Chapter 30

39 3 0
                                    

  Zarina POV 

Limang buwan na akong nagtatrabaho dito sa Orbit Resort at mag-iisang taon na akong walang balita sa kanya. Isa akong Assistant manager sa isang establishment dito sa Hawaiian Tropic.
Nagsi-serve kami ng mga sama-lamig at shakes sa mga turista sa resort. 

  Nasanay na rin ako sa outfit na kailangang suotin which is yun ang uniform.Floral pairs na crop top at maikling cotton shorts.

Parehas ang flower design at kulay.Ngayong araw ay kukay dilaw ang flower color.Kita pa ang pusod ko sa tuwing itataas ko ang kamay.  

Nakaupo ako sa isang bakanteng upuan sa dulo since wala pa namang  masyadong customer.Naroon naman ang ilang mga service crew.

Bigla kong naalala si Acer.Inaabala ko ang sarili para makalimutan ito pero ngayon ay muli kong naalala.Pati ang masasakit nitong sinabi.

  'She is way much different from you Zarina.And you are nothing compared to her.'

  Muli kong naramdaman ang sakit.Kasabay ng pagtugtog ng musika.  

*Itatago na lang ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo Maghihintay lang
Na mapansin mo
Ang pag-ibig ko hoohh
Na para lamang sayo

'Lintek na!Sino nagpatugtog nun?'  

Sandali lang
Teka lang
Bakit ba ikaw na lang ang laman
Sa isipan ko'y hinahanap kita
At wala ng iba*

( song: Itatago na lang
by Tanya Chiquita)

'Pwede ba?Sino ba naman ang nagdadrama dyan?Hindi bagay sa akin ang kanta.' 

"Ma'am!"
Napapitlag ako sa pagtawag sa akin ng malakas ng isang staff.Gulat na tiningnan ko sya at atubili naman syang nagsalita sa reaksyon ko.

"Ano yun?"

"May tawag si sir Zendrick."anito at sumunod naman ako sa counter para kunin ang nakahold na awditibo ng telepono.

"Zarina speaking."narinig ko ang malanding pagtawa sa kabilang linya.  

*Don't be too formal Zarina.Anyway, I just want to inform you na darating ngayon ang business partner ko dyan.Wala lang. Sinabi ko lang.*anito sa kabilang linya at nakakalokong tumawa. 

"Sira ulo ka talaga.Ano naman ang kinalaman ko dun?"

  *Wala nga.Sinabi ko lang. Sige na bye!*anito at pinatay na ang tawag. Nakakaloko sya.Tumawag para lang sabihin yun.Ano naman ang gagawin ko?  

Pumunta ako sa office na nasa loob din ng Establishment.
Maya-maya'y may kumatok sa pinto ng opisina.

"Come in."Nakita kong dumungaw ang ulo ng isang staff sa pinto.

"Ah ma'am...marami pong customer sa labas."

"Okay sige susunod na ako."tumayo na ako.Minsan kasi kapag maraming customers ay tumutulong din ako sa pag-iestema ng mga dayo.

  "Isang pineapple delight po sa table three!"

   "Ako na."pagprisenta ko at kinuha ang palamig na nakalagay sa loob ng hiniwang pinya.

Paglapit ko sa table ay may nakita akong lalaking nakatagilid ng upo at nakatingin sa dagat.Isang napaka gandang view na makikita mula sa loob.
Napakaganda ng view.

"Here's your pineapple delight sir."untag ko sa lalaking naka Hawaiian outfit din at may shades na nakalagay sa bandang dibdib nya.

'Ohh.. so hot!'
Nakita ko syang umayos ng upo at sinulyapan ako.

  'What the heck!'
Nanlalaki ang mga mata ko pagkakita sa kanyang mukha.Natuod ako at naumid ang dila sa pagkabigla.  

"Thank you!"blankong wika nito at nagsimula ng sipsipin ang in-order sa isang straw na may maliit pa na payong na nakatusok.Habang ginagawa nya yun ay nakatingin sya sa akin.

'My God! Acer...'
Bigla akong nakaramdam ng kaba.Pakiramdam ko ay nanginginig na rin ako.

'Why is he in here?'

"Ma'am? Excuse po may nagrereklamo pong customer sa table 10.Matabang daw ang avocado shake."napabaling ako sa staff na nagsalita at nagpasalamat ako sa isip.

Saglit ko pang tinapunan ng tingin ang lalaking nakatitig sa akin ng matiim.Iniwas ko kaagad ang paningin ko at mabilis na lumayo doon.

Pagkatapos maayos ang reklamo ay buong araw ako sa opisina ko.Natatakot akong lumabas.Baka makita ko pa sya .Nang sumapit at uwian ay saka pa ako lumabas.

  "Ma'am! Pinabibigay nung lalaki sa table 3 kanina."bungad sa akin ng isang staff.Iniabot ang isang tangkay ng  Tulip.Nagtatakang tinanggap ko iyon.  

'Wow! Hindi ko first time makatanggap ng bulaklak pero bakit pakiramdam ko napaka-espesyal ang dating sa akin nun?

'Why is he doing this all of the sudden?'

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now