1

27 0 0
                                    

First day of school na ngayon at ayoko pang pumasok >,< baka pag chismisan lang ako nila dahil hindi talaga ako taga dito. Nakatira kasi talaga ako sa Marinduque, lumipat kami dito sa Santa Cruz dahil dito na nag tatrabaho yung tita ko as nurse. Grade 4 ako nun, yun yung last namin na pagkikita ng papa ko. Nung grade 5 ako umalis naman yung mama ko papuntang Sydney Australia para mag trabaho at ibinilin kami sa tita ko.

"Gising na! Ma le-late ka sa first day of school mo. Bangon kana." Eto naman si tita panira >,< naantok pa ako eh.

"Oo babangon na!" Bumangon na ako, inayos ko muna yung higdaan ko, nag suklay, kinuha yung towel at pumanta ng cr. Matapos kong maligo, nag bihis na ako. Naka pants at white tshirt lang ako tas naka pack bag. Nag breakfast muna ako at pumunta ng school kasama yung tita ko haha nagpasama pa ako sa tita ko kasi nga new student ako at talagang mahiyain.

Nasa school na kami, andaming students. Nakaka OP halos sila may kakilala ano ba yan nakakahiya >,< hinanap ko na yung name ko, ayun nahanap ko na, section A-2. Dalawa pa lang kaming nandito at iniwan na ako ng tita ko. Maya-maya may dumating na isang matandang babae, mukang eto ata yung adviser namin. Binuksan niya na yung classroom at pumasok na kami at umalis na siya. Umupo ako sa likod sa may dulo sa may bintana banda at yung isang kaklase ko sa may gitna sa harapan. Hindi kami nag uusap, nagkakahiyaan ata kami.

Tumayo siya at may hinahanap, ako naman nakaupo lang habang nakasunod yung mata ko sa kanya. Kumuha siya ng broom at nililinis niya yung floor habang ako nakaupo pa din. Nahihiya ako, gusto ko ring tumulong pero nahihiya talaga ako. Lol medyo oa rin no. Pati paglilinis nahihiya ako.

Maya-maya dumating yung adviser namin at iba pang mga kaklase. Nung napuno na yung seats nag simula ng nagsalita at nag introduce yung adviser namin. She's a Science teacher and napakabait na adviser.

Isa-isa na kaming nag introduce, ayoko talaga pag first day of school. Di nawawala yung introduce yourself =,= Ako na yung susunod...

"Hi everyone, I'm Alison Trinidad Gomez. 12 yrs old from Marinduque." Nanginginig ako dahil lahat sila tumitingin sakin at ang tahimik. Nung natapos na kaming nag introduce, saktong sakto nag ring na yung bell, recess time na at naglabasan na yung iba habang ako naiwan. Yung iba masayang nag kukwentuhan habang kumakain, ako eto nag mumukmok sa tabi ng bintana. Natapos na yung klase. Pauwi na ako ng may biglang sumitsit sakin, napalingon naman ako.

"Pssst! Pssst!" Lumingon ako at bumalik rin ang tingin ko at nagpatuloy lumakad.

"Miss! Penge cellphone number!" Tumawa lang siya at sinipatan ko lang siya at sumakay na ako ng tricycle. Ang gwapo nung guy at ang tangkad.

Strange LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon