ANG MASAMA kapag nasanay ang tao sa isang bagay ay hahanap-hanapin na niya ito at ma-di-disappoint kung hindi iyon darating. At kung may hihigit pa sa salitang disappointment, iyon siguro ang nararamdaman ni Tutti ngayon.
Pero agad niyang sinaway ang kanyang sairli, sino siya para magdemand sa taong wala nang paki-alam sa kanya? O mas tamang sabihin na pag-aari na ng iba?
Hindi ba, sinabi na rin niya sa kanyang sarili na mag-mo-move-on na siya kaya bakit sobrang sama ng loob niya ngayon na parang hindi naalala ni Nikon ang kaarawan niya?
The moment she woke up she expected something like a cake for breakfast, just like last year. Or isang bungkos ng bulaklak kagaya nong isang taon bago ang nakaraan. Napaismid siya sa kanyang sarili. Nasanay siya na sa tuwing kaarawan niya, binabati siya ni Nikon sa isang unconventional way.
Marami ang bumabati sa kanya, ang iba kagaya ni Canon ay naghahanda pa nga kagaya ngayon, pero sadyang mas inaabanagan niya ang ginagawa ni Nikon kada taon. Hindi dahil biased siya kundi dahil ginagawa nitong unforgettable ang mga simpleng bagay. Walang salita, pero puro gawa. Ganoon si Nikon.
Pero ngayong halos isang oras nalang ay tapos na ang kaarawan niya, hindi na siya umaasang makakatanggap pa siya ng kahit ano mula sa binata. Bakit nga ba siya aasa pa sa kahit na alam niyangabalang abala na ito sa iba—o sa nobya nito?
Tutti, sino ka nga ba ulit para kay Nikon? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Isa ka lamang phone book, okay?
Naghilamos siya saka nagpaalam sa kanyang papa na matutulog na siya. Kasalukuyan parin itong nanunod ng telebisyon.
"Tutti," tawag nito sa kanya.
"Po?"
Lumapit ito at inabot ang isang pahabang kahon. Walang salitang muling bumalik ito sa kinauupuan para manuod ng telebisyon. Hindi muna niya binuksan kung anuman iyon at umakyat sa kanyang kwarto. She was surprised to see three eggs inside the box, may nakadrawing na mga mukha doon. And in the middle of the box was another red catchet.
Nang buksan niya iyon ay nakita niya ang isang kwintas na may pendant na itlog. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa paraan ng kanyang papa sa pagbati sa kanya.
Nakahiga na siya sa kanyang kama nang marinig niya ang tila pagbato ng kung ano sa kanyang binata. Noong una, hindi niya iyon pinansin. Ngunit noong paulit ulit iyon ay napilitan siyang tumayo.
Pagsilip niya, nakita niya ang isang pigura na nakatayo sa gitna ng daan. Kataka-takang nakapatay din ang mga street lights nila na para bang sinadya iyon. Kinabahan siya, pero hindi iyon ang tipo ng kaba na natatakot dahil sigurado siyang hindi iyon magnanakaw dahil masyadong maayos ang barangay nila para magkaroon niyon.
It was the kind of nervousness where her heart couldn't stop beating wildly with anticipation. The moment she opened her window, she saw a familiar figure looking up at her. Ayaw man niya, biglang tumaas ang level of anticipation at expectation niya. Hindi kaya ito ang hinihintay—
Biglang lumiwanag ang buong street kung saan nakatayo ang pigura. At dahil nasa itaas siya, nakita niya ng klarong klaro ang inihugis na puso ng mga ilaw na nakaayos sa mismong kalsada. And just when the lights lit up, nakita niya kung sino ang pigurang nakatayo sa gitna niyon.
Canon.
May hawak itong gitara at nagsimulang tumugtog ang binata. "Nasa'yo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Nasa'yo na ang lahat pati ang puso ko..."
Hindi si Daniel Padilla ang kumakanta kaya hindi ganoon kaganda ang boses at kasing gwapo ng Teen King si Canon. But the thought and the efforts he had put through himself for this was what made Tutti's heart melt. Oo, lumulobo ang puso niya sa saya, pero sa loob loob niya, isang malaking kahungkahangan parin ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti Fruity
RomanceNikon and Tutti had always been each other's worst enemies, but they were also each other's best of friends. Magulo, platonic at hindi kayang ipaliwanag ng salita ang kanilang relasyon sa isa't isa. Pero isang bagay yata ang common denominator nila:...