ikaw pero nagsisi na ko sa aking ginawa at alam kong hindi mo ko kayang patawarin , pero umaasa akong balang araw ay mapatawad mo ko ."- bakas ang kalungkutan sa boses nito na ultimo pagpatak ng luha nito ay hindi nakaligtas sa paningin nya . Ngunit bagkos na maawa sya dito ay nagtagis ang kanyang mga bagang sa galit. Hindi na napigilan ni paime ang sarili at pabalang na syang sumagot sa matanda.
"wala akong panahon sa mga walang kwenta mong sinasasabi. Kapatawaran? Wala sa bokabularyo ko yan." matigas na sabi ng dalaga at lumakad na palabas ngunit bago sya makalabas ay nagsalita ulit ang kanyang ama.
"Anak . Bakit ang tigas ng puso mo? Ginawa ko na ang lahat para bumalik ang dating anak ko pero bakit lalo kang lumalayo ?"- hindi na napigilan ng ama ni paime ang umiiyak .
"paime sampung taon na ang nakakalipas pero wala paring nangyayari , ginagawa ko lahat to para sayo nagsisi na ko paime anak ano pa bang kulang? Lahat kaya kong ibigay . Bumalik kalang sa dati ." - hindi na napigilan ni paime ang mga luha na kanina pa gustong bumagsak sa kanyang mga mata . At hinarap ang ama ng may nakakalokong mga ngisi. Anak?? Gustong matawa ni paime ng marinig nya mula sa bibig ng kanyang ama ng tawagin sya nitong anak. Siguro kung nasa tamang oras lang sya ay hihimatayin sya kakatawa. Patawa eh.
" Simula nang pinatay mo yung nagiisang tao na laging nandyan para sakin. Pinatay mo na rin ung kasiyahan ko . Nagsisi? Kahit anung pagsisisi ang gawin mo wala ! Walang katumbas lahat yan! Kase wala kang puso! Makasarili ka! Ginawa mo lahat? Ah oo nga pala ginawa mo lahat! Pati pakealaman ang tahimik kong buhay Ginawa mo! ANG SAYA NOH . Bakit ba hindi mo nalang ako pabayaan ? At bakit bumalik Kapa? Di ba ikaw narin nagsabi ng isa lang akong pipitsyugin.? Tsk! Eto lang masasabi ko sayo . Lubayan mo na ko . Dahil simula ng mawalan ako ng INA . Ibinaon ko narin sa limot na merun akong AMA. at higit sa lahat wag mo kong maliitin dahil WALA KANG ALAM. "- naglakad ng palabas si paime at pinunasan ang huling luhang papatak sa kanyang mata. Di bagay saken tsk!
-
KIRBY POV.
-nagulat si kirby ng makita ang dalaga na pababa sa hagdan at blanko ang ekpresyon ng mukha nito at mukhang malalim ang iniisip . Dire-diretsong lang ito katulad ng dati ay para itong walang nakita. Kaya tinawag nya ito kaya ito napahinto . Kumunot ang nuo nito sabay tingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit sya nandoon.
"Magandang gabi Paime."- magalang na bati ng binata kay paime.
"Anong ginagawa mo dito . Nasa office si dad kung sya ang pakay mo."- at nilagpasan na ulit sya nito ngunit agad din nya itong pinigilan.
" Hindi si Mr.sandoval ang sinadya ko dito. Kundi ikaw gusto kong humingi ng paumanhin sa inasal ko . Hindi ko iyon sinadya nadala lang ako ng pagkabigla kaya ko yun nasabi."- diretsong pahayag ni kirby sa dalaga . Pero tinanggal lang ni paime ang pagkakahawak ni kirby sa braso nya at inis na tumingin dito.
" Sinadya mo O Hindi . Nagawa mo na. Tatanungin nga kita? Bakit mo ba inuubos ang oras mo sakin? "- seryosong tanong ng dalaga at bahagya pang inilapit ang mukha kay kirby . Nagulat naman si kirby sa ginawa ng dalaga at hindi nakapasalita.
"tsk! Mahal ang Oras ko wag nyong sayangin! "- singhal ng dalaga kay kirby at iniwan na itong nakatayo.
"tsk! Ahh! Bakit ba ang hilig mangIwan ng babae na yon? Dapat ako ang aalis dahil bahay nila to eh!? Teka nga ? Bakit nga ba ko nagaaksaya ng oras sa kanya? Syempre dahil iniisip mong baka nasaktan mo sya! Masyado ka kaseng insensitive! Nakakabakla naman! Hindi na ikaw to kirby. Simula ng makilala mo yang babae na yan ! Kung An--" . Naputol ang iniisip ni kirby ng bumababa ang ama ni paime sa hagdan . At nagulat din ito ng makita sya.
"Gandang gabe Iho? Anung ginagawa mo dito? " - nakangiting bati ng matanda.
"ah eh. pinuntahan ko lang po yung anak nyo ."- nahihiyang sabi ni Kirby sa matanda.
"Pinuntahan ? Bakit?? "- nagtatakang tanong ng matanda ngunit napakamot lang ng ulo ang binata at ikinwento sa matanda ang dahilan kung bakit sya naroon.
Natawa naman ang matanda sa nalaman..
--
10:10 pm /Out
BINABASA MO ANG
PAIME Sandoval
Action"WALA AKONG PAKEALAM SAYO. AS LONG AS HINDI KA PUMAPASOK SA MUNDO KO HINDI TAYO TALO. --Paime Sandoval -Paime Sandoval as Michelle Rodriguez. - Krib Hobbin as Jeremy Sumpter.