Chapter 29

31 3 0
                                    

Acer POV

Mainit ang ulo ko ngayon.Hindi ko alam kung bakit.Lalo pang pinalala ng bagong hired na sekretarya na hindi lang tatanga-tanga.Parang lutang pa.Lagi kong nahuhuli na nakatingin sa akin na kulang na lang ay tumulo ang laway.

"Get your damn face out of here!"sigaw ko sa kanya.Mali-mali ang mga binibigay na files na pinapakuha ko sa ibang department.

Natataranta naman syang tumalikod.Napasapo ako sa sentido.Sasakit yata ang ulo ko sa stress.

Dalawang buwan na ang lumipas at nakabalik na si Margaux sa New York.

Dalawang buwan na rin akong walang balita kay Zarina.

'I missed her damn much!'

Pinuntahan ko sya sa apartment nya pero wala na daw sya doon.Hindi rin alam ng mga kaibigan ko dahil wala naman silang contact dito.Napabuga ako ng hangin sa kawalan.

Inaamin ko, nagsisisi ako sa mga nasabi ko.Marahas akong napahilamos sa mukha.

'Nasaan ka na Zarina?'

Lumipas ang mga buwan at halos mag-iisang taon na.Ang bilis naman ng panahon.

"Ace tama na nga yang pag-iinom mo," awat sa akin ni Henry.Nasa bar kami ngayon.Habang tumatagal lalo yata akong nahihirapan.Sobrang nasasabik na akong makita siya.

"Ace! Maraming babae dyan--"

"Damn you!Hindi lang sya basta babae.Mahal ko sya! Mahal ko sya mula pa noon."galit na binalingan ko ang baso ng Jack Daniels at sinaid iyon.Ramdam ko ang pait at init na dumaloy sa lalamunan ko.Pero mas mapait ang nasa puso ko ngayon.Kahit isang gabi lang sana.Gusto kong pagpahingahin ang utak ko sa kaiisip sa kanya.

"Ang pag-ibig nga naman.Lintik!"turan ni Paolo kaya sinamaan ko sya.

" Tado ka! Palibhasa hanggang ngayon ay hanggang tingin mo lang si Genesis."wika naman ni Bryan.Natigilan ako pagkarinig ng pangalang yun.

"You said Genesis?"baling ko kay Bryan.Nagtatakang tinanguan nya ako.

"T-teka Ace! Akala ko ba si Zarina--"

"Kaibigan sya ni Zarina diba?" singit naman ni Henry kaya naguguluhang tumango muli si Bryan.

"Ah...hehe! Oo nga pala.Bakit mo naitanong Ace?"sabat naman ni Paolo kaya binalingan ko sya.

"May contact ka sa kanya diba?"tanong ko.

"O-oo.Bakit naman?"napapakamot sa ulo na tanong nito.

"Mga bopols talaga kayo.Malamang, si Genesis ang may alam kung nasaan ang irog nitong kaibigan natin."ani Henry na ng balingan ko ay binalingan ang maning pulutan.

"Oo nga noh! Talino mo talaga Ace.Pero kasi ikaw na kumausap kay Genesis.Pinapatayan niya ako ng tawag eh!"

"Give me her phone number."utos ko at kaagad nya namang binigay.Nabuhayan ako ng loob.

Kinabukasan ay sinubukan kong tawagan si Genesis at laking tuwa ko ng sagutin nya naman.

"Hi Genesis! Kumusta?"bungad ko sa tawag.

*Sino to ?*anang kabilang linya.Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.

"Si Acer to."

*Oh hi Acer! Kumusta?Napatawag ka?*masiglang tanong nya sa kabilang linya.

"Heto okay naman. Ahmm...Genesis?Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.Pwede ba akong magtanong?"
Saglit syang natahimik at kapagkuway sumagot naman.

*Sure. kung alam ko ang sagot.*

"Alam mo ba kung nasaan ngayon si Zarina?Please ikaw lang ang makakatulong sa akin.Sabihin mo sana kung san ko sya makikita--"

*Naku pasensya ka na Acer.Hindi kasi sya nagpasabi sa akin kung saan sya eh! Baka nasa probinsya nila sa Mindoro.*sagot nito.Nanghina ako sa narinig.

'Ang laki ng Mindoro.'
"Please namn Genesis oh! Sobrang namimiss ko na talaga si Zarina.Mahal ko sya--"

*Mahal?Wehh? Sinaktan mo nga sya eh!*anito sa kabilang linya.

"I didn't mean it. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko.Please tulungan mo ako.I'll give you a reward."

*Hindi mo ako masusuhulan--*

"Anything you want.Just give me the location.Gusto ko lang syang makita.Hindi ko sya gugulihin.Promise."

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.Kahit papano ay nabuhayan ako ng pag-asa.

'Wait for me Zarina.I'll make it up to you.'

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now